Chapter 42

18.8K 598 938
                                    

Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.
--

Chapter 42

Curse

 

For a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.

Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.

Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan daw iyon 'di umano sa imbestigasyon.

I swallowed hard as I tried to sort out my thoughts.

It doesn't make sense. Duccio's behind this crime. It is very evident. He did this to warn us, to threaten, and spite us! Napakawalang hiya! May imbestigasyon man o wala, nasisiguro kong siya na naman ang may pakana nito.

Also, what's with the signature? What the hell did he mean by N? Is it an abettor? Why is it included for the credit? Is it that necessary?

Mayamaya, narinig ko na ang utos ni Aren na ilayo ako sa premise. Kaya naman kahit nagkakagulo na sa labas, tinawid ng sasakyan ang dagat ng mga taong nakikiusisa sa nangyari.

My phone rang nonstop only to see calls from random friends, so I decided to turn it off for the mean time. I can't entertain their intrigues for now.

I gritted my teeth as I cupped my face to calm down. There's no time to slack off. Hindi ito ang panahon upang pangunahan ng emosyon at takot.

Shit. This is my last straw. I cannot just sit down and do nothing when things are getting more serious. Keep calm, Lumien. Keep levelheaded.

Pagkalabas ng University, agad ding huminto ang sasakyan. Kaya naman dahil sa pagtataka, napaahon ako mula sa pagkakayuko.

"Nandito po si Mr. Castellano," the bodyguard informed me.

Bahagyang namilog ang aking mga mata at lalong tumindi ang tibok ng puso.

Natanaw ko agad ang kotse nito nang tumigil din sa tapat ng sinasakyan namin. May nakasunod din ditong convoy na huminto naman sa likod ng kanyang sasakyan.

Iilang estudyante at tao ang tumabi upang magbigay-daan sa munting kaguluhan. Idagdag pa na pamilyar sa mga taga-Castel ang itim nitong SUV. Bisto agad ang interes sa kanilang mga mukha.

Nang natanaw ko siyang bumaba mula roon, malalaking hakbang ang kanyang ginawa patungo rito, hindi alintana ang mga nakahara sa daan. Tumikhim ako at inalalayan na rin ng bodyguard para makalabas.

The door opened. He was waiting outside with his arm leaning on the door frame. Eyes dark and ruthless while directed at me.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay hinakbang na niya ang isang paa sa loob. Laking gulat ko nang bigla niya na lamang akong sinunggaban para ibaba ng sasakyan.

"Z-Zaro..." tanging nasabi ko na lang nang higpitan niya ang yakap sa akin.

"Is everything okay?" he asked with urgency.

Unti-unti na siyang humiwalay sa akin ngunit nanatiling nakahawak sa mga braso ko. His eyes were critical and expectant at me, as if every word from my mouth would matter. However, my shoulders drooped when everything latched onto me again.

Salungat sa kanyang mga ekspresyon ang pagtamlay ng aking mga mata.

"Si Manong, Zaro... H-He is not okay. Dadalhin na ba siya sa ospital? Kailangan na nating magmadali. Baka mapan-"

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon