Chapter 10

230 46 14
                                    

A/N: this chapter is dedicated to Jonah_Kid for being the first ever to reply in my announcement. 😘😘😘 i hope you'll like this.

This chapter is inspired from all my daydream of living in a fantasy! Kaya dito ko talaga sa story na ito nasasatisfy mga pangarap ko lang sa real life. 😅😅😅

Feeling ko talaga ako si Wimpy Girl eh. 😂

Photos not mine

***

"hmmm.... Ang lambot ng kama.... Ang sarap matulog...." niyakap ni Aviore ang unan'g kanyang nahawakan. Bigla siyang napadilat ng mata ng maalala ang huling nangyari bago siya mawalan ng malay. Napaupo siya ng mabilis at inilibot ang paningin sa paligid.

"oh-oh! Nasaan ako?" bulong niya sa sarili. Namangha siya sa kwartong kinalalagyan niya.

Napakalaking kwarto at napakaganda. Nakahiga siya sa isang pandalawahang kama. Kulay puti ang halos lahat sa kwarto. Puti ang pintura, puti ang kama, unan, at maging ang kulambong nakahawi sa bawat sulok nito ay kulay puti din.

May lamp shade sa bawat gilid ng kama. May roon ding maliit na lamesa sa tabi nito. Meron pang sofa na nakatalikod sa dulo ng kama.

Tumayo si Aviore at pinagmasdan pa ang paligid. Napatingin siya sa kanyang kasuotan ng mapansing iba na ang kanyanng suot. Nakasuot na siya ng puting bistida na abot hanggang kanyang talampakan. Sleeveless ito at napakaganda. Gawa sa isang malambot na tela. Nakapaa lang din siya.

Inikot na niya ang kanyang paningin. Napapanganga siya sa kanyang nakikita. Ang kinakabitan ng kulambo ay may tanim na bulaklak. Puti, pink at dilaw ang kulay ng mga bulaklak. Ang kurtina ay nakadikit sa kisame na sakto sa pinakagitna ng kama. Pagkatapos ay dudugtong sa apat na sulok na poste ng kama na may roon ding bulaklak. Tapos ang dulo ng kulambo ay abot na hanggang sa sahig.

"totoo ba itong mga bulaklak? " nagtatakang tanong niya sa sarili. Lumapit siya sa isang poste ng kulambo para kumuha ng bulaklak ngunit hindi niya abot kaya umakyat pa siya sa kama para makakuha.

Namilog ang kanyang mga mata ng mapagtantong totoo ang mga bulaklak. Inamoy niya ito at napakabango. "papaanong nabubuhay ang bulaklak dito?" takang tanong niya ulit sa sarili.

Maraming gamit sa kwarto at may roon ding gumagapang na puno ng mga bulaklak sa dingding. Maganda din ang desenyo ng naglalakihang mga bintana.

"woah!!! Panaginip ba to?" kunurot niya ang kanyang dalawang pisngi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"woah!!! Panaginip ba to?" kunurot niya ang kanyang dalawang pisngi. "aww... Ansakit." hinimas-himas niya ito. Di nga siya nananaginip.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang napakagandang nilalang.

Isang gwapong lalaki na may singkit at asul na mata. May mga guhit-guhit pa sa iba't-ibang dereksiyon ang gilid ng kanyang isang mata. Matangos ang ilong at may natural na pula ang labi. Mahaba ang tenga nito na kasing taas ng tuktok ng ulo. Ngunit nagpadag-dag lamang ito sa ganda niya. maiksi lang din ang kanyang buhok.

The Journey of a Wimpy GirlWhere stories live. Discover now