Chapter 13:

229 21 8
                                    


Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana.

Dahil sa dami nang iniisip ko kagabi ni hindi ko manlang namalayang nakatulog na pala ako.

Cassie ang aga-aga nilulunod mo nanaman yang sarili mo sa pag-iisip kaya kahit wala akong ganang tumayo ay napilitan nakong bumangon kaysa malate pa sa klase ko.

After 1 hour....

Tok! Tok! Tok!

"Pasok po."

"Akala ko natutulog ka pa eh, Okay ka naba?" Tanong ni Nay Belen.

"Opo Nay, Sila mommy?" Tanong ko.

"Umalis na ang mommy mo at ang ate mo nag-aalmusal pa lang." sagot nito sakin.

"Nay, Baka kay daddy muna ako umuwi mamaya?"

Tumango lang siya saka lumabas na nang kwarto ko.

Beep!

Drei:
Love, Medyo malapit nako sa bahay niyo.

Wag ka nang pumasok sa loob nang bahay. Pababa nadin ako.

Habang nasa hagdanan ako nang biglang tumawag sa cellphone ko si Drei.

[Love, Nandito nako sa tapat niyo?]

"Wait lang, ha? Magpapaalam lang ako kay Nay belen," wika ko saka pinutol ang linya.

Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko na agad si ate Candice na kumakain habang kinakausap ni Nay Belen.

"Nay alis na po ako," paalam ko.

"wait lang iha, Nasa cr pa si rene."

Tumingin muna ako kay ate bago sumagot, "Wag na po nay, Sinundo po kasi ako ni Sandrei,"

"Osige mag-ingat ka anak,"

Ngumiti nalang ako sa kanila pero ramdam ko parin yung masamang titig ni ate sakin.

Nang nasa garahe nako nang marinig kong tinatawag ako ni ate kaya napahinto ako at pinikit ko muna yung mata ko bago lumingon.

Tinignan niya ko mula ulo hangang paa bago nagsalita. "Talagang ginawa mong driver si Sandrei, ha?"

"Ate hindi ka ba napapagod? Paulit ulit nalang tayo eh." buntong-hininga ko saka tumingin sa kanya.

"Si Tay Rene ang driver natin Cassie kaya mahiya ka kay Sandrei." Sigaw nito sakin.

"Ate si Sandrei ang may gusto na sunduin ako at uulitin ko uli hindi ko hawak ang desisyon ni Sandrei kung anong gusto niyang gawin,"

"Feeling mo talaga 'no?" wika nito.

"Ate aalis na po ako," buntong-hininga ko saka tumalikod sa kanya palabas ng bahay pero bago pa ako makalabas ay narinig kong sumigaw siya.

"Stay away from him Cassie! I'm telling you dahil hindi ko hahayaang mapunta sayo si Sandrei. He is mine!" sigaw niya.

Paglabas ko ay naabutan ko si Drei na nakasandal sa sasakyan pero nakakunot ang noo kaya nginitian ko nalang siya.

Love Series 1: The Selfless LoveWhere stories live. Discover now