Chapter 3

147 42 22
                                    

Umayos na siya at bumalik sa upuan niya kahit nahihilo pa rin. Tiningnan niya ang tumulong sa kanya at katabi niya pala ito sa upuan. Gwapo ito. Moreno ang balat at may kakisigan. "S-salamat."

"Walang ano man. Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong nito. Hindi siya nakasagot. Parang ayaw niyang makipag-usap. Napahawak siya sa sintido niya. Nahihilo pa rin siya.

"Gusto mo ng candy? " Tumango lang siya bilang sagot.

Ibinigay nito ang candy sa kanya. Bubuksan niya na sana ito ng maramdaman niyang masusuka nanaman siya. Agad siyang tumayo at umupo ulit sa may papag saka inilabas ang mapait na tubig na natitira sa tiyan niya. Ang pait! Ang pangit ng lasa. Saad niya sa isip. Katulad kanina ay hinagod ulit ng lalaki ang likod niya.

"Wag kang mag-alala. Malapit na tayo." pag-aalong sambit nito. Nagpasalamat naman siya sa isip sa sinabi nito.

Katulad nga ng sabi nito ay dumaong na ang bangka sa port. Itinali ng isa sa namamangka ang bangka sa isang sementong nakausli na parang ginawa talaga para talian ng mga bangka.

Inalalayan siya ng lalaki upang makababa ng maayos mula sa bangka. Mabuti na lamang at tinulungan siya nito dahil kung hindi ay baka nasa dagat na palutang-lutang ang katawan niya.

Pagkababa na pagkababa nila ay agad siyang nakaramdam ng kaginhawaan. Andoon pa rin ang hilo pero konting pahinga lang ay alam niyang mawawala din ito. Nakasabay pa rin sa kanya ang lalaki palabas ng port. Nang may makita siyang bench sa di kalayuan na nasisilungan ng puno ng kahoy ay walang sabing pumunta siya doon at umupo. Di niya akalaing sasamahan parin siya ng lalaki hanggang doon. Hilong-hilo pa rin siya. Nakapikit niyang hinilot-hilot ang kanyang sintido.

Nagulat siya ng may maamuyang parang mint. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakitang nakasquat ang lalaki sa harap niya habang pinapaamoy sa kanya ang vicks inhaler na nakakeychain.

"sayo na 'to. Mukhang mas kailangan mo kesa sa akin." nakatitig sa kanya na saad nito.

Lumipat ang tingin niya sa hawak nitong vicks. Kinuha niya ito at siya na ang nagtuon sa ilong niya upang masinghot ito. Ang sarap sa pakiramdam. Nakatulong talaga sa nahihilo niyang ulo. "Salamat."

Bakit parang ang suwerte niya ngayon? Dalawang gwapong lalaki na ang tumulong sa kanya. Samantalang siya ni hindi nga niya alam kung maganda siya. May sa anghel yata yung matandang nagpapunta sa kanya rito. Napangiti nalang siya sa naisip.

"Uhh.. Saan punta mo? " tanong ng lalaki.

"San Lorenzo!"

"Talaga? Tamang-tama doon din ang punta ko. Sabay na tayo?" masaya ang tono ng pagkakatanong nito.

"Sige. Pero gusto ko munang ipahinga ang sakit ng ulo ko." nag-aalinlangan pa siyang pumayag pero naisip niyang mas maganda nang may kasama siya papunta doon kasi di pa naman niya alam ang lugar. Mukhang mabuting tao din naman ang lalaki.

"Sure. ano palang pangalan mo? Ako nga pala si Norton."

"Aviore" maiksing sagot niya.

"Nice to meet you Aviore. Do you want to eat? My treat!" nakangiting alok nito. Napaangat naman naman siya ng tingin. Treat daw? Libre? Napangiti siya ng malapad. Gutom na rin kasi siya. Wala pa siyang maayos na kain mula kagabi.

"Talaga? Pero hindi ba nakakaabala sayo? Baka may pupuntahan ka pa."

"Pauwi ako sa bahay actually. Bakasyon. Matagal na kasi akong hindi nakakauwi."

"Ahh... Sorry ha... Napatagal ko pa lalo ang pag-uwi mo." nakayuko niyang saad. Nakukunsensiya na tuloy siya.

"Ay hindi okay lang. Matagal naman ang nakuha kong bakasyon mula sa trabaho. So tara? Meron sila ditong food court. Pwede tayo doon kumain kung okay lang sayo."

"Ahh oo naman. Hindi naman ako maarte 'no. Tara." tumayo na si Aviore. Kunti nalang din ang sakit ng kanyang ulo dahil sa ibinigay nitong Vicks inhaler. Nauna nang maglakad ang lalaki at sumabay nalang siya.

Kunting lakad lang at narating na nila ang sinasabi nitong food court. Nasa isang linya lang ang mga stall ng pagkain at may mga lamisang pabilog at parihaba sa harap nito. Pinili nilang kumain sa pinakaunang stall na nadatnan nila. Masasarap din ang mga pagkain doon kaya marami siyang nakain. Nagulat nga ang lalaki at nagkasya sa tiyan niya ang lahat ng kinain. Sinagot na lamang niya ito ng "masarap kasi pag libre!". Napatawa naman ito sa kanyang sagot.

"Tara. Nandito ang motor ko. Pinahatid ko kanina sa kapatid ko kaya mahahatid kita sa pupuntahan mo. Saan ba sa San Lorenzo ang punta mo?"

Hala! Walang ibinigay na barangay o landmark ang matanda sa kanya basta't San Lorenzo lang ang nakalagay sa papel. Kinuha niya ang papel mula sa bulsa niya. Napasama pa ang papel na may number ni Trover kaya napangiti siya. Ibinalik niya ito sa bulsa at pinakita naman sa lalaki ang papel.

"Kilala mo ba to?" turo sa pangalang nakasulat sa papel na hawak niya.

Nanlaki naman ang mata nito na parang gulat na gulat. "Tanduay Remilton! Sa kanya ka pupunta? " gulat na tanong nito.

Takang mukha naman ang isinukli niya dito. "Ahh oo. Kilala mo ba siya?"

"Sinong hindi makakakilala sa kanya? Siya ang pinakamayaman dito sa San Lorenzo. Ang alam ko halos 70% ng lupa sa San Lorenzo ay pagmamay-ari niya." nagulat naman siya sa sagot nito. Ang yaman naman pala nito. Hindi kaya pinagloloko lang siya ng matanda? Pero nandito na siya. Ayaw naman niyang bumalik sa Capiz. Baka mahanap lang siya ng mga peke niyang magulang.

"Uhh... Ganoon ba. Pwede mo ba akong dalhin sa kanya?"

"Uh... Sige. Kung 'yan ang gusto mo."

Umalis na sila ng kainan at hinanap ang motor nitong nakapark. Habang nasa daan ay namangha siya sa mga tanawin sa paligid at ang sarap pa ng simoy ng hangin. Ilang minuto pa ay may nakita siyang windmill hanggang sa ang isa ay naging dalawa at dumami na ang nakikita niya sa malayo.

"Woah!!!! Windmills!" Sigaw niya. Nakahawak siya sa bewang ni Norton at natatakot siyang bumitaw dahil baka maiwan nalang siya bigla.

"Yup. Hindi ka pa nakakita ng Windmills?"

"Hindi pa! " mangha pa rin siya sa nakikita niya.

"Gusto mo dumaan tayo sa isa sa kanila? "

"Talaga? " nasasabik niyang sagot.

"Oo naman. Hawak lang ng mabuti. " pinaharurut na nito ang sasakyan.

Lumiko ang motor nito pakanan at umakyat sa isang pederoad na matarik. Natakot pa siya na baka hindi sila umabot sa taas at gumulong nalang sila pababa bigla. Buti nalang at nagawa naman nitong makaakyat. Pagdating nila sa itaas ay mas lalo siyang namangha dito. Ang laki pala nito at ang taas sa malapitan.

Ang laki ng katawan nito na sa palagay niya ay kakailanganin ng dalawampu hanggang tatlumpong katao para mapaikutan ito. Ang hahaba din ng tatlong paypay nito na sakto lang ang ikot. Napatingin siya sa paligid at mas lalong namangha dahil kitang kita niya ang iba pang mga windmills na nasa magkakahiwalay na lugar.

"Ang ganda!" wala sa sariling naibulalas niya.

"Yeah maganda nga! " saad ni Norton. Nakita niyang nakamasid lang pala ito sa kanya.

Ilang minuto pa silang namalagi doon at umalis na din pagkatapos.

Dumiretso na sila sa pupuntahan niya. Nadaanan pa nila ang malaking arkong bato na may nakasulat na 'Welcome to Hacienda Remilton'. Ilang minuto pagkalagpas doon ay inihinto ni Norton ang motor sa isang bahay na may malawak at mataas na gate. Bumaba siya at tiningnan ang malaking bahay.

'Heto na. Tama bang pumunta ako dito? Tama bang sinunod ko ang matanda? Ay ewan! Hindi ko alam.'

_____Kayla_____

So how did the story goes? Comment comment din naman kayo ng reaction niyo please!

Don't forget to vote! 😘

The Journey of a Wimpy GirlWhere stories live. Discover now