Chapter 25

35 12 0
                                    

AMBER SKYE ELEANORE






"Anne paki bagalan nga, tatawagan ko si tita sasabihin ko pupunta tayo dun, wag nya lang sabihin kay gian" utos ko kay anne at sinunod nya naman

"Hello? Amber?" Sagot ni tita nung tinawagan ko sya

"Mommy shine pupunta kami jan ngayon ni anne, jan sa bahay nyo pwede po bang wag nyong sabihin kay gian na pupunta kami jan?"

"Sige sige asan na ba kayo? Mag ingat kayo ah?"

"Malapit na po kami tatlong turns na lang po then anjan na kami"

"Okay sige sige I'll prepare snacks for the two of you, do you want to eat?"

"Opo, thank you mommy shine!"

"Anything for the both of you parang mga anak ko na rin kayo"

"Sige mommy shine I'll end the call na po hah? See you!"

"Sure sure see you both!"

Pinatay ni tita yung tawag tsaka ko tinignan si anne na nag a-alala sakin

"I'm sure meron yang explanation..." saad nya pero hindi ko na sinagot yun

I don't know if i should trust him with this. I'm having second thoughts and I'm scared as fuck!

Nang maka rating kami sa bahay nina gian. Nag dadalawang isip akong lumakad papasok sa bahay nila

Anjan yung babae kanina... anjan mismo sa bahay nila...

Hinawakan ni anne yung kamay ko dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Tumango ako sa kanya kaya binitawan nya ako at lumakad na papasok ng bahay

Napa buntong hininga naman ako bago lumakad. Bawat hakbang na ginawa ko mas kinakabahan ako

Inantay ko na may marinig akong ingay pero wala. Nilibot ko yung buong bahay pero walang tao dun

Dahan dahan naman akong lumakad papuntang backyard. At

"HAAPPYY!! BIRTHDAYY!!!!"

Sigaw ng mga tao nung nasa backyard na ako. Hindi ko naman kaagad na process yun kaya naiwan akong tulala habang naka tayo sa tinatayu an ko

Nakita kong lumalakd palapit sakin si anne. "Gian's gonna explain this to you couz kain muna ako" bulong nya sakin dahilan para tignan ko si gian na naka tingin na sakin habang kinakamot yung ulo nya

"Hey.... babe.. did you uhm... like the surprise?" Nahihiyang tanong nya sakin

"By the this is Miss Iña yung nag prepare ng lahat" saad nya tsaka may lumabas na babae sa likod nya.

Yun yung kasama nya kanina! Parang bumubula yung dugo ko kahit nalaman konang birthday planner lang pala sya!

"Hi Amber" mataray na saad nya sakin dahilan para tumaas yung kilay ko nilabas nya yung isang kamay nya na parang ina antay na abutin ko yun

"Taray mo ah? Sarap mong tumingin sa boyfriend ko tas nung nakita mona yung girlfriend ganyan ka na? Taray mo" singhal ko tsaka hinila si gian sa isang table with 2 seats at dun umupo

"Eh ikaw? Anong plano mo?" Inis na tanong ko sa kanya

Napayuko naman sya dahil alam nyang hindi nya naramdaman na ganun pala yung pananaw ng babae sa kanya

"It's fine don't worry joke lang yun HAHAHAHAHA" sabi ko tsaka tumawa tinignan nya naman ako na naka kunot yung noo nya

"Galit ka ehh alam ko yun! Hindi ko naman kasi alam ehh i was just enjoying talking to her about the party kasi para sayo to eh" malungkot na saad nya dahilan para lumambot yung puso ko

Ang cute mong alien ka! Mahal kita at may tiwala ako sayo! Kahit kanina parang sasabog na yung ulo ko!

"Hi Miss amber, sorry for acting that way Sir gian told me to talk to you that way kasi!" Saad ni Miss Iña sakin habang naka tingin ng masama kay gian

Napakamot naman si gian sa ulo nya tsaka nya ako tinignan at nag peace sign!

"Aray! Amber naman! Ang liit kaya nun!" Reklamo nya nung binatukan ko sya dahil sa ginawa nya

"Be thankful that it's not anne that hitted you babe" pang a-asar ko sa kanya at nakita ko yung takot sa mukha nya

"Have a seat Miss Iña" saad ko tsaka kumuha ng upuan na bakante at binigay sa kanya

Umupo naman sya sa harap namin nina gian. Tinignan nya kaming dalawa habang naka ngiti dahilan para mag taka kami ni gian

"Is there something wrong?" Takang tanong ko umiling naman sya

"I just saw my childhood sa inying dalawa HAHAHAH"

We kept talking and talking about stuff at kung ano ano yung sinabi ni gian sa kanya tungkol sakin

Sana hindi ko na lang tinanong yun dahil yun yung dahilan kung bakit namula ako sa kahihiyan

And because of that I don't know how many times i pinched gian! That damn boy spilled some things about me! At nahihiya ako!

"Skye!! Meron silang mousse cake! Crepe cake din! Bilis kuha na tayo!" Rinig kong sigaw ni anne sa di kalayuan kaya tinignan ko si gian kung pwede at tumango naman sya sakin

Tumayo na ako at lumakad papunta kay anne na may kawak na tray. Binigay nya sakin yung isa at kumuha na kami ng mga pagkaing gusto naming kainin

Parang may kulang... wait...

"Babe!! Meron bang mochi dito!?" Sigaw kong tanong kay gian dahil medjo malayo ako sa kanya

Tinignan ko sya kung narinig nya at naka tingin na pala sya sakin. Sumenyas sya na andun daw sa ref yung mochi

Ngumiti naman ako at masayang pumasok sa bahay nila at pumunta sa kusina para kunin yung mochi na binili nya para sakin

Nakita ko na yung isang tapper ware na naka hati sa loob ng 16 squares. Binuksan ko yun at may nakita akong note sa loob

Sinira ko yung refrigerator at umupo sa lamesa. Nilagay ko dun yung tapper ware at kinuha yung note

Binasa ko yung naka sulat dun sa loob ng note. Dahilan para mas lumambot yung puso ko at mas naging masaya pa ako

This is the best birthday I've ever had... the best...

Hindi na ako lumabas sa bahay at dun na lang sa sala kumain. Sinabihan ko na rin sila anne at gian na kapag may kailangan sila sakin sa loob lang ako

Mamaya pa ako lalabas kapag mag cecelebrate na talaga as in meron nang games, karaoke, stuff like that

Four Years GapWhere stories live. Discover now