Chapter 42

152 6 2
                                    


"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Gusto lang kitang makausap Cassandra," mahinahong wika niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata saka napairap sa kawalan.

"Ace wala na tayong pag-uusapan," naiinis kong wika bigla namang may humawak sa baywang ko. Pagtingin ko ay si Drei na ang sama ng tingin kay Ace.

"Please mag-usap tayong dalawa lang," pagmamakaawa niya.

Pumikit ako ng mariin bago nilingon ang magulang ko.

"Uhm... Mauna na po kayo sa loob."Lumingon naman ako kay Drei. "Sa loob mo nalang ako antayin love,"

Bigla naman siyang napalingon ng marinig niya ang sinabi ko sa kanya.

"What!? Mag-uusap kayo na kayong dalawa lang? No way!" nakasimangot na wika.

"Drei please. Susunod ako sayo," ani ko.

"Love pwede naman kayong mag-usap ng nandito ako ah?" Tinignan ko lang siya kaya sa huli ay napapayag ko din siya.

Nagdadabog siyang pumasok sa bahay namin. Binangga niya pa ang balikat ni Ace pero inilingan ko nalang ito.

"Diba sinabi ko sayong wala na tayong pag-uusapan? Sa ginagawa mo binibigyan mo nanaman kaming dalawa ni Drei na mag-away," naiinis kong wika sa kanya.

"Gusto lang kitang makausap Cassie,"

"Talk about what!? Nilinaw ko na sayo ng paulit ulit na wala na tayong pag-uusapan,"

"About us! Hindi ba natin pwedeng pag-usapan yung sating dalawa?" aniya.

Bumuntong hininga muna ako saka naiinis na hinarap siya. "Us? Ace walang tayo at walang naging tayo. Oo may mutual feelings tayo but that was 7 years ago and I already moved on! Ilang beses ko bang dapat ulitin sayo yan ha!?"

"Mahal padin kita! Siguro nga tama yung first love never dies kasi hangang ngayon ikaw padin, Ikaw padin ang mahal ko!" hiyaw niya sakin.

"I love my boyfriend Ace. I don't want to hurt you because you don't deserve it but you have to know the truth that Sandrei is the one I love already." Naglakad na ako papasok ng hinawakan niya ang braso ko.

"Bigyan mo naman ako ng pag-asa oh? Please Cassie!" Sabay yakap niya sakin. Tinulak ko naman siya lalo na't naamoy kong nakainom siya.

"Please stop Ace! Just stop! You are drunk!"

"Maybe I'm drunk but I'm saying the truth! I love you okay! Iniiwasan mo ako kasi nagagalit yung boyfriend mo diba? Wala siyang karapatang kontrolin ka!" naiinis nitong wika.

"Oh, He has the right Ace! He's my boyfriend and he has the right to control me. Nilalayuan kita hindi lang dahil kay Drei. Nilalayuan kita kasi ayoko ng gulo dahil si Sandrei ang boyfriend ko at ang mahal ko,"

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Tinignan ko ulit siya na puno ng sakit at pagmamakaawa sakin. Ayokong nakikita ko siyang ganito dahil kahit papano naman may pinagsamahan naman kami pero hindi rin tamang ipilit niya ang sarili niya sa taong ayaw na sa kanya.

Hinawakan ko siya sa pisngi saka nagsalita. "You really have to move on Ace. Hindi ako yung babaeng para sayo,"

Tumalikod na ako sa kanya pero hinatak niya naman ako pabalik para mayakap niya ako. Panay tulak ko sa kanya pero hindi niya ako binibitawan.

"Ace ano ba! Let me go!" sigaw ko sa kanya nang biglang may humila sa kanya saka siya pinagsususuntok.
"Omg! Drei stop it! Drei!"

Kahit anong pigil ko kay Drei ay ayaw niya paring tumigil kaya wala akong choice kundi tawagin sila Daddy para pumigil.

Love Series 1: The Selfless LoveWhere stories live. Discover now