CHAPTER 10: Bicol

399 8 0
                                    

"Deyline." Inalog alog ako ng katabi ko. "Oh?" Sabi ko na naka-pikit pa ang mga mata ko. "Nandito na tayo." Minulat ko na ang mga mata ko at inayos ko na ang sarili ko. Pati ang mga gamit ko.

"Ako na." Ano daw? "Ang alin?" Tanong ko sakaniya. "Yung backpack mo. Baka mabigat." Sabi ni Verlo. "Hindi. Ok lang." Sabi ko at deretso nalang nag lakad. "Sure ka?" Tanong niya ulit saakin. "Oo nga." Sagot ko ulit. "Sure na sure?" Amp. "Oo nga! Pwede ba! Mag lakad ka nalang! Ang ingay mo punyeta!!!" Sabi ko at binilisan nalang ang lakad ko.

"Theora!!"

"Tita!" Hinug ko ang nanay ni Kaliel. "Kamusta ka na? Jusko! Hindi ka parin talaga tumataba!" Hinawakan ni tita ang mga braso ko. "Dito ka nalang kasi tumira! Hindi ka masiyadong naaalagaan doon sa maynila." Sabi ni tita. "Nandoon po yung trabaho ko eh. Kailangan ko po mag trabaho." Sabi ko kay tita. "Aysus! Pwede ka naman mag trabaho dito. At tsaka sigurado akong nami-miss mo na ang mga luto ko!" Ngumiti ako. "Siyempre naman po!" Ngumiti naman si tita. "Oh siya siya! Tawagin mo na yung mga staff's mo at kumain na muna kayo bago kayo pumunta sa mga pag tutulugan niyo." Sabi ni tita. "Teka. Sino itong poging lalaki na kasama mo? Matangkad pa ah. Ganda ng lahi mo dear!" Tinutukoy niya ba si Verlo? "Ito po?" Tinuro ko si Verlo. "Oo! Sino pa bang pogi ang nandito?" Sabi ni tita.

"Ako! Pogi din ako noh!" Sumingit naman si Kaliel. "Kamuhka mo ang tatay mo kaya panget ka." Pinalo ni tita si Kaliel sa balikat. "Aray naman ma! Anak mo ko ma! Huhuhu!" Sabi naman ni Kaliel. "Oo nga anak kita. Pero hindi mo nakuha kagandahan ng nanay mo ano! Sa tatay mo ikaw nag mana! Tsk!" Sabi naman ni tita. "Ano nga ang pangalan mo dear?" Tanong ni Verlo kay tita. "Verlo Gold po." Sagot ni Verlo at nakipag handshake si Verlo kay tita. "Ay, grabe ka naman dear. Hug nalang, wag na handshake. Dito sa probinsiya, lahat mag kakakilala. Walang problema, at mag sasaya ka lang. Yun lang. Tawagin mo akong tiya Halen. Ito naman ang anak kong si Kaliel. Nag iisa kong anak." Iniabot ni Verlo ang kamay niya kay Kaliel para makipag handshake pero tininggnan lang ito ni Kaliel. "Pamilyar ka ah..." Napatinggin kaming dalawa ni Verlo kay Kaliel. "Pamilay yung pangalan mo." Tuminggin si Kaliel kay Verlo. Halos mag ka pantay lang sila ng height.

"Ah! Baka naririnig mo sa mga tv ang pangalan ni Verlo, anak." Sabi ni tita. "Artista ka ba anak?" Tanong ni tita kay Verlo. "Ay, hindi po tita." Sagot ni Verlo. "Isa lang po akong Ceo tita." Sabi ni Verlo. "Sabi na eh." Napatinggin kami kay Kaliel. "Kilala kita Verlo Gold." Sabi ni Kaliel. "Kailan pa?" Tanong ko kay Kaliel. Ngunit napangiti lang si Kaliel saakin. "Well. Baka nga narinig ko lang yung pangalan niya sa tv. Kumain muna kayo." Sabi ni Kaliel, pero hindi niya sinagot ng maayos yung tanong ko.

Tinawag na ni Kaliel yung mga staff's ko at pinakain na sila.

"Kainlang mga anak! Madami akong niluto para sainyo. Kailangan may laman ang mga tiyan ninyo bago kayo pumunta sa pag tutulugan ninyo." Nag sihiyawan ang mga staff's ko.

Lumapit naman saakin si Kaliel.

"Hoy Theora. Paano mo nakilala yang Verlo nayan?" Tanong saakin ni Kaliel. "Pinakilala saakin ni Jewel. Gusto daw akong tulungan para sa company ko." Sagot ko. "Sigurado ka ba?" Tanong niya ulit. "Hindi pa masiyado. Alam mo naman ako, praning." Sagot ko. "Bakit nga pala?" Tanong ko naman. "Eh kasi... Hindi medyo maganda yung pakiramdam ko para sa Verlo nayan." Tuminggin ako kay Verlo na kausap niya si tita Halen. "Bakit?" Tanong ko kay Kaliel. "May... May alam ka ba sa lalaking yan na hindi ko alam?" Tanong ko sakaniya. "Wala naman masiyado. Pero pamilyar nga yung pangalan niya saakin." Sabi niya. "Saan? Eh hindi ka naman nanonood ng tv." Napatinggin siya saakin at napakamot ng lieg. "Oo nga ano. Hehe... Siguro sa Facebook." Sagot niya. "Hindi ka din nag f-facebook. 3 thousand na nga yung friend request mo last year. Ano na ngayon. Patinggin nga." Kinuha ko ang cellphone niya. "Tinggnan mo. Mag 6 thousand na yung friend request mo! Panget panget mo naman!" Kinurot ko si Kaliel. "Aray! Pogi nga ako! Pogi! Pogi! Pogiiiiii!!!"

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterWhere stories live. Discover now