25

103 6 4
                                    

Tumayo ako at sumunod kay Faith.

"'Tol, paalala lang ha nandito kami." Sinamaan ko ng tingin si Saeron nang sabihin niya iyon.

"Bak—Ah!" Agad akong napatakip ng mata ng masulyapan ko si Faith sa loob ng banyo. Agad niya naman akong hinila paloob at isinarado ang pinto.

"Magtapis ka nga!" Sermon ko sa kaniya. Kahit naman mayroon ako ng mayroon siya ay hindi niya pa rin dapat na ipakita iyon sa akin.

Ramdam ko ang lalong pag-init ng pisngi ko at pamamawis ng palad ko.

"Ang arte naman nito. Akala mo naman hindi tayo nagsasabay maligo n'ong high school tayo." Rinig kong sabi niya.

"Ayan na nakatapis na." Tinanggal ko ang mga kamay ko at unti-unting iminulat ang mata ko.

"Anong klaseng tapis 'yan?!" Napapikit ulit ako nang makita ko siya.

Ipinatong lang sa isang balikat niya 'yung tuwalya at saka tinakpan 'yung mga hindi ko dapat nakikita.

"Arte mo naman." Reklamo niya.

Wala akong narinig na iba sa loob ng isang minuto kaya naman iminulat ko ang mga mata ko. Laking gulat ko nang nasa harapan ko na pala siya at halos isang pulgada lang ang agwat niya sa akin.

Ano bang ginagawa mo, Faith?

Napaatras naman ako at humakbang siya lalo papalapit.

'Wag kang ganiyan, Faith.

Baka hindi ako makapagpigil at sunggaban kita.

"F—Faith?" Napasandal ako sa pader. Itinuon niya ang kaniyang mga braso sa gilid ng ulo ko. Sinubukan kong umupo para makaalis pero sinundan niya lamang ako.

"A—Anong ginagawa mo?" Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at tiningnan ang kisame.

"Humarap ka sa'kin, Fourth." Napalunok ako nang tawagin niya ako sa pangalawa kong pangalan.

"A—Anong ginagawa mo, Faith?" Hinawakan niya ang baba ko at unti-unting inilapit ang mukha niya sa akin.

"May gusto lang akong malaman." Bulong niya.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa labi ko. Napalunok ako nang maglapat ang ilong namin.

Tuluyang nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapat ng malalambot at mapupula niyang labi sa akin.

Nakapikit pa siya at bahagyang sinisipsip ang ibabang labi ko.

Faith, sana alam mo kung anong ginagawa mo.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinimulang igalaw ang labi niya. Sa gulat ko ay nabato na lang ako sa puwesto ko.

Iminulat niya ang mata niya at tumingin sa mata ko bago bumaba sa labi ko.

Faith naman…

Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko nang pinaglapat niya muli ang labi naming dalawa. Bahagya niyang dinilaan ang ibabang labi ko. Napanganga ako ng kaunti dahil sa kiliting dala ng dila niya.

Hindi niya iyon pinalampas at agad na ipinasok ang dila niya sa bibig ko.

Nagsimulang magkagulo ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa ginagawa niya.

"Hmm." Nagulat ako nang biglang lumabas iyon sa bibig ko at naramdaman ko na lang ang pag-ngiti niya sa labi ko.

Hindi nagtagal at sinabayan ko rin ang ginagawa niya.

Ano ba naman iyan, Faith?

Ang dami mo nang nakuha sa akin.

Pati puso ko kinuha mo na rin.

Pansamantala-p.sy x k.yrWhere stories live. Discover now