Kabanata 1

117 6 0
                                    

Eyes

The sun flared at the midday sky. Sobrang init ng panahon ngayon dahilan ng bayolenteng pagpaypay ni Layladrea sa kulay pink niyang pamaypay.

"Kailan ba matatapos 'tong PTA niyo?" Tamad na tanong sa akin ni Adrea.

Hinilig niya ang kaniyang ulo sa dulo ng upuan. I chuckled.

"Hanggang eleven thirty lang kami."

Nakaupo kami sa likod ng auditorium ng aking school. Mayroon kaming Parent Child Encounter ngayon. Wala si Mommy at Daddy dahil busy sila sa trabaho. Si Ate Aury naman ay nasa Maynila at kolehiyo na ito. Kuya Asher is with his basketball team. May training daw sila kaya pass daw muna.

Adrea is the only person left available kaya heto siya ngayon at inaantok na sa aming seminar.

"May merienda ba?" Matamlay siyang bumaling sa akin.

I smiled at her. "Oo. Isang speaker na lang tapos kainan na."

"Mabuti naman. Ano bang pagkain?"

"Jollibee raw."

Kita kong umawang ang labi niya at namilog ang mata nito, shocked with the news I imparted to her.

"Seryoso ba?" She excitingly whispered to me.

I nod mockingly. "Pagkain lang naman habol mo."

"S'yempre. Nakakatamad naman kasi itong PTA n'yo."

Layladrea Valenzuela Calipayan is my half-sister. We share the same age and father. Nga lang, mas matanda ako sa kaniya ng limang buwan.

I am currently a grade ten student. Wala namang ganap sa buhay ko. My life mainly revolves in school, books, foods, and movies. My typical hobbies. Nothing special with my life.

Fifteen years of existence, yet my life is just painted the same. No abstract or what. It's just a plain monochrome art.

"Anong assignment sa TLE?" Bumaling naman ako sa katabi ko sa kaliwa. Lala is playing with the tip of her hair, brushing it against her cheeks.

"Would you stop doing that?" I lightly tap on her shoulder. "Baka magka pimple ka sa ginagawa mo."

She dramatically rolled her eyes at me. Binaba niya ang kaniyang buhok at inayos ang kaniyang pagkakaupo.

"Ano nga yung assignment sa TLE?"

"Gagawin lang yung circuit na ibibigay ni Sir. 'Di ko alam kung anong circuit 'yon." I smiled at Lala, who's already bored like my sister.

Ako lang ata ang nakikinig sa buong seminar. Cha is busy fumbling something on her phone. Andrea, on the other hand, is busy texting someone. Ang magulang nilang tatlo ay nakaupo sa harap, probably listening.

Nakakaawa naman kasi iyong speaker. Halos lahat ng tao hindi nakikinig. Lalo na ang mga ka batchmate ko. Siguro kung i-engage kami ng speaker sa isang masayang activity para naman mabuhayan ng kaunti.

Natapos ang seminar namin na tuwang tuwa sa libreng pakain ng school namin. Though I know na binayaran namin ang pagkain namin ngayon pero kakaiba pa rin sa pakiramdam kapag binibigay sa'yo.

"Nood naman tayong sine." Aya sa akin ni Adrea.

Nasa tapat kami ng itim na ford everest na pagmamay-ari namin. Naghihintay na sa amin si Kuya Rommel, ang driver namin. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin mula sa aircon.

Pagkapasok ko, 'tsaka ko palang sinagot si Adrea.

"Hindi ako puwede e. Kailangan kong umuwi ng maaga. Pupunta kami sa Maynila, aattend sa isang debut? I don't know." Nagkibit balikat ako.

Against the TidesWhere stories live. Discover now