KABANATA I- ANG KATOTOHANAN SA PAGKATAO NI KENDRA AT KIARA

26 0 0
                                    

KABANATA I- ANG KATOTOHANAN SA PAGKATAO NI KENDRA AT KIARA

Lahat ng katotohanan ay nasisiwalat sa itinakdang panahon ngunit ang pagtanggap dito ng maluwag sa kalooban ay higit na hindi mapaminsala.

Lingid sa kaalaman ng tao ang natatagong ganda ng diamond palace walang ibang makakapasok dito tanging diamond fairies lamang ang may kakayang makita at  matagpuan ito. Isang pambihirang lugar na nagtataglay ng natural na ganda. Pinangangalagaan nila ang paligid sagana sa ganda ng kalikasan ang naturang lugar. Makapangyarihan ang mga nakatira rito nagtataglay sila ng ibat ibang kakayahan na tangin sila lamang ang mayroon. Ang bawat pamilyang naninirahan dito ay may ibat ibang kakayahan. Ang iba sa kanila ay kayang makapag pagalaw ng mga bagay, nagdudulot ng pinsala gamit ang mga bulaklak, ang iba namay gamit ang mga dahon, ang iba ay may kakayahang lumikha ng butas sa kinatatayuan ng kanilang gusting ihulog, ang ibay magaling sa pag gamit ng armas at may kagilagilalas na bilis. Ngunit may kakaibang kakayahan na natatangi ang pamilyang kabilang sa royal blood. Sila ang mga taong nasa mga palasyo na namumuno sa bawat pamayanan. Ang ilan sa kanila ay kayang kontrolin ang tubig, hangin, lupa at apoy. Nakakabasa ng isip ngunit ang kapwa nila royal blood ay hindi nila makakayang basahin. May iba sa kanila na nagtataglay ng itim na kapangyarihan na kayang magpalaba ng mga itim na ugat at sanga, itim na usok na nagbubuga ng lason, gumagaya ng wangis. Isa sa mga makakapangyarihan dito ay ang dalawang prinsepe na kabilang kaharian ang prinsesa ng diamond palace at ang babaeng nagtataglay ng itim na kapangyarihan.

KIARA POV.
Matapus kong basahin ang libro ay malaya kong iniunat ang aking katawan isa ito sa mga aklat ni mama nahiligan kong basahin ang mga aklat niya na nagbibigay aliw sa akin. Nakahiligan kong basahin ang mga ito simula ng matuto akong magbasa ilan sa mga aklat na nabasa ko ay kung paano nila kinokontrol ang mga kakayahan na taglay nila. Sa pagbabasa ko nito ay panandalian akong nawawala sa reyalidad ng buhay tila ba dinadala ako nito sa kakaibang mundo. Matapus kong basahin ang libro ay napatingin ako sa aking kapatid napailing nalang ako ng makita na naman kung anung pinagkakaabalahan niya. Tila ba hindi siya nagsasawang paulit ulit na panoorin ang paborito niyang palabas e halos limang ulit na niya itong napanuod.
Wala kaming trabaho ngayong araw na ito at naririnig ko mula sa aking kinauupuan ang boses ni mama dumating na siya galling sa pamamalengke. Agad niyang ibinaba sa lamesa ang kanyang mga dala at nagtungo sa direksyon namin.
Sinasabi ko na nga ba nagbabasa ka na naman ng mga aklat ko e agad na sabi niya sa akin, oo ma ang ganda po kasi ng mga libro mo sagot ko habang nakangiti.
Anak paanu kung sabihin ko sayo na totoo ang mga nasa libro wika niya agad akong napahalakhak, anu ka ba naman ma can you please stop joking napagod ka ata sa pagpunta sa palengke sabi ko naman sayo mama eh ako nalang ang bibili. Bigla ako nitong binatukan sabay wikang hindi siya nagbibiro at totoo ang sinasabi niya. Maging ang aking kapatid ay matamang nakatingin kay mama tila kanina pa din siya nakikinig.
Ma san mo naman nasagap ang balitang iyan agad na tanong ni kendra ang aking kapatid. Siguro kaya ka may mga aklat niyan mama kasi naniniwala ka sa mga nakasulat haynaku ma siguradong likha lamang iyan ng malilikot na isip ng may akda.
Kayo ngang dalawa ay tigil tigilan niyo ang pag iisip na hindi ito totoo marahil wala na akong ibang choice kundi ang ipakita sa inyo ang katotohanan. Ito narin ang tamang panahon para malaman at matutunan niyo ang lahat parakung sakali mang may banta ay kaya ninyong protektahan ang inyong mga sarili. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay sa ere at lumakas ang hangin bunsod para magliparan ang buhok namin. Tumingin siya sa lamesa sinundan naming ang tinitingnan niya at tila ba nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng makitang lumutang sa ere ang tubig.
Tumingin siya sa amin at sinabing iyon ang kanyang natatanging kakayahan tubig at hangin ang wangis ng kanyang kapagyarihan. Ang mga mamamayan ng diamond palace ay nagtataglay ng iisa lamang kapangyarihan nakadepende ang kanilang kakayahan sa pamilyang kanilang kinabibilangan. Ngunit ang mga diamond fairies na nabibilang sa royal blood ay nagtataglay ng isa o higit pang kakayahan.
Mula sa kanyang mga sinabi ay halos mabuwal ako sa aking kinaupuan hindi ko lubos maisip na totoo ang mga nasa aklat na parati kong binabasa. Mama edi kabilang ka sa royal family ibig sabihin nakatira ka sa palasyo ngunit bakit andito tayo agad na tanong ko sa kanya.
Tama ka kiara nakatira nga ako sa palasyo ngunit kinailangan kong lisanin ang palasyo sa pagnanais na maisalba kayong magkapatid. Hawak ni Fiona ang palasyo at marahil sa ngayon ay lubos na nahihirapan ang mga mamayan ng diamond palace sapagkat wala ito sa mabuting kamay. Mapanlinlang si Fiona at hindi siya mag dadalawang isip na patayin ang mga taong haharang sa landas niya mapasakamay lang ang trono at kapangyarihan. Alam ko na balang araw ay kakailanganin nating bumalik sa palasyo upang mabawi ang tirahan na dapat ay sa atin.
Mama kung nabibilang ka sa royal blood ay ganun din kami marahil ay nagtataglay din kami ng isa o higit pang kakayahanan.
Tama ka anak mayroon din kayong taglay na pambihirang kakayahan sa katunayan ay pareho kayong prinsesa ni kendra hind nga lang malinaw kung sino sa inyo ang taga pagmana ng trono nasusulat sa aklat na nasa palasyo na sa ika- tatlong henerasyon ng palasyo ay isisilang ang natatanging tagapagmana ng trono na nagtataglay ng apat ng element ng mundo. Wala pang nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan bukod sa kanya natatangi ang kapangyarihan na taglay ng prinsesa. Kaya din niyang magpagaling ng may pinsala o karamdaman ngunit hindi ang magbalik ng buhay. Ngunit hindi pa malinaw kung totoo ng aba ang nasa propesiya dalawa lang ang prinsesa na nasa ikatlong henerasyon.
Iyon ay ang aking anak na si kiara at ang anak ng nag iisa kong kapatid na pumanaw, na ngayon ay akin ng anak na si kendra. Kaya kayong dalawa kinakailangan niyong mag ingat kayo lamang ang natatanging susi para muling manumbalik ang katahimikan sa palasyo. Protektahan niyo parati ang isat isa sabay kayong isinilang at sa ika- labing walong kaarawan nyo ay lalabas ang markang diyamante sa kanang bahagi ng likod niyo. Ang unang magkakamarka sa inyo ay ang prinsesa ng diamod palace ang wika ng aking ina.

The Hidden Princess Of Diamond PalaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon