Chapter 5

265 39 33
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Gwapo nung bisita ni Ma'am Ana noh?"

"Oo nga, kita ko kanina naliligo eh.. may six pack abs! yieeee!"

"Anong six pack abs?"

Natigil sa pag-uusap si Clara at Clarisse ng sumulpot si Aling Maria, tumaas ang kilay ng matanda pagkatapos nilang umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung paano nila nagawang bosohan ang bisita habang nasa trabaho.

"Bisita si Pietro rito sa bahay, kapag nalaman niyang binobosohan niyo siya. Nako! Baka hindi niyo na nanaisihin maging crush iyon!" Panakot ni Aling Maria, mukha namang tumalab sa mga katulong nang sila'y magkatinginan.

"Anong boso?"

Para namang nahuli ng teacher ang tatlo nang dumating si Pietro sa kusina, nakatupis ito at mukhang kakagaling lang mula sa shower. His eyebrow raised dahil parang nawalan ng hininga ang mga kasambahay sa naging tanong niya.

"Ah.. eh.. wala naman.." Usal ni Aling Maria, napalunok rin ang matanda nang masaksihan ng kaniyang mata ang tinutukoy nila Clarisse

"Clarisse, diba maglilinis pa tayo ng kwarto ni Ma'am Ana?"

"Ay oo nga! Halika na, baka mapagalitan pa tayo!"

His lips curved to a smirk, when Aling Maria was the only woman left with him in the kitchen. Water soon dripped from his hair after removing the wet towel off his head. She simply stood still while gripping the edges of the kitchen counter, her eyes seems mesmerized by how Pietro seduced him in his little gestures.

He moved closer without breaking their eye contact, she was startled when he sat down beside her, stretching his shoulders down to his waist.

"Aling Maria.."

The old lady felt how her breath began to shorten, she could not move any of her limbs even though she wanted to.
She wished to escaped the scene, yet this man kept on seducing him.

"Aling Maria, gutom na ko.. baka naman.." Aniya.

Para namang bumalik sa ulirat si Aling Maria nang yugyugin siya ni Pietro, dali dali siyang umalis sa counter at nagbukas ng refrigerator, hindi niya magawang makapagsalita dahil sa hiya na bumalot sa kaniyang katawan. Singkwenta na siya ngunit nagawa pa siyang akitin ng isang bata-- Nako! Mahabaging Maria!

"Kamusta na si Jemay?" Bungad ni Pietro nang pumasok si Ana sa kusina.

"Okay naman, pero kailangan pa rin niya mag-pahinga." Aniya, halatang walang gana si Ana kaya ramdam niyang may nangyaring pag-aaway sa dalawang mag-asawa.

"Hindi niya pa rin ba magawang sabihin?"

Even though Ana could not understand what Pietro wanted to convey, she just forced herself to nod, balang araw ay magagawa niya ring ilabas sa bibig ni Jemay ang mga sagot na matagal na niyang hinihintay.

"Gusto mong sumama sa kompanya?" Pag-iibang usapan ni Ana, para namang batang binigyan ng candy si Pietro at mabilis na tumango, halatang excited ito na makita ang kompaniya ng kaibigan dahil unang beses pa lang niya makakapasok roon.

Aling Maria served them Chicken Estofado, kahit hindi pamilyar si Pietro ay mabilis siyang kumain dahil late na rin daw sila.






"WAAAAAAAH! ANG GANDA!"

They arrived quick at the company's premises, mukhang batang dala dala ni Ana si Pietro habang papasok sila sa building. May iilang employee na nasa labas, mabilis nilang sinalubong ang CEO at pinagbuksan ito ng pinto.

"Good Morning, Ma'am Ana.."

"Good Morning, Madam.."

"Good Morning, Mrs. Santiago.."

His face wrinkled pagkatapos siyang hindi batiin ng mga empleyado, pakiramdam niya pati ay hindi siya welcome sa kompanya ng kaibigan.

Sumalubong si Charlie sa lobby at may mga hawak itong papeles, ramdam agad ni Pietro ang malagkit na tingin ng sekretarya sa kaniya. Pilit niyang hindi pansinin ang pasimpleng landi nito habang nasa elevator sila.

"Nag-aantay na po ang business partner niyo sa office, Madam.." Usal ni Charlie, tumango lamang si Ana at hindi na nagsalita. Mukhang malalim ang iniisip nito, pakiramdam pati ni Pietro ay dahil ito kay Jemay.

Nang makarating sila sa rooftop, panay pa rin ang landi ni Charlie sa kaniya. He could see a familar man in Ana's office, he was sitting on the couch and seemed to be waiting for them.

The man turned around and smiled to meet them, as if Pietro was a volcano when he realized who Ana's business partner was.

"Good Morning, Mrs. Santiago." Bungad nito.

"Good Morning, Are you Mr. Lux Adams?"

He nodded and obviously ignored the furious Pietro behind Ana, Lux secretly smiled when he realized Pietro could not attack him in front of Jemay's Wife. Mukhang tago lamang ang trabaho nito, katulad ni Jemay at isa na iyon sa magiging alas niya.

"So, shall we start the meeting?"

He again nodded and motioned for Charlie to leave, Pietro remained standing until Ana's secretary dragged him out of the office.

"This is fucked up."





An hour passed after the meeting started, hindi mapakali si Pietro sa labas habang kasama ang sekretarya ni Ana, hinahayaan na nga lang niya itong landiin siya dahil ang utak niya ay naiwan sa pag-iisip. Gusto niyang sugurin ang Lux na iyon dahil ramdam niyang hindi lang pagiging "business partners" ang pakay nito kay Ana, pakiramdam niya ay alam ng drug lord na iyon na asawa siya ni Jemay at talagang mamumuro siya sa kaibigan pag napahamak ang pinaka mamahal nito.

"Matagal pa ba iyan bago matapos?" Tanong niya kay Charlie.

"Ay.. hehe oo.. dito ka muna saken babyboy.." Sagot nito.

Hinawakan siya ni Charlie sa braso at kahit kinikilabutan na siya sa kalandian nito ay hindi na siya pumalag pa, kailangan niyang maging attentive sa mga susunod na mangyayari mula sa loob. Sa oras talaga na sumigaw si Ana ay sisirain niya ang pinto.

Biglang nakarinig si Pietro ng malakas na tili mula sa office ni Ana, pareho silang nabigla ni Charlie pero hindi na agad siya nag-atubili at agad na pumasok. Sarado ang pinto kaya pinagsisipa niya ang doorknob nito hanggang sa masira.

"Tangina! ANA NASAAN KA?! POTANGINAAAAAA!"

"Uhmm, Pietro are you okay?"

"Mukhang sabog iyang kaibigan mo, Mrs. Santiago.."

Nagulantang si Pietro nang mapagtango kung ano ang ginawa ng dalawa, may nakalapag na chess sa may lamesa at mukhang panalo si Ana.

"akala ko ba.. meeting?"

"Tapos na ang meeting kaya naisipan muna naming mag-chess, ano bang problema don. As if naman sasaktan ko ang asawa ng kaibigan mo.."

Isang makahulugan na ngiti ang iginawad ni Lux, inis na inis si Pietro dahil hindi niya magawang bugbugin ang drug lord na matagal nilang hinahunting.

"See you next time, Mrs. Santiago.."

My Husband is a Woman ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon