CHAPTER 23: Is this the end?

482 10 0
                                    

Verlo Gold POV

1 am na. Bumaba na ako dahil nasa labas na daw si tita Ellise.

"Tita." Tinanguan niya ako. "Nakapag pahinga ka ba ng maayos?" Tanong nito saakin. "Oo tita." Sumagot ako. "Good. So etoh ang plano ko." Kinuha ko ang folder na ibinigay saakin. "Tandaan mo. Nasa likod mo lang kami. Sa oras na may narinig kaming pumutok na baril. Hindi kami mag dadalawang isip na pumasok sa building na iyon." Tumango ako.

"Importate talaga sayo ang babaeng ito, ano?" Sabi nito saakin. "Oo tita. Importanteng-importante saakin ang babaeng iyon." Sabi ko. "Kahit na, mamatay ka?" Napatinggin ako kay tita. "Oo. Kahit na mamatay ako." Sabi ko at ibinalik ko ang mga mata ko sa folder na ibinigay saakin.

"Mamayang 2 am. Aalis na tayo. Sa ngayon. Mag hahanda muna tayo bago umalis. Hanggang sa handa ka na pati ang mga kaibigan ni Deyline." Tumango ako. "Ang mga kaibigan ni Deyline ay nasa kotse lang kasama namin." Tumayo ito at kinuha ang dala-dala niyang black na bag. "Ito. Pag ka-baba ng mga kaibigan ni Deyline ipamigay mo ito. Isa-isa sila." Inopen ko ang black na bag at mayroon itong mga location trackers.

"Uh, good morning?" Tuminggin kami sa taong nag salita at nakita namin ang mga kaibigan ni Deyline. "May problema ba?" Tanong ni Jewel. Lumapit sila saamin at tininggnan ang black na malaking bag. "Ano laman niyan? Granada?" Tanong ni Sophia. "Hindi iha. Location trackers ang laman ng bag na iyan." Tumango sila. "Ito. Idikit niyo ito sa mga damit ninyo." May ibinigay saamin na maliit na black na chip. "Iyan ang tracker. Para pag mawala man kayo. Mahahanap namin agad kayo." Sabi ni tita. "Kapag nakarating ka na sa loob ng building. Iche-check ka nila kung mayroon ka bang dalang kahit anong armas o baril." Sabi ni tita. "Panigurado akong marami-rami ang mga tauhan ni Hailey. Kaya susundan ka ng dalawa kong tauhan. Mag tatago sila sa dilim. Pero kitang kita ka nila, kaya wag kang mag alala." Tumango ako.

"Ito. Suotin mo ito Verlo. Bulletproof ang jacket na iyan. At itong tshirt na ito. Pag pina-tanggal ka ng jacket mayroon ka paring bulletproof vest sa loob ng tshirt mo. Hindi ito halata kaya wag kang mag alala na mahahalata yan ni Hailey." Sabi ni tita. "Malayo po ba ang location nila Deyline?" Tanong ni Keziah. "Oo iha. Mga 3 am tayo makakarating sa lugar na iyon. Nasa Maynila tayo habang sila ay nasa Bulacan." Sabi tita. "O. Tara na. 2 am na. Kailangan nating makarating doon ng 3 am. Para madilim pa." Tumango kaming lahat at sinuot ko na ang ibinigay saakin na damit.

__

Nakasakay na kami sa kotse.

"Wag kang masiyadong mag isip ng kung ano-ano." Sabi saakin ni tita. "Isipin mo lang na maililigtas natin si Deyline at walang masasaktan." Sabi ni tita.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"BOBO KA BA!? BAKIT HINDI MO SINABI NA KINUHA NG KABIT MO SI DEYLINE!?!? MUNTIK NA AKONG MAHIMATAY DITO VERLO!!!" Ah. Si Kiel. Nakalimutan kong isa ka pala sa parte ng buhay ni Deyline. "Nakalimutan ko lang." Sabi ko. "NAKALIMUTAN!? KAIBIGAN AKO NI DEYLINE!! NAKALIMUTAN MO!?! ILANG BESES MO NA AKONG NAKITA TAPOS NAKALIMUTAN!?!?" Ugh. Sakit sa tenga. "Pwede ba. Kumalma ka muna. Papunta na kami sa Bulacan. Ibabalik ko ng buhay si Deyline sa Maynila." Sabi ko. "SIGURADUHIN MO LANG!! KUNG HINDI AKO PUPUTOL NG BUHAY MO!!!" Binaba niya agad ang tawag.

Napahawak nalang ako sa ulo ko at napapikit.

Siguraduhin mo lang Hailey na wala akong makikitang galos sa buong katawan ni Deyline.

"Verlo. Lumipat ka na ng kotse. Ayun na ang building." Itinuro saakin ni tita ang abandonadong building. Tumango nalang ako at lumipat ng kotse.

Pinaandar ko na ang kotse na ibinigay saakin at pumunta na sa tapat ng building.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin