CHAPTER 22

193 17 5
                                    

Belinda's POV

Ilang beses ko na siya tinatawagan pero hindi na nasagot

Bakit ba naman kasi nandito pa ang isang ito!

Sinabi ko na okay lang kami at hindi kailangan na nandito siya

Naiiyak na ako habang nakatitig sa cellphone ko

"Love please pick up the phone"
Bulong ko pa ng i-dial ulit ang number niya

Pero wala pa din nasagot!!!

"Belinda"
Pagtawag pa nito sa akin

Humarap ako dito na bakas ang galit sa mukha ko

"Ano bang kailangan mo ha?bakit hindi mo magawang tantanan ako ha Lexter?! Gusto mo i-remind ko pa sayo na MAY ASAWA NA AKO AT MAHAL NA MAHAL KO ANG LALAKING YUN LALO NA ANG PAMILYANG BINUO NAMIN"
Galit ko pang sigaw sa harapan niya

Ramdam ko ang titig nila Lana and Nessa sa akin pero wala lang yun hindi ko na kailangan isipin pa ang sasabihin nila...

Punong puno na ako!

Ayoko na nag aaway kami ni Liandro ng dahil sa lalaking ito dahil hindi ko kakayanin!

Hindi kakayanin kapag hindi na niya ako pinaniwalaan

Hindi ko kakayanin na magkaroon ng ibang pakirandam sa pagmamahalan namin

Hindi ko kakayanin na mawala siya

"I'm sorry"
Tipid nitong sabi

"If you're really sorry then get out of my sight please,find someone na bibigyan ng halaga ang pagmamahal mo dahil sinsabi ko sayo na wala kang makukuhang sukli sa pagmamahal na yan"
Ani ko at lumabas ng kwarto

Ayoko magsalita ng masakit sa kaniya pero siya itong nag bigay ng rason na gawin ko iyon.

Naglakad ako papuntang pool side kung saan maunti lang ang tao tumambay at nagpahangin

Iniisip ko kung anong ginagawa niya ngayon kung bakit hindi siya makasagot sa tawag

Nag aalala ako!

The last time na ganito umalis siya....nag inom.

And ayoko mangyari ulit ang ganoon...

Kahit alam kong mas matatag na kami ngayon

"Lind"
Pagtawag pa ni Nessa sakin

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko

"Lalim nun Belinda ha"
Ani Lana ng makalapit sila sa akin

Nanatili lang akong nakaupo habang nakatingin sa langit na nagliliwanag dahil ng mga bituin

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko"
Wala sa sariling nasabi ko nalang nagsimulang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan kasi gusto kong maging malakas ayoko unahin yung takot at kaba

Pero mahirap pigilan pag nabuo na talaga sayo yun e

Mga luhang mapait kung tutuusin

"Hayaan mo na muna siya Lind,baka nagpapahinga o kaya..."

"Oh kaya ano Nessa?Nag iinom para mawala ulit siya? Asawa na niya ako eh pero natitiis niya na lilipas yung araw matatapos yung gabi na hindi kami okay? Bakit parang ang unfair naman nun"
Naiyak ko pang sabi ng humarap sa kanilang dalawa

Kailangan ko pa bang ipaalala sa kaniya na asawa niya na ako ngayon at hindi girlfriend?

Asawa na dapat kinakausap niya sa kung ano mang problema at hinanakit ang kaniyang nararamdaman

UNDYING YOU Where stories live. Discover now