Chapter 7

229 36 24
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Tutal 11 am pa lang, gusto mong gumala somewhere?" Aya ni Lux, agad namang tumango si Ana dahil wala rin naman siyang gagawin buong mag-araw.

"Let's go" Lux offered his hand, lumabas sila ng coffee shop habang hawak niya ang kamay ni Ana.

"May peryang bagong bukas malapit sa subdivision namin, kahit siguro maaga ay marami ng tao doon. Punta tayo and I'll treat you, kahit anong gusto mo."

The 30 minute-ride went smooth, mahilig din magpatawa si Lux kaya panay ang halakhak ni Ana sa loob ng kotse, they arrived quicker than expected at marami ng taong pumapasok sa bagong bukas na lugar.

"T..This is the first time na makakapasok ako sa perya." Ana confessed, her cheeks turned red when Lux let out a chuckle.

"Huwag kang mag-alala, magiging masaya ka dahil ako ang kasama mo sa "first time" mong pagdating sa perya." Aniya.

Nang makapasok sila, agad na kumuha si Lux ng kanilang tickets para sa mga rides. Si Ana naman ay nanatiling nakaupo sa bench na nasa harap ng merry-go-round, ang pagkakaalam niya talaga ay first time ang pagdating niya dito pero bakit pa na namang pamilyar ang ganitong lugar sa kaniya?

Pumasok sa kaniyang isip si Jemay habang siya'y kumakanta sa kusina, she tried to remember where and when she has heard the song before pero wala talaga siyang maalala.

She felt like there are some memories she had forgotten..

"Uy, okay ka lang?"

Bumalik sa ulirat si Ana nang dumating si Lux, hawak ang kanilang tickets pati na rin ang dalawang corndogs. He handed one to her bago sila mag-lakad lakad sa perya.

"Anong gusto mong sakyan?"

She remained silent kaya pakiramdam ni Lux ay parang may inaalala ito, malakas niyang yinugyog ang kaibigan para muling bumalik sa ulirat.

"Stop being problematic, Ana. Nasa happy place tayo oh! Ako at ang lugar muna ang isipin mo." Usal niya, he grabbed her hand and they ran towards the tents.

"One game please!"

Inabot ni Lux ang laruang baril kay Ana habang nag-eexplain ang operator sa kanila. Kailangang mapatumba niya ang lahat ng nakastack na lata para makuha niya ang grand prize na bunny stuffed toy.

"GO GO ANA! GO GO ANA!"

Walang masyadong alam si Ana sa paggamit ng laruang baril, dalawang shots lang ang magagawa niya kaya ginawa niya ang lahat para napatumba ang mga lahat.

The first hit went rough, wala siyang napatumbang lata at muntik pa itong tumama sa mukha ng tindero.

The second hit knocked the top cans pero hindi lahat, she let out a sighed after failing the game. Napakamot sa batok si Lux at kumuha ulit ng ticket para sa isa pang game.

The first and second hit went smooth, dalawang pyramid ng cans sa dulo ang nagawa niyang patumbahin. Namangha naman si Ana nang makita ang nangyari.

"Mukhang hasang hasa ka sa paggamit ng baril ah?"

"Hehe, hindi naman."

Inabot ng nakasimangot na operator ang dalawang malaking bunny, tawang tawa naman ang dalawa habang naglalakad palayo sa tent.

"Mukhang inis si kuya sayo ah" Usal ni Ana.

"Halata naman, pero okay lang yan! mukhang ngang dinadaya ka niya kanina" Sagot ni Lux.

"Ha?"

"Your shots look great pero hindi tumama, it means may sira yung gun na binigay niya sayo. I noticed them earlier though, kaya nga nung kumuha ako ng ticket para makalaro ulit, I told him to give me the gun he keeps on carrying, edi ayun! Nakuha natin itong dalawang bunny! HAHAHAHAHAAHAAAHAHHAAH"

Para namang tanga si Lux sa lakas ng kaniyang halaklak, hindi naman mapigilan ni Ana ang mahawa sa kabaliwan ng kaibigan kaya pati siya ay natawa na rin.

Ilang oras rin silang nagpalibot libot sa perya, kapwa namamangha sa mga atraksiyon na inilalagay ng lugar. Para silang mga highschool students na sumusuri sa mga kakaibang bahay na naroroon. Halos lahat ng rides din ay nasakyan nila, panay naman ang suka ni Ana pagkatapos pero imbes na magpatinag ay naisipan pa nilang magfoodtrip.

"Okay, last na ito!"

Nang makasakay sila sa ferris wheel ay pasado alas singko na, kitang kita ang sunset ng makaabot ang kanilang sinasakyan sa pinakataas. Medyo magalaw rin ang inuupuan nila kaya nasa gilid lang ni Lux si Ana, hawak hawak ang kaniyang kamay.

"Masaya ba ang first experience mo sa perya?"

Agad na tumango si Ana habang hawak pa rin ang kaniyang kamay, napatili naman siya ng biglang yumugyog si Lux na nagdulot ng pagalog na kanilang sinasakyan.

"Lux! Alam mo namang---

Natigilan si Ana ng mahuli niya ang titig ni Lux, hindi niya magawang gumalaw habang ang kanilang mga mata ay kumukonekta sa isa't isa.

"I think.. I like you, Ana."

Naramdaman ni Ana ang pag kapos ng kaniyang hininga, wala siyang maisip na isagot ngunit hindi saya ang dinulot ng sinabi ni Lux kundi ay pag kagulo.

"M..May asawa ako, Lux" Usal niya.

"Pero hindi mo pa siya nakikita."

"Kahit na, tatlong taon na rin akong kasal."

"Pero hindi niya magampanan ang tungkulin niya bilang asawa. Ana, pinapangako ko sayo na kapag ako ang pinakasalan mo ay tiyak na hindi ka magsisisi"

"Lux.. tama na.."

"I..I'll court you, Ana. 2 months na lang naman ang iintayin ko para magfile ka ng Divorce. After the divorce, I'll court you kahit gaano pa katagal ang abutin ko."

"Masyado kang nagiging mabilis, Lux"

"Ana, hindi kita pipilitin pakasalan ako hindi tulad ng ginawa ng asawa mo sayo. I'll let you enjoy life pero liligawan pa ren kita."

"I'm still married.."

"I love you, Ana Onuma."

AUTHOR'S NOTE
Sorry sa late ud, nagloloko kasi itong si Wattpad, tinotopak na naman HAHAHAHAH

My Husband is a Woman ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon