Chapter 1

115 28 8
                                    

GREY IVAN EMANUEL

Answer the phone...Answer the phone gracie please!! Where the hell are you!? Dammit!!

Nasa kwarto ako ngayon paikot ikot na lumalakad. Damn I'm worried! Hindi sumasagot si gracie sa mga tawag ko! Pati narin sa mga text ko!

"Bullshit gracie! Sagutin mo yung tawag ko!" Na i-irita kong sigaw

"Ivan ano ba yan?! Bat sigaw ka ng sigaw!?" Sabi ni kuya nung pumasok sya sa kwarto ko

Tinignan ko naman sya at nung mag tama yung mga mata naming dalawa napahinto sya sa pag lakad palapit sakin at nagulat

"G-grey anong nangyare sayo? Bat ka umiiyak?" Nag aalalang sabi ni kuya sakin habang dahan dahang lumapit

"K-kuya si gracie hindi s-sinasagot yung mga tawag ko tinanong ko rin si tita evelyne kung nasa bahay ba nila si gracie s-sabi daw nya kanina pa daw umalis at hindi alam kung san pumunta" humihikbing sabi ko

Umupo ako sa kama ko at yumuko habang hinahawakan yung ulo ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko gabing gabi na tapos hindi pa sya umuuwi!

"Wala kabang alam na lugar kung san sya ngayon? Kumalma ka muna van baka mapano ka! Ma!! Ma!!! Ma!!!" Natatarantang saad ng kapatid ko

Pumasok si mama sa kwarto"Anong nangyare?! Ivan!! Anong nangyare sayo!! Bat ka umiiyak!? Paulo!! Paulo!! Kumuha ka nga ng tubig!! Dalhin mo dito sa kwarto ni ivan!! Bilis!!"

"Ma tawagan mo nga si tita evelyne tanungin mo kung naka uwi na si gracie! Nag a-alala na si grey oh! Tignan mo! Nako ba't ba si gracie pa yung pinili mo!" Naiinis na sabi ni kuya

"Eh m-mahal ko yun kuya eh! Syempre sya talaga pipiliin ko!" Pag dedepensa ko sa aking sarili

Sa sobrang inis ni kuya sinuntok nya yung pader ng kwarto ko para ikagulat namin ni mama

"Yan kasi eh! Sabi ko nga sayo! Na pumili ka ng babaeng matino van! Noon palang sinabi ko na na iwanan mo na yung gracie na yun dahil baka sasaktan kalang nun! Oh ngayon! Anong napapala mo sa kanya!? Nakita mo na ba yung sarili mo!? Halos araw araw ganyan ka na! Umiiyak palagi!! Nag a-away kayo araw araw! Hindi ba kayo nag sasawa sa away nyo!? Dahil ako nag sasawa na sa pagod na ako sa pag aliw sayo tuwing umiiyak ka kapag nag a-away kayong dalawa!" Sermon sakin ni kuya at pumasok naman si papa dala yung tubig

"Eto tubig inumin mo dahan dahan" binigay nya sakin yung basong may tubig at inabot ko naman yun at dahan dahang uminom

"Ma wala ba kayong gagawin jan!? Tignan mo na si van oh! Hindi ko na kayang makikita sya ng ganito! Kapag hindi pa kayo gumawa ng paraan ako na mismo yung gagawa! At sasabihin kona na hindi nyo magugustuhan kapag ako na yung humanap"

"Huminahon ka iho kakausapin ko si evelyne mamaya pakalmahin
Muna natin tong kapatid mo" itinuon ni mama yung attention nya sakin at medjo gumaan yung kaba sa mukha nya

"Nak... ano bang nangyayare sa inyo ni gracie? Noong nakaraang buwan ang saya saya nyo pa naman ah? Halos wala nga kayong problema eh anong nangyare?" Mahinahon pero puno ng kapangyarihan yung pag sabi ni mama sakin

"H-hindi ko rin alam kung bakit ma eh..... nahuli ko syang may kasamang lalaki sa mall nung limang buwan na kaming dalawa.....hinarap ko sya at sinabi nyang hindi na raw ma uulit yon... pinaniwalaan ko sya... nung isang araw ganito rin yung nangyare hindi sya umuwi at ganito yung reaction ko.... nalaman kong gumagawa pala sila ng project sa bahay ng kaklase nya tapos hindi na send yung mga text nya sakin.... akala ko nun niloloko na nya naman ako ulit.... ayokong mawala sya sakin ma.. baka hindi ko makaya..." humagulgol na ako sa pag iisip kung anong nangyayare ngayon

"Cooper tawagan mo so amber ngayon para maka tulong sakin bilis!" Utos ni mama kay kuya tumingla naman ako sa kay kuya at nakita ko na syang inaantay na sumagot si amber

"Hello? Ambyyy si kuya cooper to...... Pwede kabang pumunta dito? Kailangan ka ni ivan ngayon eh....... basta sasabihin nalang namin sayo kapag naka punta kana dito..... sige sige.... oo aantayin ka namin.... ingat ka okay?.... sige bye amby" tinignan ako ni kuya ng masama nang matapos yung tawag nila

"Maliligo lang si amber tas mag papahatid sya dito bibilisan nya lang ako na mag sasabi sa kanya kung anong nangyare sa baba mag pahinga kana jan" lumabas si kuya at tinignan naman ako nina mama at papa sinisigurado na lalabas silang dalawa

Tumango naman ako at humiga sa kama ko. Nang marinig ko yung pag sarado ng pintuan dun na lumabas yung mga luha ko

Gracie.... bakit mo to ginagawa sakin.... parang sinasaksak ako sa kaba at sakit na nararamdaman ko ngayon... halos lahat ng gusto mo binigay ko naman ah...?? Bakit kailangan pang umabot sa ganito....?

Hindi ko maiwasang mahila ang aking buhok sa pagkabigo. Naiinis ako sa sarili ko ramdam na ramdam kong wala kong silbi sa relasyon na to

Ni hindi ko nga alam kung asan na yung girlfriend ko. Huli ko na rin nalaman na hindi pa sya naka uwi ano klaseng boyfriend ako!?

Umupo ako sa kama at kinuha yung cellphone ko. Sinubukan ko ulit tawagan si gracie.... ngunit sa inaasahan ko hindi parin sya sumasagot sa mga tawag ko sa kanya

Gracie naman... papatayin mo ba ako sa kaba...? Asan kana mag paramdam ka naman sakin....

"G-gracie... sabi mo mahal mo ako... pero bakit parang balewala lang ako sa buhay mo...? Bakit hindi ko maramdaman yung halaga ko sayo...?" Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak

Tinignan ko yung headboard ng kama ko puno ng mga picture frames namin ni gracie.... yung mga araw na masaya kami at halos hindi iniisip yung mga sinasabi ng mga tao samin

San ako nag kulang sayo gracie? Pag mamahal, alaga, atensyon halos lahat binigay ko pero kulang parin yun para sayo

"Hahahahahah"mahinahon kong tawa habang umiiyak napapikit nalang ako sa sakit at kaba na nararamdaman ko

-RIINGGG RINGGGG RINGGGG-

Agad kong tinignan kung sino yung tumawag.

Gracie is calling~~

Masayang sinagot ko naman yun

"Babe! Asan ka? Sabi ni tita evelyne hindi kapa umuuwi? Gusto mo sunduin kita?" Malambing na sabi ko

"No no it's fine papunta ako jan sa bahay nyo ngayon antayin moko okay? See you" pinatay nya yung tawag at gumaan naman yung pakiramdam ko sa sinabi nya

-Knock Knock Knock-

Rinig kong katok sa pintuan ng kwarto ko

"Come in!"

"Heyy kuya van hehe"

"Amber!!" Masayang bati ko sa kanya

Four Years GapWhere stories live. Discover now