KABANATA III- ANG KAARAWAN AT ANG KAPANGYARIHAN NG DILIM

1 0 0
                                    


Gaano man kaaliwalas ang kalangitan darating at darating ang dilim at ang kailangan mo ay ang liwanag na palamuti na magtatanglaw at mag sisilbing gabay.

KIARA POV.
Muli akong tumingin sa salamin pinasadahan ang anyo ng babaeng nasa harap ang kanyang mahabang buhok ay nakalugay ng natural kilay na may korte at mejo singkit na mga mata mga labing natural ang kulay na may katamtamang laki. Hindi ako mahilig manalamin nihindi rin ako mahilig mag ayus wala nga talaga sa aking diksyonaryo ang mga ganung bagay. Napangiti ako ng makita ang kapatid ko dahil napakaganda niyang tingnan sa pulang bestida at mas lalo nitong pinapalitaw ang natural niyang ganda.
Niyakap niya agad ako habang tawang tawang sinasabing sa wakas ay napag suot niya din ako ng dress at naipilit niya ding mag lagay ako ng kolorete sa mukha. Samantalang nawala ang ngiti sa mukha niya ng sabihi kong hindi na mauulit at ngayon lamang ito pinagbigyan ko lamang siya. Pa irap irap siya sa hangin habang sinasabing napaka kj ko talaga.
Boses ni mama ang pumukaw sa aming dalawa masayang masaya itong umaawit ng happy birthday bakas sa kanyang mukha ang lubos na pag mamahal at kasiyahan. Sabay sabay kaming lumabas ng bahay habang magkakahawak ang mga kamay masaya kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Wala na akong mahihiling pa ngayong araw na ito sapat na sa akin ang makasama at makita sila. Ng sumapit ang pahapon ay nagpasya kaming mamasyal sa park at pumunta sa tabing dagat napakaganda ng tanawin nakakarelax. Sa pag uwi namin sa bahay ay tumambad sa akin ang hindi ko inaasahang makikita ko. Ang buong paligid ay tila nag ningning sa mga makukulay na ilaw mga nakahandang hapunan at may cake pa na nakalagay na happy birthday kiara at kendra.
Nang tumingin ako sa aking kapatid ay bakas din sa kanyang mukha ang gulat at saya agad naming niyakap si mama sobrang nagpapasalamat sa lahat ng effort na handa niyang gawin. Masaya naming pinag masdan ang buong kapaligiran nagkukuwentuhan habang kumakain at namamangha sa ganda ng mga palamuti. Unti unting nababalot ng dilim na usok ang kapaligiran mabilis na tumayo si mama at itinaas ang kamay tila ba tinataboy ng hangin ang mga usok paitaas.
Mga anak maging alerto kayo kilalang kilala ko ang nakakasulasok na kapangyarihang ito mapanganib kung makakalapit sa inyo ang usok kayat itaboy ninyo ito. Agad kong kinontrol ang hangin gayon din ang aking kapatid ng biglang puluputan si mama ng mga itim na tila katawan ng kahoy paitaas agad na binalot siya ng itim sinubukan naming agawin siya at kunin gamit ang hangin.
Napuno ng takot ang puso ko wala kaming makita kung san nag mumula ang lahat ng ito unti unting nawawalan ng malay si mama at wala kaming magawa para iligtas siya. Ginawa ko ang lahat kahit mga bagay sa paligid ay ibinato ko sa itim na halamang iyon para lamang mabuwal at mabitawan si mama. Maging si kendra ay may mga luha ng unti unting nangingilid sa mga mata tila ba lahat ng gawin namin ay hindi tumalatab sa halamang iyon.
Mama gumising ka! lumaban ka mama! hindi ka namin magawang pakawalan sa pagitan ng hirap na nababakas sa mukha niya ay pilit siyang ngumiti mga anak pakiusap tumakas na kayo kailangan niyo ng umalis ok lang ako. Ang mga luhang pinilit kong wag pakawalan ay unti unting nag landas sa aking mga mata binalot na nga ng pangamba at takot ang puso ko. Mas masakit na makita ko siyang naroon habang wala kaming magawa upang iligtas siya.
Isang tinig ng babae ang umalingawngaw sa paligid humahalaklak siya habang sinasabi na kahit san si mama magtago ay malalaman at malalaman niya kung nasaan ito. Lumitaw sa harap ni mama ang babaeng mahaba ang buhok maganda siya at maputi ngunit ang kanyang mga mata ay tila nababalot ng galit. Tumingin siya sa direksyon namin na tila nag iisip.
Itinuro niya ang kanyang kamay sa direksyon namin sino nga ba sa inyong dalawa ang prinsesa anu ba naman dating mahal na reyna ng diamond palace talagang tumakas ka pa talaga para lang iligtas sila. Matagal kong inintay ang araw na ito tila dinala ako ng liwanag kung saan naroroon ang prinsesa. Pag masdan niyo ang kalangitan wika niya agad kaming tumingin sa langit tila napakaganda nitong pagmasdan kakaibang kulay ang bumalot sa langit at tila ba nagniningning ito blue, green, red, brown at mintgreen ang sagisag ng palasyo at ilang minuto lang ay lalabas na ang marka ng taga pagmana nakangiti niyang sabi. Mabilis akong tumingin sa aking kapatid ng mapaluhod ito at nagpakawala ng sigaw mula sa sakit na kanyang nararamdaman agad akong tumakbo sa kanya.
Itinuturo niya ang kanang bahagi ng likurang balikat ang marka sa likod niya ay unti unting lumitaw isang diamond na may maliit na paruparo. Isang kahoy na itim ang papunta sa aming direksyon agad kong hinila ang aking kapatid tumakbo kami para iwasang mahuli nito. Lumitaw sa harap namin ang babae mabilis niyang hinawakan ang aking kapatid sa leeg inatake ko siya ng paulit ulit ngunit mga kahoy ang natatamaan ko.
Tumingin ako kay kendra at nakita kong nanlalaban din siya iwinaksi ko ang takot sa puso ko sa pag buo ng determinasyon na gagawin ko lahat para mailigtas sila. Pinagalaw ko ang lupa at pilit na ibinabaon ang mga kahoy na likha niya. Ginamit ko ang hangin para pagalawin ang mga bagay patungo sa itim na kahoy sa pag- asang mabuwal nito ang  nakakapit kay mama. Nakapikit na ang mga mata niya at hindi ko kayang tingnan siya sa ganoong sitwasyon. Ang babaeng nakaitim na kasuotan ay pilit kong inatake at tila ba walang nangyayari. Ang usok niyang kakayahan ay unti unting binabalot ang buong kapaligiran pilit ko itong pinapalayo ngunit sa lakas nito ay wala akong nagawa ng puluputan narin ako nito. Hinawakan niya ako sa leeg kasabay ng pagsasabi niya na isa akong napakahinang nilalang pinilit ko paring lumaban ngunit tuluyan ng kinain ng dilim ang buo kong paningin ng paulit ulit akong ihampas ng usok na nakapulupot sa akin.
Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay maaliwalas na kalangitan ang tumambad sa akin agad akong tumingin sa paligid at nakita ko si kendra na nakahandusay sa di kalayuan. Agad akong pumunta sa kanya humihinga pa siya pero ang kulay ng mukha niya ay unti unti ng namumutla. Tila may lason sa kanyang katawan pinilit kong hinanap si mama pero hindi ko siya makita.
Kendra gumising ka kailangan mong lumaban naririnig mo ba ako? kailangan tayo ni mama hahanapin natin siya! hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawawala. Ang lahat ng pinilit kong itago sa kailaliman ng puso ko ay maluwag kong pinakawalan ang mga luha ay unti unting nangilid sa aking mga mata. Paulit ulit kong ginising si kendra at laking tuwa ko ng nagmulat ito ng mata at ang kulay ng kanyang mukha ay nanumbalik.
Nasan si inay ang una niyang tanong at agad kong sinabi sa kanya na marahil ay dinala ng babaeng iyon si mama. Kaya kailangan naming makahanap agad ng paraan upang makita ang diamond palace.

The Hidden Princess Of Diamond PalaceWhere stories live. Discover now