KABANATA IV- ANG PANINIRAHAN SA DIAMOND PALACE AT ANG PAGTATAGO NG TUNAY NA PAGK

1 0 0
                                    


May mga katotohanang natatago hindi para makapaminsala kundi para sa ikakabuti ng lahat. Ang tirahan na minsang nilisan ay muling babalikan sa paghahanap ng muling katahimikan.

Iginugol namin ang oras namin upang hanapin sa mga aklat ni mama ang daan patungo sa diamond palace. Halos mag uumaga na ng makita namin ang tila mapa na may mga nakasulat ng lokasyon. Sinundan namin ang itinuturo ng mapa at dinala kami nito sa isang talon na may mga magagandang bulaklak takipsilim na ng makita namin ang susi para mabuksan ang lagusan. Nasusulat sa aklat na kapag may marka ka ng pagiging isang diwata ay maaari mong buksan ang lagusan sa pamamagitan lang ng pagsasabi na magbukas ito. Ngunit wala akong anu mang marka kayat maaaring pagsarhan ako nito.
Si kendra ang nagbukas ng lagusan at suunod ako sa kanya laking pasasalamat ko ng hindi mag sara ang pintuan. Agad na naglaho ang daan at tumambad sa amin ang napakagandang kapaligiran napakaraming paruparo mga ibon na humuhuni at napakaraming magagarang bulaklak. Lubos na napaka ganda ng lugar na ito parang paraiso.
Marami palang tao sa lugar na ito at lahat ng mga tao ay busy sa lahat ng kanilang ginagawa ang ibay nag lilinis nag kukuwetuhan. Hindi naming alam kung saan nga ba kami pupunta ang mga bahay ng mga nakatira dito ay magagara tila ba ginamit nila ang kalikasan sa pag gawa ng sariling tahanan. Ang mga bahay ay tila gawa sa kahoy ang iba ay sa halaman at mga bulaklak nakakamangha.
Patuloy kaming naglakad at hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan ng isang babae at tila kanyang ina nangangailangan sila ng makakatuwang sa kanilang tindahan agad akong nagsalita itinaas ko pa ang aking mga kamay. Ako po at ang aking kapatid maari po kaming maging katuwang libre lang po, wlang bayad kailangan lang po namin ng matutuluyan nakangiti kong sabi.
Tumatangong sumang ayon ang ina ng babae, napakaganda niyo namang dalawa napakaganda din ng inaalok niyo salamat at nagpresinta kayo makakaasa kayo na bibigyan namin kayo ng maayus na tirahan. Tamang tama mag hahapunan na kami hali kayo at sumabay na sa amin nakangiti niyang sabi. Agad naman kaming sumunod sa kanya napakaganda ng loob ng bahay nila at mukha pa silang mababait. Masaya kaming naghapunan naikuwento din nila sa amin na sila na lang daw dalawa ang magkasama sa buhay. Napag pasyahan din nila na dito nalang din kami tumira sa bahay nila kesa sa bahay na gusto sana nilang patirahan sa amin.
KINABUKASAN magsisimula na kaming mag tinda ang ititinda pala namin ay mga prutas at gulay hinabilinan din nila kami na sa oras na may mga armadong lalaki kaming matunugan sa paligid o may mga taong nagtatakbuhan ay agad naming saraduhan ang tindahan at ikandado ang pinto wag na wag daw kaming lalabas. Magtitinda silang mag ina sa kabilang tindahan na hindi kalayuan sa puwesto naming ni kendra.
Ilang oras palamang ang nakakalipas ay marami na kaming naibenta lahat ba naman kasi ng dumaan ay inaalok naming magkapatid sa pansamantalang oras ay nag eenjoy kami sa ginagawa naming. Sa kahit n akonting oras ay nakalimutan naming ang lahat ng negatibong nararamdaman at nagkukubli sa puso namin. Pahapon na ng may mga lalaking armado ang tila naghahanap sa paligid hindi naming inaalis ang nakataklob na malong sa ulo at kaunting mukha namin. Agad naming isinarado ang tinhadan at ikinandado mga ilang minuto lamang at nakarinig na kami ng katok mula sa labas.
Hindi naming binubuksan ang pinto binuksan lang naming ito ng marinig naming ang boses ng mag ina. Agad silang pumasok sa loob at ikinandado ang pinto agad akong nagtanong kung anu ng aba ang nangyayari. Napapailing siyang nagsabi na hind inga daw talaga namin alam kung anu ang nangyayari at dayuhan nga daw talaga tiningnan niya ang mga marka naming ngunit taka siyang napatingin sa akin kung bakit wala akong marka.
Imposible pano ka nakapasok sa lagusan gayong wala kang marka kahit kailan walang nakapasok dito na walang marka at wala ring diwatang hindi nagkakaroon ng marka ang tanging nasabi niya. Ang tanging naisagot ko lang ay hindi ko din alam kung bakit nga ba ganun. Muli ko siyang tinanong kung anu nga bang nangyayari. Ang kasalukuyang reyna ng diamond palace ay kumukuha ng mga tao sa labas ng palasyo para gawing alipin maging ang aking asawa ay nakuha nila upang gawing kawal. Maige na nga lang at hindi nila nakuha ang aking anak sapagkat naitago ko siya. Kaya kailangan nyong mag ingat kapag maganda kayo at dalaga ay iaalay kayo ni Fiona sa itim niyang kapangyarihan upang mapanatili ang lakas na taglay niya at ang kabataang anyo na mayroon siya. Masuwerte ka kung hindi ka niya magugustuhan at gawin kalang niyang alipin ngunit malas ka kung kunin niya ang kaluluwa mo.
Napagtagpi tagpi ko ang lahat at sigurado ako na siya ang babaeng kumuha sa mama ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya pakiusap po saan matatagpuan ang palasyo kailangan ko pong pumunta dun kinuha niya po ang mama ko at kailangan ko siyang iligtas nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Ngunit umiling siya bilang pagtutol hindi ka puwedeng basta nalamang pumunta dun higit na mapanganib ang pagpunta mo dun. Napakalakas ng taglay na kapangyarihan niya at maging ang hari ay nagawa niyang paslangin ang reyna ay nasa kamay na niya ngayon at marahil ay patay na ang prinsesa wala na ang tanging pag asa na makalaya pa tayo sa kanya.
Anu pong sabi niyo pinatay niya ang aking ama at nasa kanya nga si mama nakita niyo ba siya ok lang ba siya buhay pa ba siya? Gulat siyang napatingin sa akin sino ba ang tinutukoy mong ama mo ang hari? balik tanong niya sa akin.
Opo kaming dalawa ni kendra ay kabilang sa royal blood sinasabi ko ito sa inyo kasi alam ko pong mapapagkatiwalaan namin kayo. Ang tangi ko lamang pong hiling ay wag na wag niyong hahayaang makalabas ang totoong pagkatao namin. Sapagkat sa oras na malaman ng Fiona na iyon na buhay kami ay hindi na kami makakagawa pa ng hakbang para mailigtas si mama at matalo si Fiona.
Mahabaging panginoon ang tanging naibulalas niya, saya at lungkot ang nakabahid sa mukha niya. Ang akala ko ay patay na ang pag asang makakalaya pa kami sa kamay ng masamang reyna ng palasyo. Nung isang araw lamang ay itinipon kaming lahat na mamayan sa bulwagan ng labas ng palasyo inilabas ni Fiona ang dating reyna maayus naman siya ngunit may bahid ng pagpapahirap ang kanyang anyo. Lahat kami ay nabalot ng lungkot, takot at pighati ng sabihin niyang patay na ang prinsesa at sa katotohanan na nasa kamay niya ngayon ang reyna na lubos naming minahal.
Kailangan naming iligtas si mama ngunit sa ngayon ay hindi pa namin alam kung paano. Sino sa inyong dalawa ang prinsesa ang tanong ng mag ina agad ko silang sinagot na si kendra ang prinsesa sapagkat siya ang may marka sa aming dalawa at higit siyang mas mabilis natutong gumamit ng kapangyarihan. Tuwang tuwang nag request ang mag ina na ipakita naming ang taglay naming kapangyarihan pinakita ni kendra ang kanyang kakayahan ang tubig at hangin samantalang ako naman ay ang hangin at lupa. Namamangha silang napatingin sa amin sabay sabing totoo nga na galing kami sa lahi ng royal blood sapagkat taglay namin ang higit sa isang kapangyarihan. Ngunit tinanong nila si kendra kung bakit dalawa lang ang kapangyarihan nito sumagot naman si kendra na hindi pa niya kayang palabasin ang iba niyang kakayahan.
Makalipas ang isang linggo ay paulit ulit lang ang ginagawa namin nagbebenta nagkukuwentuhan sa hapag kainan lubusan na nga kaming napalapit sa mag ina. Nag silbi na din namin siyang nanay na parating nakagabay sa amin at pinoprotektahan kami. Nananatiling tago ang tunay na pagkatao namin para sa sekyuridad ng kaligtasan naming lahat. Isang beses sa tatlong linggo lang naman daw kung lumabas ang mga tauhan ng reyna para kumuha ng isang tao kung hndi ito magugustuhan ng reyna ay muli itong kukuha ng ganoong araw din.

The Hidden Princess Of Diamond PalaceWhere stories live. Discover now