Chapter 22

18.7K 619 675
                                    

Chapter 22

Warning

 

Kinabukasan, nabalitaan ko na lang na umalis na si Zaro pabalik sa Maynila.

Bukod kasi sa iniwan niyang mensahe sa akin, usap-usapan din sa mansiyon ang biglang pagbisita nito. Kita kong tuwang-tuwa ang mga kasambahay at mga trabahante na muli siyang masilyan.

Kaya naman nang dumating ako sa school, laking gulat ko nang maging ang mga estudyante ay nalakap din iyon.

Base sa mga narinig sa paligid ay mistulang may ideya rin ang mga ito sa pagbisita ni Zaro sa Castel.

Hindi ko rin sigurado. Ngunit tuwing napapagawi ang mga mata nila sa direksiyon ko, kasunod noon ang mga bulungan at kuryosidad sa kanilang hitsura.

Sa malayong parte ng aming palapag, nasulyapan ko ang ilang kaklase na nakatambay sa tapat ng room.

Si Dessa ang unang nakapansin sa pagdating ko. Umahon siya mula sa barandilya at kumaway sa akin.

"Lumi! Dali ka rito!"

Awtomatikong napabaling na rin ang iba. Naroon sina Eric, Bado, Janine, at Willa. Tumango ako at kumaway rin.

For some reason, my stomach hollowed on the way they followed my steps using their hawk-like eyes. Para bang may dambuhalang tandang pananong sa tuktok ng kanilang ulo, kinikilatis ang katauhan ko habang papalapit sa kanila.

"Uh, magandang umaga," I spoke as soon as I neared them.

Agad nila akong binigyan ng espasyo, halos palibutan na. Inikot ko rin ang paningin sa paligid namin. Agaw-pansin kasi ang bahagyang paglapit ng ibang Grade 12 students dito.

"Anong uh... meron?" I asked hesitantly, almost scanning them one by one to seek answers.

Nang dumako ang paningin ko kina Eric, umiwas sila ng tingin at may pinagbulungan na lang.

Dessa grabbed my hand against her. Sa kanya nalipat ang buong pansin ko.

"Totoo ba, Lumi?" That was her question, attentive.

Puzzled by that, I blinked thrice as my eyebrows furrowed.

"A-Anong totoo, Des?"

"Usap-usapang bumisita sa Castel si Victor Castellano!"

Dumapo ang mga mata ko sa dalawang kamay niyang nakabalot sa kamay ko. Dahil sa kaligaligan, humigpit iyon. Pero ang ipinagtataka ko, bakit sa akin nila ngayon kinukumpirma ang balitang iyon?

Horror overtook my system. I fought back the fear inside and tried my best to act normal.

Muli kong inangat ang tingin kay Des. Tinawa ko na lang ang kabang nararamdaman.

"I-Iyon nga rin ang narinig ko."

Naningkit ang mga mata niya sa akin. Sa kabilang banda, rinig ko naman ang pagtikhim ni Eric kaya napunta sa kanya ang atensiyon.

"Des, tignan mo na. Mukha namang walang kinalaman si Lumi sa balitang 'yan. Tinatakot niyo lang siya," Eric chimed in with a hint of irritation.

Umismid si Janine. Kita ko iyon dahil malapit lang din siya sa akin, nakasandal din sa railings.

"Hindi ko maintindihan, bakit mo pa kailangang itago sa amin? Nagmamaang-maangan ka pa, " duda niyang paratang sa akin.

Umawang ang labi ko. "Hindi ko rin maintindihan... A-Anong ibig niyong sabihin?"

Naguguluhan na ako. Pero ang tahip sa puso ko ay lagpas-langit na.

Des jerked my hand more to capture my attention. Napatingin ako sa kanya.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon