Chapter 15

200K 11.3K 5.9K
                                    

I MISSED YOU.


Muntik ko nang mabitiwan ang pitsel ng tubig na hawak-hawak ko sa kaliwang kamay nang may tumapik sa aking balikat. Nilingon ko kung sino at sumalubong sa akin ang nakakunot noong si Tatay Bear. "'Anyare sa 'yo, Susana? Kahapon ka pa balisa."


"Po? Wala po," mabilis na tanggi ko.


"Kanina ka pa kaya riyan natutulala. Anong oras na, hindi ka pa naalis. Malilate ka na sa eskwela mo." Sinilip niya pa ang mukha ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo, ha? Ano? In love ka ba?"


Nanlaki ang mga mata ko. "Tatay Bear!"


"Wag mo akong matatay-tatay bear diyan." Iika-ika siyang humila ng upuan sa kalapit na mesa at marahang inupo roon ang sarili. Isinandal niya ang saklay niya sa kanyang tabi. "Ano? Sino kina Hugo at iyong si Totoy?"


"'Tay Bear, bakit naman Totoy?!" Nagkamot ako ng ulo. "Saka bakit nasama si Hugo? Hinding-hindi ko magugustuhan iyon. Siraulo po iyon!"


"Kung gayon ay si Totoy ang gusto mo?"


"Naman, Tatay Bear!" maktol ko. Huling-huli ako at ayokong magsinungaling sa kanya.


Hay, bakit ba kasi natutulala kapag in love? I mean, 'pag may crush?


Inaamin kong crush ko si Arkanghel. He's also special to me. Kumakabog ang dibdib ko kapag kasama at nakikita ko siya saka naiisip ko siya bago ako matulog at tuwing magigising ako sa umaga. At my age, it can be infatuation. Possible rin na mas mabigat pa roon. But it's too early to say that this is love.


"Ayusin mo lang. Tatandaan mo sana na sa edad mong 'yan, wala pang permanente. Masyado pang maaga para magmadali sa mga ganyang bagay."


Napaisip naman ako sa mga salitang binitiwan ni Tatay Bear. Alam ko na kapakanan ko lang ang inaalala niya at natatakot lang siya na sa huli ay masaktan ako.


Pero hindi naman siguro ako masasaktan ni Arkanghel lalo na kung makakaya kong lagyan ng limitasyon ang sarili ko. I think mas makakabuti na habang hindi pa malalim ang nararamdaman ko para sa kanya ay dumistansya na muna ako. Hanggang VBF lang. Hanggang VBF lang dahil hanggang doon lang rin naman talaga kami.


Humalik na ako sa pisngi ni Tatay Bear saka nagmamadaling lumabas na ng bahay. Nagbeep ang phone ko nang nakasakay na ako sa tricycle.


Hugo Emmanuel:
Hoy, raketerang mataba.


I ignored him. Bahala siya sa buhay niyang bully siya. Kagabi pa siya panay text diyan kaya nai-saved ko na ang number niya. Hindi ko alam kung bakit may number ko na siya, siguro hiningi niya kay Carlyn.


Hugo Emmanuel:
Break na kami ni Shiela. Nagselos siya sa 'yo. Kasalanan mo kaya single na naman ako.


Paki ko? Busy ako.


Habang nasa tricycle ay itinext ko na ang mama ng classmate kong si Elvy Ruiz. Naghahanap pa kasi ako ng pwede pang hanguan ng kahit anong pwedeng itinda.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon