Kabanata 4

75 3 0
                                    

Casual

Hindi na ako makatulog dahil ramdam ko ang presensya niya sa likod. Mas lalo lang uminit ang pakiramdam ko dahil sa kaniya.

What is he doing here? May klase pa ah?

"Natutulog po si Miss Calipayan, Sir."

"I'm just checking her condition." His low baritone made me tremble in fear.

Narinig ko ang papalayong yapak ni Miss April. Mas lalo lang akong nanghina dahil siya na lang ang natitira rito sa kwarto.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa likod ko.

Oh my gosh! Naupo na siya!

Naramdaman ko ang init ng kaniyang kamay sa aking noo, pinapakiramdaman ang init ng aking katawan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil nagliliyab na ang tiyan ko sa sobrang takot.

One touch and I am already out of this world. Tinanggal niya ang kamay nito sa aking noo na ikinadismaya ko.

He then started caressing my hair in slow and gentle stroke. Unti-unting kumalma ang sistema ko dahil sa nakakakiliting paghagod niya sa aking buhok.

I felt how he shifted his position.

"Please heal soon." Kumiliti ang mainit niyang hininga sa aking tainga.

I almost jump at his sudden move. Mabuti na lang at hindi ko nagawa 'yon kundi mahihiya ako ng bonggang-bongga!

I heard him chuckled while stroking my hair.

"Are you really sleeping, Aenna?"

Gusto ko na lang takpan ang aking tainga sa kahihiyan. Did he notice that I'm not asleep?! Masyado ba akong magalaw?

I did not respond. Kunyareng tulog.

"Did you already take your medicine?" He casually said like he knows I am listening!

Dahan-dahan kong ginalaw ang ulo ko sa pagtango.

Gosh, Aenna! You just revealed your secret! E'di hindi ka nga tulog.

"Huwag ka na munang magklase. I already talked to your friends to teach you all of your missed classes."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

"Or do you want me to teach you?" He said in a teasing manner.

Mas lalo lang akong kinabahan sa sinabi niya. I'll choose the first one, of course! Baka hindi ko kayaning magpaturo sa kaniya. And what the heck is he doing with me?!

Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas na harapin siya. Nang imulat ko ang aking mata, nakita ko ang ngisi sa kaniyang labi. Nakataas ang kilay niya na para bang natutuwa sa bigla kong pagharap.

Umiling ako sa kaniya bilang sagot.

"Pasensya na po sa abala." I said as I diverted my eyes on the white sheet. Hindi ko kayang tumingin sa kaniyang mata. Kapag tumitig pa ako roon, baka hindi ko na ito kayang ibaba.

"I just want to check on my student."

"P-palagi niyo po bang binibista m-mga estudyante n'yo po sa c-clinic?" Napapikit ako sa tanong ko. Anong pinagsasasabi mo, Aenna?

He pursed his lips to stiffle his laughter. "No."

"E bakit niyo po ako dinalaw?" My voice almost faded.

Nagulantang ako sa paglapit ng mukha niya sa mukha ko. My eyes were wide open as he leved his to mine.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaniyang ginawa. Nalunod na yata ang utak ko dahil hindi na ito nagpoproseso.

Against the TidesWhere stories live. Discover now