CHAPTER 7: Lola

649 16 0
                                    

11:59 pm.

3...

2...

1...

"Happy birthday Lola." Inilagay ko ang paboritong bulaklak ni lola. Tulips." Umupo ako sa tabi ni lola at pinag masdan ang mga bituin.

"Tama ba ang ginagawa ko lola?" Tanong ko. "Hindi naman ako gumaganti sa mga ginawa saakin ni mama dati. Dahil kahit papaano. Nanay ko parin siya. Siya ang nag dala saakin ng siyam na buwan sa tiyan, nag luwal at nag alaga." Tuminggin ako sa puntod ni lola. "Para naman ito sa sarili ko." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Tumayo na ako.

"Sorry lola hah. Saglit lang ako dito nakadalaw. Pero ang mahalaga ako ang unang una pumunta dito." Ngumiti ako. "Happy birthday lola. Gabayan niyo po ako lola. I love you so much lola."

Hinalikan ko ang puntod ni lola bilang pag galang.

Nag bow na ako kay lola at bumalik na sa kotse ko.

Nag palit na agad ako ng pang tulog pag kadating ko palang ng bahay.

Dahil sobrang antok na talaga ako.

Deyline...

"Ano satinggin mo ang mangyayari sa apo ko?" Tanong ng matandang babae sa manghuhula. "Hmm..." Ipinikit ng babaeng mang huhula ang kaniyang mata.

"Magandang trabaho. Mayaman. Masa-" Napatigil ang manghuhula at napakunot ng noo.

"Madilim... Pag ibig... Hmm... Ang pag ibig ng apo mo... Madilim. Delekado." Napamulat ang babaeng manghuhula at napatinggin sa matandang babae.

"Sabihin na natin na hindi medyo swerte sa pag ibig ang apo ninyo."

"Sisiraan. Iiyakan. Hmm... Nakikita ko dito, pag aagawan." Nanlaki ang mga mata ng matangdang babae. "Pag aagawan? Nako po... Namana talaga ng apo ko ang kagandahan ng lola niya." Sabi ng matandang babae. "Ano pa?" Tanong ng matandang babae sa manghuhula. "Ang masasabi ko lang ay. Mag ingat ang apo ninyo sa napapaligiran niya. Hindi lahat ng gagawin niya ay tama, hindi lahat ng disesiyon niya ay tama, at lalong lalo na...

Wag na wag siyang mag titiwala. Lalong lalo na kung mahal na mahal pa niya yung tao..."

Minulat ko ang nga mata ko...

Panaginip ba iyon?

Bakit parang sobrang totoo?

Teka...

Nakainom ba ako ng gamot ko?

Chineck ko ang lalagyan ko ng mga gamot na naka arrange na at may bawas na isa sa box.

Napahawak ako sa dibdib. Si lola yun ah. Ano kaya ang gusto niyang sabihin saakin?

Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Mrs. Flecarso

Sinagot ko naman ito.

"What?" Tanong ko. "Good morning anak. Gusto mo bang sumama saamin ng kapatid mo at tito mo sa puntod ng lola mo? Doon din kami mag ce-celebrate anak..." Imbita niya saakin. "Nakapunta na ako sa puntod ni lola. 11:59 pm palang nasa puntod na ako ni lola." Sabi ko. "Ayaw mo bang mag celebrate dito sa puntod ni lola mo? Mayroon akong niluto na mga paborito mong mga ulam anak..." Sabi niya. "Mag ce-celebrate ako. Pero ayuko ng may kasama. Lalong lalo ka na." Sabi ko naman at tumayo mula sa kama ko. "U-uhm, ganon ba? Pero malulungkot ang lola mo." Naparoll eyes ako sa mga sinabi niya. "Matagal ng malungkot ang lola ko. Baka nakakalimutan mo. Namatay si lola ng wala ka sa tabi namin. Ipapatanda ko lang sayo Mrs. Flecarso. Wag mo na akong kamustahin, imbitahin, o kung ano man. Nakakagawa na ako ng sarili kong pera. Napapakain ko na sarili ko. Nakatira na ako sa sarili kong bahay. At lalong lalo na, masaya na ako. Sisirain mo nanaman ba lahat ng pinag hirapan ko?" Wala siyang nasabi.

"Gawin mo nalang yung dati mong ginagawa saakin. Iwanan, walang pakialam at itaboy. Kaya mo naman gawin yan diba? Kasi nagawa mo na yan saaming tatlo. Kina papa, lola at ako. Kaya kung ayaw mo masaktan dahil saakin. Wag mo ng pakialaman yung buhay ko. Wala ka namang pakialam dati ah. And now you're acting like you care? Gosh..." Napatawa ako. "Nakakatawa ka Mrs. Flecarso." Sabi ko.

"Anak kita Theora. Niluwal kita! Bakit ba hindi mo ako matanggap tanggap?" Sabi niya at napangisi ako. "Theora? Kamag anak ba kita para tawagin mo akong Theora?" Natahimik siya. "Matagal na akong iniwan ng nanay ko. Niluwal? Niluwal nga ako pero nagkaroon ng kabit ang nanay ko, at iniwan kami nina papa at lola dahil lang sa kabit niya." Napatawa ako. "Wag ka nga mag joke Mrs. Felcarso! Grabe ka naman Mrs. Flecarso! Kanina mo pa ako napapatawa! HAHA!" Wala parin siyang imik. "Mas mabuti kung wag ka na pumunta sa puntod ng lola ko Mrs. Fecarso. Dahil baka mamulto ka pa. Dahil ang mga mamamatay taong katulad mo ay ayaw ni lola. Tandaan mo yan."

Binaba ko na ang tawag at pinatay ang cellphone ko.

Dahil alam kong tatawag pa ulit ng ilang beses ang babaeng iyon.

Inialis ko nalang sa isipan ko ang mga nangyari at dumeretso na sa cr para maligo.

Dahil may trabaho pa ako.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin