CHAPTER 15

203 16 1
                                    

Homer's POV

Nagising nalang ako sa malakas na alon at hangin na dulot ng dagat.

Nag inat inat naman ako at sinabayan ang pag dungaw ng araw.

Sana katulad ng dagat na hindi napapagod gumalaw sa realidad kayanin ko din.

Nasapo ko pa ang ulo ko na medyo sumasakit dahil sa alak na ininom ko kagabi

"Sir"
Tawag pa ni Mang Hermes na papalapit sa akin

"Mang Hermes kayo po pala"
naliliyo pa ako ng lumapit ako sa kaniya

"Sir bakit po hindi niyo sinabi na magbabakasyon kayo para naihanda ko ang bahay

"Oo nga biglaan din po kasi"
Kaagad naman niya akong inalalayan papunta sa loob ng bahay

"Nasaan po si Mam bakit parang hindi niyo kasama?"
tanong pa niya na kinamulat ng mata ko

Ewan ko kung magugustuhan pa niya dito

Hay buhay dapat pala hindi nalang muna ako gumising hanggat sa makalimutan yun.

"Mang Hermes penge naman po ng tubig"
Pag iba ko pa sa usapan

"Sige Sir,gayong nandito kayo ipag luluto ko kayo ng masarap na tanghalian pero bago yun umagaham muna"
Masigla pa niyang sabi habang inaabutan ako ng tubig

"Salamat po doon muna po ako sa kwarto at tsaka kung okay lang po pag may naghanap sa akin pasabi walang tao dito"
Pakiusap ko pa na medyo kinataka pa niya

"S-ige po"
Tumalikod na ako at nagpunta na sa kwarto namin ni Belinda

Nagbukas ako ng pinto at sumalubong sa akin ang amoy niya na mahal na mahal ko

Yung amoy niya na kahit kailan ay hindi ako nagsawang amuyin siya

"Love"
mahina ko pang sabi

Napapikit nalang ako ng biglang tumulo ang luha ko

Bakit ka ba ganyan Liandro pwede naman kayong mag usap alam ko na hindi siya ganun.

Pero bakit mas pinili mong talikuran ulit kung ano mang pwede mangyari.

"Bakit ba ganyan ka na naman selp,lagi ka nalang ganyan"

"Takot"
Dikta ko pa sa sarili ko

Ayaw kong mangyari ang nangyari noon pero heto ako iniiwasan ang taong mahal ko!

Natigilan naman ako sa kakaisip ng tumunog ang cellphone ko

100 MISSED CALL- LUCHO
150 MISSED CALL- LOVE
50 MESSAGES - LUCHO
158 MESSAGES- LOVE
50 MESSAGES- VANESSA

Nagulat pa ako ng makita ang laman ng cellphone ko!

Pero kaagad na binato ko ito sa kama at nahiga ako katabi nito.

Wala pa ako sa mood makipag usap siguro dala na din ng kaantukan ko hinayaan ko ang mga luhang lumagpak at mga mata na pumikit para makapag pahinga

Mga kamay na medyo namamaga pa dahil sa pinagsusuntok ko yung pader

PAHINGA AT MALINAW NA ISIPAN ANG KELANGAN KO.

KAILANGAN KO SI LOVE PERO NATATAKOT AKO SA PWEDE NIYANG SABIHIN.....

Lucho's POV

"he's still not answering his phone"
nag aalala ko pang sabi

Nalinawan ako kagabi ng madatnan ko si Belinda and Babi na naghihintay sa akin sa labas ng bahay

UNDYING YOU Where stories live. Discover now