Chapter 1

325 74 48
                                    

Note: kung hindi niyo pa po nababasa ang prologue, basahin niyo po muna. Dahil hindi niyo po maiintindihan kung bakit nagkaganito ang storya kapag iniskip niyo po. Thank you!

This Chapter is dedicated to myself. Inspired from all the first travel i had without knowing how to be in that certain places. Those courage i had to go alone. Exciting and adventurous. 😊 Bow! 😉😉😉

***

Dahan-dahan si Aviore'ng bumababa sa fire exit ng Capiz Memorial Hospital. Oo taga Capiz siya kung hindi niyo pa alam. Natatakot siyang may makakita o makarinig sa kanya dahil hindi pa siya nagbabayad ng kanyang bills. Kung sino man ang nagdala sa kanya sa ospital na ito, bahala na ito sa pagbabayad ng kanyang bills.

Isang palapag nalang ng building at makabababa na siya ng may makita siyang tao na nakatambay sa baba ng hagdan.

"Hala pano to?" bulong niya sa kanyang sarili. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala siyang mapagtaguan o madaanan. Baka mapansin siya nito. Pero mukhang hindi naman nagtatrabaho sa ospital ang lalaki. naisip niyang baka hindi naman siya nito papansinin.

Nagsimula na siyang bumaba.

"Ahhhh...." sigaw niya. Ang sakit ng kanyang tuhod at palad ng ginawa niya itong panangga upang hindi mukha niya ang humalik sa lupa.

"ok ka lang? " tanong ng lalaking sa palagay niya ay mas matanda sa kanya ng ilang taon. Tinulungan naman siya nitong makatayo.

"ahh.. Hehe... Ok lang ako. Sanay na. Hehe. " binigyan niya ito ng pekeng ngisi. Pinagpagan niya naman ang kanyang kamay at tuhod.

"bakit ka nandito? Patient ka diba?"

Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sinabi nito. 'Pano niya nalaman? Hindi naman ako nakahospital gown.'

"huh? Uhh. Hindi ako patient! Visitor lang ako. Tama visitor lang talaga ako. Trip ko lang dumaan dito." saka siya ngumisi ng peke.

"ha? Eh bakit may patient tag ka sa kamay?" napatingin naman siya sa kamay at napa O ang bibig niya. Bakit ba nakalimutan niya itong tanggalin? Lagot wala na siyang kawala. Isa nalang ang sulusyon.

Walang sabi-sabing kumaripas na siya ng takbo palayo.

"sandali! " sigaw ng lalaki sa kanya pero hindi siya lumingon. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo. Nang sa tingin niya ay malayo na siya dito ay saka lamang siya huminto. Hingal na hingal siya sa pagtakbo. Mabilis niyang sinira ang tag na nakalagay sa kanyang kamay. 'Wow... Buti na lamang at hindi ako nadapa.'

Tumingin siya sa paligid. Ngayon, saan siya pupunta?

inilabas niya ang atm card na dala. 'Magkano na kaya laman nito?' Simula ng magkatrabaho siya ay hinuhulog-hulugan niya ito ng maliliit na halaga. Mabuti nalang at itinago niya ito mula sa inay at itay niya. Nalungkot na nanaman siya ng maalalang hindi niya pala sila tunay na magulang.

Naghanap siya ng atm machine at chineck ang balance nito. Nasa 8000 na pala ang laman nito. Wenidro niya lahat ang laman nito. Naghanap din siya ng pweding bilhan ng damit kahit alas onse na ng gabi. Bumili lamang siya ng isang jacket na may hood para matago ang mga pasa sa kamay niya. Buti na ngalang at hindi siya sinipa ng ama sa mukha.

Kinuha niya ang papel mula sa kanyang bulsa at binasa ulit ang address. Kailangan niyang pumunta ng Guimaras.

"Aviore, kaya mo to! Wala ka naman ng mapupuntahan kung kaya't sa totoo man o hindi ang sinabi ng matandang iyon, subukan na natin! Fighting! " pampalakas loob na sabi niya sa kanyang sarili.

The Journey of a Wimpy GirlWhere stories live. Discover now