Chapter 25

19.1K 580 700
                                    

Chapter 25

Improvements

 

"Wait, what is this?"

Kinabahan ako. Isasarado na sana ni Zaro ang pinto sa tabi ko ngunit inangat niya ang aking braso.

He examined it and a perpetual scowl dawned on his face. Especially when he lifted his eyes on my face and parted some hair strands off my forehead. Tumalim lalo ang tingin niya nang may nasipat doon.

Dahil nataranta sa bigla niyang ikinikilos, hinawi ko rin pabalik ang kamay niya at napatikhim.

"Zaro..."

"Bakit may mga sugat ka?" mataman niyang titig sa akin.

I gulped. "N-Nadulas lang ako sa hardin kahapon..."

Zaro worked his jaw. He seemed to invalidate my explanation when he focused on my bruises and scratches instead.

Sinubukan ko siyang suyuin na wala lang iyon. Kahapon, sinikap ko itong itago sa mansiyon. Kaso lang ay nadagdagan pa kanina kaya naging mas mahirap itago sa iba.

I must have let my guard down. Nawala sa isip ko. Nakita niya pa tuloy ngayon.

Zaro whispered a curse under his breath before he tore his fingers through his hair.

"Simula bukas, hindi ka na papasok," he said authoritatively before closing the door.

Umikot na rin siya upang tumungo sa kanyang puwesto. Nagalit ko ata siya.

Tahimik lang kami sa byahe. Minsan ay sumusulyap ako sa kanya, chini-check kung galit pa rin siya pero aabutin niya lang ang kamay ko, masuyong hahaplusin iyon bago muling ibalik sa manibela.

Pagkarating sa mansiyon, ginamot niya ang sugat ko. Medyo kinakabahan pa ako dahil kada linis niya sa bawat isa, masyadong malupit at matalas ang kanyang titig doon.

To the point that every now and then, I was constantly flinching to the horror that he might press it harder. Gayunpaman, salungat doon ang nangyari.

Kahit na mukhang inaaway siya ng mga sugat ko, marahan ang bawat dampi ng kamay niya roon, animo'y nagsusumamo pa rin sa kabila ng kanilang alitan. Wow. He really was fascinating to look at.

Para bang kahit anong kunot o busangot ng mukha ay nakahahalina pa rin ang hitsura. Naisip ko, hinding-hindi ako magsasawang pagmasdan siya.

Hindi ko namalayan ang ngiti. Naabutan niya tuloy iyon.

"Bakit ka pa pumasok ngayon, Lumi?"

That was his supposed to be question. But his forehead creased when he realized I was staring too much. Uminit nang husto ang mukha ko.

"Stop that. I'm pissed, remember?" suplado niyang sambit, tila ba konting kibot na lang, maaari namin iyong makalimutan.

Ngumuso ako at tumango. "I'm sorry..."

Bumuntong-hininga siya at pinirmi na ang aking kamay sa tandayan ko nang natapos na.

"Bakit ka pa pumasok?" muli niyang balik sa unang tanong, nililigpit na ang mga ginamit.

"Iyon kasi ang... uh... gusto ni Senyor Danilo," mahina kong sagot.

Natigilan siya roon. Nanatili siyang nakaluhod sa harap ko, nabitin sa ginagawang pagliligpit. Habang ako, nakaupo pa rin sa kutson na nasa sahig din, takang napatanaw sa kanya.

I saw his jaw clenched in a very firm tone. Tinapos na niya ang pinagkakaabalahan bago muling ituon sa akin ang buong atensiyon.

"He did that?" he asked.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon