CHAPTER 31

118 15 0
                                    

Selia's POV

Laylay ang balikat ko na naglalakad sa hardin habang nakahawak sa aking tiyan. Kahit kailan hindi ko ginusto na mabuntis at ipanganak siya ng walang ama. Pero ano ba naman ang gagawin ko kung ayaw talaga ni Lexter tanggapin ka.

"Anak sorry ha kasi wala akong magawa para lang makilala mo ang ama mo at kilalanin ka din niya"
Pagkausap ko sa batang nasa sinapupunan ko

Hindi naman kasi siya ganyan noon.

He's very nice and sobrang maalaga noong naging kami kahit na never niya akong pinakilala sa lahat ramdam ko pa din yung pagmamahal niya sa akin.

But things changed talaga noong umalis ako,umalis ako dahil aaminin ko minsan din akong napagod sa kaniya pero siya ang unang bumitaw.

Masakit na ako ang girlfriend niya pero iba ang hinahanap niya pag magkasama kami lagi niyang bukang bibig si Belinda.

Kaya nga nasira na din friendship namin ni Belinda.

I still remember the old days,we are very closed

But never kong sinabi yun kay Lexter dahil alam ko na hindi niya ako titigilan para mapalapit siya kay Belinda

And yun ang masakit at kinakatakot ko,na baka sa huli ako ang maging tulay para maging sila at maagaw niya ito kay Homer

"Ma'am"

Napahid ko ang mga luha na nagsilandas sa aking pisngi ng dumating ang katulong

"Hmmm"
Tipid kon sagot

"Nandiyan na po si Mam Vanessa"
Anito

"Selia"
Tawag pa nito sa akin

Napahagulhol naman ako ng malingon sa kaniya

Hindi ko na din kasi alam at kung sino ang tatakbuhan ko ngayon na naiipit ako!

I have no one to lean on!

Noon meron si Belinda pero nasira na yun e at hindi ko alam kung kaibigan pa ba ang turing niya sa akin dahil lang sa nasabi kong masasakit na salita

"Thank you,hindi ko na kasi alam pa kung sino ang tatakbuhan ko ngayon. Alam mo naman na..."
Naiyak kong sabi habang nakayakap sa kaniya ramdam ko pa ang pag hagod niya sa likod ko na nagpapagaan sa aking nararamdaman

"Nandito naman ako hindi ba"
Pagputol ng boses ng isang babae sa sinasabi ko

Nag angat ako ng tingin sa may pintuan at nakita ko si Belinda na nakatayo doon

Nagtama ang paningin namin at ramdam ko ang pag iintindi sa kaniyang mga mata

"Sumama siya e,nalaman kasi niya na pupunta ako dito"
Paliwanag pa ni Vanessa

"Bel"
Tipid kong sabi ng makalapit siya sa akin

Ngumiti siya at kaagad na niyakap ako

"Alam mo kahit kailan baliw ka talaga,ang tagal tagal na pero hindi mo pa din pala ako napapatawad ha. Ni hindi mo manlang ako tinawagan na nagkakaproblema at hindi umuwi ka na pala tapos malalaman ko kay Nessa pa alam mo yung nakakapag tampo ka Selia"
May inis pa niyang sermon sa akin habang umiiyak

Parang walang nangyaring alitan noon...

Namiss ko siya

Namiss ko ang kaibigan kong ito na kulang nalang talaga ay tawagin kong Mommy sa sobrang daig pa si Mommy minsan mag sermon

UNDYING YOU Where stories live. Discover now