Does it mean hindi na lang ako nakakakita ng spirits, naririnig ko na din ba sila? Wow! Ano 'to upgraded?
"Ano 'yan? Bawal ang PDA dito! Kung may problema kayong magjowa huwag niyong idamay ang library!"
Bigla akong napaangat ng mukha sa direksiyong pinanggalingan ng malakas at tila galit na tinig. I saw Miss Marjorie, our librarian, on the stair while looking at us with a hint of disgust.
PDA? Magjowa? Mukha bang ganoon ang pwesto ko at ng kung sinumang ispiritung haharang-harang sa daanan ko? Nakaupo ako like I'm kinda begging, while- Wait! Nakikita ba niya kung sinong nasa harapan ko?
With that in mind, I diverted my line of sight in front. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Sef na nakatayo sa harapan ko. I really thought it's a spirit that wanted to scare the hell out of me. I loosen up as I look up at him. His forehead creased.
"It's almost closing time. Labas na! Ang babata niyo pa para sa mga ganyang drama. Noong kapanahunan namin, puro aral ang inaatupag namin. Mga henerasyon ngayon, naku ang agang naglalandi, susmiyo marimar...."
Nagpatuloy lang sa paglilintanya ang school librarian habang chini-check ang mga nakahilerang bookshelves. I decided to get up but I have no intention to look back or to look around.
No wonder, she gets old without a boyfriend or husband. Tumandang dalaga, kasi puro aral. Kaya inis na inis kapag nakakakita ng mga mag-aaral na lalaki at babae na magkatabing nag-aaral.
Ganoon na talaga siya noon pa. Kaya hindi ko na lang pinansin pa. Hindi niya siguro alam 'yong feels ng inspired mag-aral kasi katabi si crush o kaya 'yong taong mahal mo.
Tumalikod na si Sef pagkatapos niyang magpaalam nang magalang kay Miss Marjorie. Napigilan ko siya sa paglalakad nang mahawakan ko ang dulo ng polo shirt niya sa likuran. Nakayuko ako para matakpan ng kulot kong buhok na lagpas balikat ang magkabilang side ng mukha ko.
"What?" Humarap siya sa akin pero hindi ako bumitaw.
Alam kong siya ang nagdala sa akin sa Infirmary nang mahimatay ako noong Acquaintance Party. Ngunit hindi ko siya nakita nang magkamalay na ako. When I thank him for it, he just nodded but didn't say anything.
"Can you lead me the way?" Mahina kong anas. Humakbang ako palapit sa kanya pero nanatiling nakayuko. I can feel that strange presence around. Tumatayo ang mga balahibo ko.
"Ay! Ay! Ano na naman 'yan? May part two pa? Baka gusto niyo nang umuwi, hija at hijo?"
"We're going, Miss Marj..." saad ni Sef bago bumulong sa akin. "Hold tight."
Nagpatianod lang ako sa direksiyong tinatahak niya habang hawak-hawak ko ang laylayan ng uniform niya. He slows down his pace when we reach the stairs hanggang sa makalabas kami ng library. We passed through the hallways. Matagal kaming naglakad. Nakasunod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta but I just followed.
I can still feel that strange feeling from the library. Is it following us? Seriously? What's wrong with this spirit? Napalunok ako. What am I going to do?
"Bitaw." He stopped. Ngayon ko lang narealize na sobrang higpit pala ng pagkakahawak ko sa uniform niya.
Pero umiling ako. Hindi ako bibitaw. Ayokong bumitaw. I can feel its presence beside me. Kinikilabutan ako. Will it hurt me? What if bigla ako nitong hilahin at-

YOU ARE READING
Breaking Free From Envy
ChickLitMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...