CHAPTER 16

206 16 0
                                    

Vanessa's POV

I'm happy seeing both of them are happy. And honestly I'm glad that Belinda is always there for Homer. Nakakatuwa na nagkakaintindihan sila at kahit na may problema naaayos agad.

Ayoko silang magaya sa nakaraan namin ni Lucho...sumulyap ako sa kaniya na titig na titig sa dalawa.

Ayokong matulad sila sa amin na naging magulo ang relasyon bago napunta sa tahimik na pamumuhay.

"Hindi na siguro tayo kailangan dito"
Natatawa ko pang sabi habang nakatingin sa dalawa na nakalimutan atang nandito kami

Halos hindi na maghiwalay ang mga labi.

Grabe masasabi ko na inlove na inlove sila sa isa't isa,and si Belinda sobrang kilala ko siya and ngayon lang din yan nagmahal ng wagas.

"Mukha nga,so date nalang tayo "
Pag aya pa ni Babi sa akin at inalat ang kamay

"Sure naman basta ikaw kasama ko"
Ani ko at niyakap siya tsaka naglakad papunta sa sasakyan

Iniwan na namin yung dalawa na ninanamnam ang oras nila pareho

Okay din yun para naman magkaroon pa sila ng time mag usap after ng chukchakan hahaha!

Belinda's POV

Para akong nalalasing sa mga galaw ng labi niya.

Nakagat ko ang babang labi niya para putulin ang lumalalim na halikan.

Hindi pa ito ang panahon para ganung bagay ang gusto ko is yung mag usap kami.

"I'm sorry love"
Naiiyak ko pang sabi ng magkahiwalay ang labi namin

Kita ko pa ang pagbagsak ng mga luha niya ng makayakap sa akin

"I'm sorry din love kasi,kasi naging mahina ako na harapin ka. Mas inuna ko yung takot ko. Sorry kasi muntik na akong maging mahina sa relasyon natin"
Nakasubsob pa siya sa leeg ko habang nagsasalita

Marahan kong hinahaplos ang buhok niya habang hinahagod ang likod niya

"Love naman eh,naiintindihan kita kung bakit mo nagawa yun. Sorry kasi nag lihim ako pero sana lagi mong tatandaan na ikaw at ikaw lang ang mahal ko. At kahit ano pa man ang ating pagdaanan isa lang ang ipapangako ko sayo,na hinding hindi kita iiwan kahit pa matakot ka at lumayo,hahawakan kita ng mahigpit basta wag kang bibitaw"
hinawakan ko naman siya sa magkabilang pisngi at doon muli niya akong hinalikan

Para akong alipin niya na nagpapaubaya sa gustuhin niyang gawin.

Binuhat niya ako habang mga labi namin ay sarado sa pagkakahalik pa din...

"Lo-ve"
Sabi ko pa ng marahan niya akong binaba sa pinag upuan niya.

> wag kayong ano....walang chukchakan inosente pa ako HAHAHA puso ko lang ang berde 💚 pero hindi pa ang utak ko<

"Ngayon alam ko na iba na ang sinasabi ng dagat sa akin"
Nakangiti pa nitong sabi at siyang humawak sa kamay ko at malalim na tumitig sa dagat

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang dagat na malakas ang ingay na sinisigaw ng bawat hampas ng alon

"A-no"
Nag aalinlangan ko pang sabi

"Na hindi ko dapat pang pakawalan ang babaeng bumuo sa isang Homer Liandro Santos"
Bakas sa mata niya ang pagkamuo ng mga luha pero hindi tulad noon na hinahayaan niya itong pumatak

He's now getting stronger like what I've always wanted him to be.

I want him to be as strong as he can so I can hold onto him when the day comes that I can't stand on my own.

UNDYING YOU Where stories live. Discover now