"Ganoon ba 'yon?" Takang tanong ko. Anong malay ko.
Tumango siya. Then, we diverted back our eyes to the bartender.
"So-""Bhe... mag-overnight ka sa bahay?" Masiglang pahayag ng isang waiter na lumapit kay Shaun. Gwapo at makinis pero malamya kung kumilos at malambing magsalita. Hinawakan pa nito ang pwet ng bartender at mabilis itong hinalikan sa leeg.
Gross! Or hindi lang ako sanay na makakita ng ganitong bagay. Hindi ako ganoon ka-open minded sa mga ganitong scenes.
I and Minerva were like... jaw-dropped as if bitten by a snake.
"Tinitingin-tingin niyong dalawa, ha?" Sita niya sa amin na nagpabalik ng aming mga huwisyo. "Mga mahadera kayo! Akala niyo hindi ko nakikita ang ginagawa niyo-"
"Stop it, babe. They are still our customers." Saway ni Shaun sa waiter slash babes niya.
"Pasensya na sa-"
"Boyfriend mo?!" Sabay naming gulat na tanong ni Minerva. Kahit obvious naman. Shemay! Kaya pala ang lakas ng loob niyang magsabing walang girlfriend. Pero boyfriend, mayroon!
Buti pa siya. Sana all. May babes.
"Yup." Proud namang pag-amin ni Shaun. "Sorry girls, I'm taken." He humbly smiled. Inakbayan pa niya ang jowa na kung makatingin sa amin ay tila aabangan kami sa may parking lot at tatagasan ng gripo sa tagiliran.
"Okay." Saad ko nang inilayo ni Shaun ang boyfriend nitong tila insecure sa kagandahan namin ni Minerva. Isinali ko na ang sarili ko. Damay-damay lang 'to.
"Let's go." Yaya ni Minerva nang makalapag ng pera sa counter. Naglapag na din ako ng ilang libo doon kahit hindi ko alam kung magkano. I won't mind.
"Saan?"
"Somewhere."
"Sa'n 'yong somewhere?" Nakasunod ako sa kanya. Hindi lang kami gaanong makaalis kasi may mga humaharang na lalaking gustong makipagkilala sa kanya.
"Somewhere na walang makakakilala sa akin."
"Huh? Bakit?"
"Ayoko na dito." Sinusubukan niyang ilagan at hindi pansinin ang mga taong lumalapit at nakikipagkilala sa kanya. Pero ang ilan sa kanila ay mapilit kaya pahinto-hinto tuloy kami. Iba na talaga kapag kagandahan.
Kasi ang mga boys, karamihan sa kanila, admit it or not, too physical. They are driven by what they see outside. Iilan na lang sa mga lahi ni Adan na ang unang titignan ay iyong ugali ng babae at hindi yong face factor.
"Hindi ba manganganib ang buhay ko sa'yo?" Tanong ko nang mapaalis niya ang isang makulit na lalaki.
"Mas manganganib ang puri mo dito. So, if I were you, I'll leave."
"Paanong manganganib ang puri?"
"My gahd Cassey! Do I need to elaborate it?"
"Hindi kita magets, pakiexplain."
"Ang dami mong tanong." Tila nauubusan ng pasensya niyang pahayag.
"Bawal ba magtanong?"
"Sasama ka ba o hindi?" Nilingon niya ako at pinamaywangan. She's wearing a tight tube dress na hanggang kalahati lang ng hita ang haba. She stood one or two inches ahead of me. Pero nang tignan ko ang suot niyang heels, jusko! Nasa 6 inches siguro iyon.

YOU ARE READING
Breaking Free From Envy
ChickLitMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...