Chapter 34

143 7 5
                                    


Pagpasok ko sa kusina ay naabutan kong kumakain na sila Daddy.

"Nanjan po ba ang driver Dad?" tanong ko habang nagsasandok ng pagkain.

"Hindi kaba susunduin ni Drei? Ihatid nalang kita princess?"

"Hindi ka po ba malalate Daddy?"

"Princess your my top priority," pambobola sakin ni Daddy.

"Si Dad binobola ako,"

"Nagsasabi kaya ako ng totoo," natatawang wika nito.

Ngumiti nalang ako saka nag-focus sa pagkain habang si Mommy naman ay may kausap sa cellphone about sa shop namin.

"Kunin ko lang po yung gamit ko Dad." Naglakad na ako paakyat ng hagdanan after kong magsalita.

Tumutunog ang phone ko nang pumasok ako ng kwarto pero namatay naman nung sasagutin kona kaya hinayaan ko nalang saka bumaba na. Paglabas ko sa garahe ay naabutan ko si Dad na nagpapaalam kay Alvin at Mommy Ria.

"Bye Alvin, Mom." Kumakaway pa ako habang nakasakay sa passenger seat.

"Gusto mo na ba talagang pumasok princess?" tanong ni Dad.

"Opo Dad. If you're worried about the video Dad, You don't have too. Lilipas din yun,"

"Nag-aalala lang ako para sayo lalo na't hindi pa natin nalalaman kung sino yung may gawa,"

Nag-kibit balikat nalang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Hangang maari kasi gusto ko nalang kalimutan yung nangyare at kung ako lang masusunod ay ipapatigil kona yung paghahanap sa ng-sabotahe.

Huminto ang sasakyan ni Dad sa harap ng university.

"Thank you sa paghatid Dad." Halik ko sa pisngi bago bumaba sa sasakyan.

Malapit na ako sa gate ay sumalubong na sakin ang kaibigan ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Beb alam mo ba pinag-uusapan nila yung video pero hula nila may nag-sabotahe sayo," pagkwekwento ni Tiffany.

Nag-kibit balikat nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Lahat ng estudyante ay napapalingon sakin o kaya naman pinag-uusapan yung nangyare.

Nasa quadrangle na kami nung marinig ko yung boses ni Ate Candice na kausap ang mga kaibigan niya.

"Sinasabi mo ba Candice na ikaw ang may pakana ng ipis sa grand opening ng shop ng kapatid mo?" tanong nung isang alalay niya.

"Oo may binayaran akong lalaki para pumasok sa cheap na shop na yun para magkalat ng ipis at may isang babae na vivideohan ang nangyayare," natatawang kwento ni Ate.

Dahil nakatalikod sila sa pwesto namin ay hindi niya namalayan na may nakikinig na sa kanila.

"Hindi ka ba naawa sa kapatid mo? Candice your so evil! Pinaghirapan yun ng kapatid mo," maarteng komento ng isa niyang kasama.

"She deserves that! So, Why would I pity her?" ani Ate Candice.

Hindi ko akalain na magagawa sakin ni Ate yun. Pilit ko pang sinasabi sa sarili ko na hindi niya yun magagawa pero totoo pala ang kutob ko.

"I deserve that? Do you really think I deserve that Ate?" panghihimasok ko sa usapan nila.

"Wala ka bang manners? Hindi mo ba alam yung kasabihang bawal makinig o makisawsaw sa usapan ng iba?" mataray niyang wika.

"So, yung text mo sakin na regalo ay yung ipis? At plinano mo talagang gawing disaster ang grand opening ko,"

"Bakit Cassandra hindi mo ba nagustuhan ang warm welcome ko sa shop mo?"

Love Series 1: The Selfless LoveWhere stories live. Discover now