KABANATA VI- MULING PAGTATAGPO BILANG TAGAPAG SILBI NG PRINSIPE NG KABILANG PALA

6 0 0
                                    


Tadhana nga bang maituturing kung muling mag tagpo ang landas ng dalawang tao o sadyang nagkataon lang.

KIARA
Maaga palang ay ginising na ako ni kendra may mga armado daw na nanggaling sa kabilang palasyo at nais daw nito na isama si kendra upang maging tagapagsilbi ng kabilang palasyo. Agad akong nagtanung kung bakit sa amin sila kukuha ng taga pagsilbi gayong napakarami naman ng tirahan na naririto. Nakiusap si nanay na iwanan muna kami ng mga armadong lalaki agad naman itong tumugon, ng kami kami nalamang ay agad kaming kinausap ni nanay.
Ako ang nagprisinta sa reyna na kung maari ay isa sa aking pamilya ang kunin nilang tagapagsilbi sapagkat nanggaling ako duon sa kabilang palasyo kahapon at narinig ko na nais daw kumuha ng reyna ng bagong tagapagsilbi sapagkat hindi na daw kinaya ng tagapagsilbi ang ugali ng nag iisa niyang anak. Ito na ang pagkakataon natin upang makapasok sa palasyo ng kabilang kaharian baka sakaling makahanap tayo ng tutulong sa atin upang mailigtas ang reyna maging ang buong palasyo. Kung magagawa lang sana ni kendrang palabasin o gamitin ang lahat ng kakayahan niya ay napakalaking tulong na sana sa atin.
Hindi po ako papayag na si kendra ang pumasok sa palasyo mas makabubuti po na siya ang manatili dito. Mahihirapan lamang po siya doon kung nandito po siya ay mas makakatulog ako ng maayus sa pag iisip na nasa mabuti siyang kalagayan.
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS  ay napaunat ako ng aking katawan akala ko ay malapit lamang ang palasyo ngunit malayo layo din naman pala ito pagkababa ko ng karwahe na sinasakyan namin ay namangha ako sa laki at lawak ng palasyo napakalawak din ng hardin napakaraming bulaklak tila may mini falls din sa tabi. Sinalubong kami ng babaeng tila may edad na rin pero mukha siyang batang tingnan sa kabila ng mejo umeedad na mga balat. Ngumiti siya sa akin sabay sabing lumabas ako bilang tanda ng aking buong pusong pag tanggap. Ako nga pala ang reyna ng Icean palace kinagagalak kitang makilala kiara halika at pumasok sa aming tahanan nakangiti niyang sabi at naunang maglakad.
Sumunod lamang ako sa kanya ng makapasok kami sa palasyo ay inutusan niya ang kanyang mga tagapagsilbi na iwan kaming dalawa sinusubukan pa sanang tumutol ng ilan sa kanila ngunit hindi sila nag tagumpay. Ang sabi lamang niya ay nais niya na siya ang mismong mag libot sa akin sa palasyo. Napakalawak ng palasyo at nakakamangha ang lahat ng mga desenyo at palamuti na may roon ito. Sa ikalawang palapag ay napakaraming kwarto karamihan sa mga iyon ay walang nag mamay-ari.
Pumasok kami sa isang napakalaking silid tila isa itong buong isang bahay may sariling salas, kwarto, banyo, kusina maging sariling silid aliwan napakalawak nito at may ibat ibang kagamitan tulad ng espada, at iba pa. Ang sabi ng reyna ito raw ang lugar kung saan nag eensayo ang prinsepe at kung saan inaaliw nito ang kanyang sarili. Hindi daw basta basta nasisira ang silid na iyon kahit pa gaano kalakas ang kapangyarihan at kakayahan ng isang diwata.
Matapus naming libutin ang buong paligid ay humarap sa akin ang reyna at sinabi niya na sana daw ay kayanin kong tiisin ang ugali ng kanyang anak. Alam daw niya na napakahirap pakisamahan nito mabait naman daw ang kanyang anak sadyang hindi lang daw ito nakikita ng lahat. Sa totoo lamang ay wala pang tumatagal dito ng isang buwan sapagkat lahat sila ay pilit na tinataboy ng aking anak. Kahapon nga ay may nagpresinta na pag silbihan siya pero ang nangyari ng araw ding iyon ay umuwi ang nag presinta ng may pagsuko malungkot siyang ngumiti sa akin. Alam mo ba iha tumatanda na ako at maging ang nag iisa kong anak nais ko manlamang na masilayan siyang ngumiti sa ibang tao buntong hininga niyang sabi.
Ngumiti lang din ako sa kanya bilang tugon hayaan mo po mahal na reyna sisikapin ko pong indahin ang ugali ng aking pagsisilbihan. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga ng sa wakas ay nakapasok na ako sa aking magiging silid napakalawak at napakagara ng aking tutuluyan mukha akong hindi taga pag silbi sa lagay na ito. Agad akong niyakap ng dilim sa oras na maramdaman ko ang lambot ng aking higaan.
Isang katok sa pinto ang nag pagising sa akin bumalikwas agad ako ng bangon at binuksan ang pinto isang ma edad ng babae ang nasa labas. Kiara ayusin mo muna ang iyong sarili at ipaghanda mon a ng makakain ang prinsepe ilang oras na lamang ay pauwi na siya galing sa bulwagan.
Mabilis akong naligo at nagpalit ng bestidang kulay itim na may mga bulaklak na kulay puti umaabot ito hanggang sa aking paa. Ngunit sapat lamang ang haba nito upang hindi sumayad sa lupa. Nilagyan ko ng clip ang aking buhok at saka ito inipitan sinuot ko ang sapatos ko sapagkat ganito tlaga dito lahat ng tao sa palasyo ay naka sapatos ng may taking hindi naman gaano mataas sakto lang. Agad akong tumakbo palabas napasadahan ko ng tingin  ang ibabang bahagi ng palasyo at nakita ko na masamang nakatingin sa direksyon ko ang isang lalaki mukhang hari ang kasama niya sapagkat mayroon itong korona.
Hindi ko na lamang iyon pinansin marahil ay hindi naman ako ang tinitingnan noon sapagkat wala naman akong ginagawang masama. Inayus ko na at pinaghanda ng makakain ang prinsepe nag effort pa ako at nagluto masarap naman akong magluto kaya naman sana wag niya itong itapon. Katatapus ko palang ayusin ang lahat ng marinig ko ang tila pagtatalo at mga tunog ng yapak ng paa. Bakit ba kasi kailangan niyo pang kumuha na naman ng taga pagsilbi hindi ko kailangan ng sino man sa kanila. Mamaya isa na namang tatanga tanga ang sumalubong sa akin at halos itulak na ang sarili nila sa akin. Sakit lamang sila sa ulo mababagal pa gumana ang mga utak na tila hindi makaunawa agad sa kung anu ang nais kung sabihin ang sabi ng baritonong boses ng lalaki.
Anak anu ba naman huling huli  na ito pagbigyan mo nalang ang iyong ina at reyna mauna na ako sapagkat nag hihintay ang iyong ama sa labas. Dumaloy ang matinding kaba sa buong sistema ko sa lahat ng aking narinig ay malinaw na hindi natutuwa ang prinsepe sa ideyang nandito ako upang pagsilbihan siya.
Agad akong umalis sa lamesa ng maramdaman ko na ang presensya niya tumungo ako at nag desisyong umalis at lumabas sa silid kung saan siya naroroon. Ngunit hahakbang palamang ako ay napahinto na ako sa tangka kong gawin.
San mo naman balak pumunta pano ako nakakasigurado na hindi moa ko lalasunin tikman mom una ang mga niluto mo sa harap ko para naman kung balak mo man akong patayin ay mauuna ka malamig niyang sabi. Halos pagpawisan na ako ng malamig kilala ko ang boses na iyon ang lalaki sa batis na parati kong pinupuntahan. Halos murahin ko na ang sarili ko sa isip ko anu ba naming kamalasan prinsipe pala siya. Ayaw na ayw ko na siyang makita hindi dahil sa hindi siya guwapo kundi dahil ang ganda niya talagang titigan bagay na ikakamatay ko sapagkat naiirita talaga siya sa akin.
Hindi niya ako puwede makita kaya ginawa ko ang makakaya ko na sumaliwat sa direksyon na maaari niya akong makita. Halos takluban ko na ang mukha ko ng sarili kong buhok habang isa-isa kong tinitikman ang mga hinanda ko.
Anu ka ba banlag o wala kang mukha nakakapag hinala ang mga kilos mo tila nagtatago ka sabihin mo nga sa akin anung pakay mo sa palasyo tanong niya at ang boses niya ay tila mapanganib. Nag angat ako ng ulo at inunat unat ko pa ang batok ko dahil sa ngalay na naramdaman ko ginawa ko ang lahat wag lang mapairap sa kanya. Hindi ako banlag mr. sadyang ayaw ko lang makita ang pagmumukha mo nakataas na kilay kong sabi. Anu nga ulit tinatanong mo anong pakay ko sa palasyo? Teka isipin ko lang ha nilagay ko pa ang kanang kamay ko sa ulo ko na tila nag iisip. Wala naman akong maisip na may pakay ako e kailangan ba may pakay para mapunta dito required ba yun? Tanong ko sa kanya unti unting nagbago ang mukha niya at kung nakakamatay lang ang tingin malamang patay na ako. Marahil ay wala pa talagang nakapag salita o sumalungat sa kanya kasi nakakatakot talaga siya at base narin sa itsura niya ay tila nagulat siya na sinagot sagot ko siya.
Kinakabahan akong nag peace sign sa kanya, hahaha biro lang kalma kalang ha wag ka magalit malamang tatanda ka agad niyan kung parati kang ganyan kumain ka na kaya para naman di ka naha highblood. Muli akong humakbang para isalba ang buhay ko sa bumabagyong galit ng lalaking nasa harap ko laking gulat ko ng biglang nasa harap ko na agad ito. Tumingin ako sa kinatatayuan niya kanina tinuro ko pa kung san siya nanggaling ang bilis mo namang kumilos manghang mangha kong sabi.
Alam mo bang sagad na sagad na ako pasalamat ka at tinawag ako ng aking ama nung nakaraang pagkikita natin dahil kung hindi wala ka ng buhay ngayon. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka naiintindihan mo ba yun ang sabi niya sa akin. Agad ko namang naramdaman ang unti unting pagbalot ng yelo sa aking paa paakyat sa aking buong katawan. Ang light blue niyang mata ay tumatapang ang kulay habang ang hangin sa paligid ay pinapagalaw ang natural niyang buhok tila napakalambot nitong tingnan. Ang mabuti niyang makinis na kulay puting mamula mulang balat ay nagrereflect sa ilaw. Nakatiimbagang na mga panga na nagpapakita ng kanyang galit bakit ang ganda niya pading pagmasdan kahit na galit siya tangi kong naitanong sa isip.
Ayy shit tanging naibulalas ko sa mga naiisip ko papatayin na akot lahat lahat kung anu ano pang tumatakbo sa isip ko. Teka teka tanggalin mo na nga ito balak mo pa ata akong gawing estatwa tanggalin mo na please ang lamig lamig ba naman kasi pakiusap ko sa kanya.
Inismidan niya lang ako sabay upo sa upuan at kumain na para bang walang nangyari. Hoy naman mr. prinsipe tanggalin mo na ito kung di mo naman ako papatayin well mukha naming hindi moa ko papatayin kasi kung papatayin mo man ako edi sana kanina mo pa ginawa.
Uiiiii baka naman tanggalin mo pa ito pangungulit ko sa kanya pero imbis na sagutin ako ay nagpatuloy lang siya sa pagkain. Impit akong napasigaw sa gulat ng bigla akong umangat, heyy sadya ba tong gumagalaw muli kong tanung sa kanya pero hindi parin siya sumasagot. Nakahinga ako ng malalim ng ibaba ako nito sa isa sa mga upuan akala ko naman ibabalibag din ako ng yelo na to kagaya ng ginawa sa akin ng itim na usok ni Fiona.
Kumain kana ang tangi niya lang sinabi, napangiti ako sa narinig ko talaga? Sabi mo yan huh wala ng bawian agad akong kumain kinain ko lahat ng kaya kong kainin. Ng matapus ako kumain ay nag unat pa ako ng katawan ko hayyyssttt busog na busog ako salamat sa pagkain pabulong na sabi ko sa mga pagkain.
Ilang buwan kabang hindi kumain tanong niya habang naka dekwatro. Kumain naman ako kagabi  tapus ngayog gabi  lang ako hindi pa kumain nag iisip kong sabi. Imbis na mag salita pa ay naglakad na siya palabas uiiii teka mr. prinsipe anu ba yun insult o tanong pero wala man laang akong narinig na sagot. Agad kong nilinis ang mga pinagkainan nag linis na din ako ng buong kwarto niya syempre para di ako mapagod ay ginamit ko na din ang kakayahan ko para mas mapadali. Lumipas ang buong isang araw na hindi ko nakikita ang prinsipe marahil ay busy ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden Princess Of Diamond PalaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon