CHAPTER 3: Bomba

923 20 2
                                    

"Diane..." Hinawakan ako sa pisngi ni Alecis. "Deyline..." Umiyak ang mga kaibigan ko sa harapan ko at niyakap ako. "Wag mo kaming iiwan ah? Ayaw na naming mawalan ng kaibigan Deyline..." Umiyak sila ng malakas saakin. "Si Diane..." Bulong ko dahil hindi ako makapag salita ng maayos.

"Ikaw nalang ang iniintay Deyline."

"Oras na para mag paalam..."

"Kay Diane... At sa papa mo..."

Sabi nila.

Nag bihis na agad ako kahit na sobrang hina ko pa. Pero lahat gagawin ko para sa kaibigan ko.

.

Nakita kong umiiyak ang nanay at tatay ni Diane. Nilapitan niya ako at niyakap ako.

"Oras na para mag paalam anak... Iniintay ka ni Diane." Napaiyak ako sa sinabi ng mga magulang ni Diane.

Lumapit ako sa kabao niya.

Dito na ako napaluhod at umiyak.

"Diane... I'm so sorry..." Umiyak ako. "I'm so sorry Diane... Patawarin mo ako..." Umiyak pa ako lalo.

Pag katapos. Lumipat naman ako kay papa.

Mag katabi lang kasi ang kabao ni papa at ni Diane.

"Papa... Sabi ko naman sayo na lalaban pa tayo pa..."

"Sana masaya na kayo sa langit...

Diane...

Papa..."

Sinara na nila ang kabao at nag umpisa na ang pag libing sa dalawang kabao.

"Deyline..." Siya... Bakit siya nandito?

"UMALIS KA NGA DITO! BAKIT KA NANDITO!? HAH!?"

"TINGGNAN MO NGA ANG PALIGID MO! LAHAT NG TAO DITO MAY SUGAT AT PILAY! BAKIT KA NANDITO KUNG IKAW ANG PUMATAY SA TATAY AT KAIBIGAN KO!?" Sabi ko at tinulak tulak siya.

"Umalis ka na... Umalis ka na! UMALIS KA NA!" Sigaw ko.

"Hindi kita nanay. Hindi na kita ituturing na nanay! BAKIT!? KASI SINIRA MO ANG BUHAY KO!" Sigaw ko at hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod sa harapan ko.

"Patawarin mo ako Deyline... Please... Patawarin mo ako anak..."

Sinampal ko siya.

"Hindi mo na ako anak."

Umalis na ako sa harapan niya at nag paalam na sa parents ni Diane.

Kinuha ko ang picture ni papa at pumasok na sa kotse ko.

Iniwan ko ang babaeng iyon naka luhod at nakayuko sa damuhan. Kulang pa yan.

Kulang na kulang...

.
.
.

God... Napanaginipan ko nanaman ang nangyari last year. Muhkang nakatulog ako habang nag tatrabaho.

Pero naramdaman ko na may kumot na pala sa balikat ko. Inamoy ko ang pabango at tinapon ito sa basurahan.

Pag mamayari yan ng mamamatay tao.

Nangyari ang bombahan sa barko noong kasal ng nanay ko. Hindi ako pumunta doon dahil ininvite ako.

Pumunta ako doon dahil alam kong may masamang gagawin si papa.

Mag papakamatay siya.

Ako lang sana ang mag isang pupunta doon sa barko. Pero sinundan ako ng mga kaibigan ko.

Hanggang sa may bomba palang dala si papa.

At niligtas kani ni Diane. Tinulak niya kami sa tubig para hindi kami matamaan ng bomba.

At hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil nangyari iyon kay Diane.

Lalong lalo na ang nag luwal saakin sa mundong ito.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterWhere stories live. Discover now