Chapter 7

281 58 16
                                    

A/N: I had been to Guimaras and saw the place i mentioned here in my story. I love the place. You better visit it. 😊

***

Mag-isang naglalakad si Aviore sa kalsada. Ala-sinko pa lang ng umaga. Maaga siyang ginising ng katulong. Ayaw pa niya sanang gumising ngunit kiniliti ng yaya ang tenga niya ng pakpak ng manok. Nagising tuloy ang diwa niya. Madali kasi siyang makiliti.

Ala-sais palang ngayon. Nakasuot siya ng white cotton t-shirt na may nakasulat na 'Dream on' sa may bandang dibdib at maong short na hanggang kalahati ng kanyang hita. Nakasuot din siya ng black rubber shoes at nakaponytail ang buhok. May bitbit din siyang malaking itim na backpack na hindi niya alam kung ano ang mga laman. Basta pagkatapos niyang magbihis kanina ay sinabi sa kanya ng yaya na nakapack na ang gagamitin niya sa paglalakbay. Di niya akalaing isang napakalaking backpack pala ang ipapadala sa kanya. Nang sinubukan niyang iangat kanina ay nahirapan pa siya dahil ang bigat. Pinaparusahan yata siya ni Don Tanduay. Ito na ata ang kapalit ng komportableng pag tira niya sa bahay nito na parang prinsesa. Bago siya umalis ay tanging "kaya mo iyan hija! " ang tanging nasabi ng Don sa kanya.

"huhuhu.... Hindi man lang nila ako hinatid kahit sa baba lang ng bundok. Ang bigat pa ng dala ko tapos ilang metro pa ang layo ng bundok. Huhu... Pinapahirapan talaga nila ako." patuloy lang sa paglalakad si Aviore. May mga nadadaanan siyang mga tao na napapatingin sa kanya pero hindi niya nalang pinapansin.

Nakikita niya ang ibang windmill habang naglalakad. Ang ulo lang talaga nito ang nakikita niya. Malayo kasi ang mga ito sa pwesto niya at kalat-kalat ang mga ito. Ilang windmill kaya meron dito? Di niya man lang natanong sa mga katulong.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Sa palagay niya ay nakakakinse minutos na siya sa paglalakad. Namumuo na rin ang pawis sa kanyang noo. Kailangan niyang makarating kaagad sa pupuntahan niya. Kung hindi ay aabutin siya ng dilim sa daan.

Napahinto si Aviore sa paglalakad. "teka!-" napatampal na lang siya sa noo niya. "bakit ba ako naglalakad kung pwede naman akong sumakay? Boplaks talaga Aviore... Hindi nag-iisip. " lumingon siya sa paligid, may puno ng mangga ilang hakbang mula sa kanya. Naglakad siya papunta doon at sumilong. Mag-aabang na lang siya ng tricycle na dadaan.

Pinagmasdan niya ang paligid. Kahit saan ka lumingon merong puno ng mangga na makikita. May mga bunga ang mga ito at nakabalot pa ang mga bunga ng newspaper o di naman kaya ay plastic. Pano kaya nila naabot yung mga bunga sa tuktok? Ang galing lang. Sa pagkakaalam niya ay kilala ang Guimaras sa pagkakaroon ng pinakamatamis na mangga sa buong pilipinas at bawal daw magdala ng ibang uri ng mangga mula sa labas ng isla. Ipinagbabawal ito upang hindi daw mahaluan ng ibang uri ng mangga ang isla.

Ilang mga motorista na ang dumaan at jeep pero wala pa ring tricycle na dumadaan. Nakasampong minuto na yata siyang nag-aabang.

Napatingin si Aviore sa nakamotor na huminto sa harap niya. May suot itong helmet kaya hindi niya makita. Itinaas nito ang wind shield ng helmet at tumingin sa kanya. Hindi pa rin ito bumababa.

"hey! " saad nito. Sigurado siyang siya ang tinutukoy nito. Mag-isa lang naman kasi siyang nakatayo doon. Napakunot naman ang nuo niya. Di niya kasi makilala ang lalaki. Mukhang naintindihan naman nito ang reaksiyon ni Aviore. Tinanggal nito ang helmet.

"hello there pretty lady! Remember me?" nakangiti nitong tanong.

"Norton! " tuwang tuwa niyang sambit. Bumaba naman na ito sa kanyang motor at isinabit ang helmet sa manebela ng motor. Naglakad na ito papunta sa kanya. Nakasuot lang ito ng plain white shirt at maong pants. Nakablack shoes at messy ang buhok.

"anong ginagawa mo dito?" nakaharap na ito sa kanya ilang pulgada lang ang layo.

"ahh nag-aabang ako ng tricycle na pwede kong sakyan papunta sa Bundok Lanting. Alam mo iyon? "

The Journey of a Wimpy GirlWhere stories live. Discover now