12

70 8 0
                                    

"Nagagandahan ka na naman sa akin." Komento niya agad nang magtagpo ang mata namin.

"Napaka-mapagpakumbaba naman." Sarkastiko kong komento.

Bigla ko namang pinagsisihan iyon dahil diniinan niya ang yelo sa kamay ko.

"Aray ko, Faith! Nakakasakit ka na!" Napapitlag naman siya sa sinabi ko at biglang umalis.

Ang bobo mo naman, Yngrid!

Huminga ako ng malalim bago ko siya sinundan. Saan na naman nagsusuot ang babaeng 'yon? Ang laki-laki ng bahay, mag-isa lang naman siya.

"Faith!" Tawag ko nang umakyat ako sa hagdan. Una kong tiningnan ang balkonahe pero wala siya d'on.

Baka nasa kwarto niya.

Pinihit ko ang seradura at binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakahiga at nakatalikod sa may pinto habang nakatalukbong ng kumot.

Napabuntong-hininga naman ako at nilapitan siya.

"Faith…" Tawag ko habang papalapit sa kaniya. Hindi siya kumibo kaya naman umupo ako sa gilid ng kama at hinila ang kumot niya.

Pilit niya iyong hinila pabalik pero nahagip ko ang kamay niya at iniharap siya sa akin.

Daig ko pa ang may alagang bata, napakamatampuhin niya.

Pero kahit ganiyan si Faith, masarap siyang mag-alaga.

"Faith." Tawag ko sa kaniya pero iniiwas niya lang ang tingin niya sa'kin.

"Galit ka ba?" Hindi niya ako sinagot at pinagkrus lang ang braso niya.

Galit nga…

Lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Napatingin ako sa labi niyang nakaawang nang bahagya bago ako tumingin sa mata niya.

"Galit ka ba?" Tanong ko ulit. Umiling naman siya bilang sagot. Inilapit ko siya sa akin at hinalikan sa noo.

"'Wag ka na magtampo. Hindi ko naman sinasadyang masigawan ka. Sorry na." Sinsero kong sabi. Tumango siya ng dahan-dahan na nakapagpangiti sa akin.

Hinalikan ko ulit siya sa noo bago tumayo. Susunduin ko sina Naeun sa bar baka kung kani-kanino na naman sumama 'yon at iwan si Doyeon mag-isa.

"Uuna na ako, Faith." Paalam ko.

"Hindi ka ba dito tutulog?" Bakas ang lungkot sa boses niya.

"Kotse kasi ni Naeun ang dala ko, susunduin ko pa 'yung dalawa sa bar." Sabi ko.

"Sama ako! Sa condo mo na lang ako tutulog!" Dali-dali siyang tumayo at kumuha ng jacket.

"Tara na!" Nakangiti niyang sabi sa akin. Napatingin naman ako sa pambaba niya.

"Magsuot ka kahit pajama. Ayokong labas 'yang binti mo, sa bar tayo pupunta hindi sa mall." Sabi ko. Ngumuso naman siya at humugot ng jogging pants sa kabinet niya.

"Tara na!" Niyakap niya ang braso ko nang maisuot niya ang jogging pants niya.

Kaagad kaming sumakay sa kotse nang makababa kami. Tinawagan ko si Doyeon para magtanong.

"Nandiyan pa ba kayo sa bar?"

"Oo, si Naeun gusto na naman akong iwanan." Sumbong ni Doyeon na nakapagpatawa sa akin.

"Yakapin mo, 'wag mong papaalisin. Papunta na ako diyan." Rinig ko ang pagtawag niya kay Naeun bago ko ibinaba ang tawag.

"Suotin mo ng ayos seatbelt mo." Sabi ko sa katabi ko.

Pansamantala-p.sy x k.yrWhere stories live. Discover now