Chapter 19

203 15 8
                                    


Naisipan kong mag-suot nalang nang dress na off-shoulder na kulay white saka nag-dollshoes.

Habang pababa ako ay nakita kona si Sandrei kausap si Nanay Belen at Tatay Rene.

"Nay, Tay.. Pasok na kami," paalam ko saka humalik sa pisngi nila.

"Mag-ingat kayo, ah?" paalala nito samin.

Paglabas namin saka palang nagsalita si Sandrei habang hawak ako sa bewang.

"Ganda natin love," kantyaw niya sakin saka pinagbuksan nang pinto.

"Bolero!"

Tinawanan niya lang ako saka pumasok narin nang sasakyan.

Habang nag-mamaneho si Drei ay nararamdaman ko yung pagsulyap-sulyap niya sakin.

"Drei, may gusto kabang sabihin?" tanong ko.

"Uhm... Tanong ko lang kung gusto mong manuod nang practice game namin?"

"Sure!" wika ko.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito sakin.

Tinawanan ko siya saka tumango at nakita kong mas lumaki pa ang ngiti niya sa mga labi niya.

Nag-sscroll lang ako sa social media habang nasa byahe at hindi naman ganon katrapik kaya nakarating kami sa school agad.

Pagpasok na pagpasok namin ay naabutan namin ang barkada na nasa quadrangle.

"Why are you still here?"

"Walang professor," wika ni Tiffany.

"kayo?" tanong ko kay ryle.

"Absent ang prof," sagot nila.

"Sayang pala ang punta namin dito," tugon ko. "Hindi pala kasi may pracrice game kayo mamaya,"

Nakahawak lang sa bewang ko si Drei habang nakikipag-kwentuhan kay Ulysses.

"Bro, Nababaliw kanaba?" hiyaw ni Ryle kay Drei habang hawak ang cellphone.

"Ginagago mo ba ako?" balik na tanong ni Drei pero sinamaan ko siya nang tingin. "Bakit ba?"

"Bakit si Candice ang Date mo sa Gradball?" sabay tingin sakin. "Hindi ba dapat si Cassie?" dagdag pa ni Ryle.

"What? I didn't asked her to be my date," depensa nito tapos hinigpitan yung hawak sa bewang ko.

Bumuntong-hininga ako saka inaya na silang pumasok.

"Sa gym nalang tayo," sabi ni Ina.

Naglakad na kami papunta sa gym at rinig na rinig ko yung bulungan nang mga estudyante tungkol kay ate at Sandrei.

Pagdating namin doon ay nagsalita na agad si Sandrei habang hawak ang kamay ko.

"love believe me, I didn't invite your sister to be my date." Habang hinahaplos ang mga kamay ko.

"Bro, Medyo naniniwala yung iba na date mo nga siya kasi may pinakalat siyang screenshot na chat mo." Pagkatapos pinakita niya yung nasa cellphone niya.

"Fuck!" pagmumura nito saka kinuha yung cellphone niya. "Poser yan, Hindi ko facebook yan!"

"Hayaan mona atleast alam natin ang totoo,"

Sasagot na sana siya sakin nang biglang lumapit si ate sa kanya saka yinakap sa harapan ko.

"Thank you Sandrei, ha? Thank you for asking me to be your date," wika nito habang nakangiti.

Tinanggal nito ang kamay ni Ate sa braso saka umigting ang kanyang panga.

"Alam mo Candice hindi ko alam na ganyan ka kadesperada, Talagang gagawa ka pa nang poser account para lang may magpanggap na nag-chachat ako sayo,"

Love Series 1: The Selfless LoveWhere stories live. Discover now