Kabanata 2

432 20 6
                                    


Cuff

Binuksan ni Gunner ang kanyang pintuan. Walang nagsalita at walang pumasok ni isa sa amin. I bet this is his safe house because there were no other houses here and was secluded and hideous.

"Pasok,"

Nag-angat ng tingin sa akin si Russel, hinihintay ang senyas ko, kahit hindi ko kita ay pinapanood kami ni Ferrano. Pinalibot ko ang tingin sa gilid ng kanyang bahay, isang poso, kalan at mga sibak na kahoy sa gilid na ito.

I assumed that there's no electricity here judging by the absence of electric wires and post. Napansin ko ang mga naglalakihang punong kahoy rito, malawak ang lupain at siguro'y kilometro ang layo bago ang susunod na bahay. Kung tatakbo kami ni Russel ay malayo ang tatakbuhin namin at makikita kami agad ni Gunner kahit magtago kami sa likod ng puno. Sa kaliwang parte ay mas masukal at mas mataas ang mga damo, siguro kung--

Narinig kong tumikhim siya sa aking likod, tumango ako kay Russel na pumasok dala-dala ang duffel bag namin. Kahit hindi pa ako pumapasok sa bahay niya ay alam kong pang-isahang tao lang ito, well not literally. It's not too small but not too big either.

Pumulupot ang daliri niya sa aking siko at marahang itinulak papasok ng kanyang bahay, bahagya akong natapilok sa maliit na hagdanan papasok. Lumingon ako para samaan siya ng tingin ngunit diresto lang ang kanyang mga mata.

The interior of his small house is simple, the only eye-catching thing here is the wolf painting at his wall beside his mini-kitchen. Maluwang ang kanyang sala, kompleto ang sofa at couches pati ang coffee table ngunit walang telebisyon rito. May pintuan pa sa likod papalabas ng kanyang bahay pagkatapos ng maliit na kusina, sa gilid lamang nito ay may pinto at nakikita kong isang banyo.

His whole house painted brown and white. Curtains are white, the whole living  room is black. There's a tall fridge in his mini-kitchen, sigurado akong isang solar ang nagpapagana rito. Walang dining table sa kanyang kusina dahil siguro ay dito na siya sa sala kumakain.

Isang matalinong taktika ito para hindi siya madaling masundan, hindi dahil sa kriminal siya. Hindi kagaya ako.

Bagama't malamig dito dahil napapalibutan ng puno, ay hindi ko maiwasang mainitan sa suot kong uniporme. Kagagaling lang akong kampo at hindi pa nakapagbihis. Thank God I'm wearing a ponytail because I'm sure as hell my hair will be mess sticking everywhere. Not that I'm trying to be presentable to Gunner Ferrano but atleast...

Umupo siya sa aming katapat na upuan. Nakapalit na siya ng puting damit, nakalaylay ang dog tag sa kanyang leeg, naka camouflage pa rin ang kanyang pantalon at nakasuot pa ang bota. He is ruggedly virile just by that. His defined muscle out-stretch by the cottony material of his shirt. Halos pumutok naman ang manggas sa laki at tigas ng kanyang mga braso.

Eyes are serious and calculated. Hindi nakatakas sa paningin ko ang minsanang pag-igting niya ng panga.

Hawak niya ang dalawang baril, ang isa ay inilapag niya sa mesa, ang isa naman ay inalis niya ang magasin. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito sa harap namin. To threaten us? Well honestly I don't feel anything for him... despite of my heart that is galloping like a wild horse. Bakit sa dinami-daming puwedeng makahuli sa akin bakit siya pa? Minalas ba ako o swinerte?

Minuto ang nakalipas nang sa wakas ay nasalita siya,

"Sabihin mo lahat sa akin."

It's a command.

"Akala ko matalino ka, dapat alam mo na ang buong istorya nang makita mo siya o noong ini-imbestigahan mo ako."

Mataman niya akong tinignan sa mata, bahagyang sumentro ang likod ko. Binitiwan niya ang baril na hawak, sumandal sa upuan at humalukipkip. The movement causes his arms to flex and my eyes darted to his potent biceps and pectoral.

Paralyzed Euphoria (Completed)Where stories live. Discover now