"Pinagtagpo pero Hindi Itinadhana"

145 3 0
                                    

||𝐋𝐢𝐬𝐫𝐞𝐧𝐞|| 𝐀𝐮-𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭"𝕻𝖎𝖓𝖆𝖌𝖙𝖆𝖌𝖕𝖔 𝖕𝖊𝖗𝖔 𝕳𝖎𝖓𝖉𝖎 𝕴𝖙𝖎𝖓𝖆𝖉𝖍𝖆𝖓𝖆"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

||𝐋𝐢𝐬𝐫𝐞𝐧𝐞|| 𝐀𝐮-𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭
"𝕻𝖎𝖓𝖆𝖌𝖙𝖆𝖌𝖕𝖔 𝖕𝖊𝖗𝖔 𝕳𝖎𝖓𝖉𝖎 𝕴𝖙𝖎𝖓𝖆𝖉𝖍𝖆𝖓𝖆"

Clarr(L) POV

"Hindi tayo pwede,
Pinagtagpo pero di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y wag nating pahirapan.

Suko na sa laban, hindi tayo pwede"

Andito ako ngayon sa ilalim ng puno dito sa school grounds. Nakikinig ako ng 'Hindi tayo pwede by The Juans'. Sa totoo lang nababagay sakin ang kantang ito kaya pinapakinggan ko. Habang nakaupo sa damuhan, ipipikit ang aking mga mata, hinahayaan ang simoy ng hangin na dumapo sa aking balat. Sobrang sariwa parin ng sugat nakapaloob sa aking damdamin. Kaya eto nalang ang kaya kong gawin para pakalmahin ang puso kong sugatan.

"Huy Clarr! Ayan ka na naman nag-iisa!"  May tumawag saken, kilala ko ang boses nayun. Nanggagaling sa taong mahal ko, si Xandra(J).

Agad kong minulat ang mga mata ko at lumingon kung nasaan sya at nakita ko rin sya at napangiti nalang ako nang makita ko ang maamo at mataba nyang mukha.

"Bat lagi ka nalang nandito nag-iisa?" Tanong nya at tumabi sya sa akin.

"Wala lang gusto ko lang mag-relax" Kalmadong sambit ko at tumango nalang sya.

Actually mag Bestfriend kaming dalawa, matagal na akong may gusto- ay mali! Mahal ko na pala sya.

Oo sobrang tagal na aabot na ata ng dalawang taon?

Unang araw kase nung nagtransfer sya sa eskwelahan namin ay nahulog ako sa angking kagandahan nya.

Sino ba namang hindi mahuhulog sa ganong mukha?

Nagmumukha tuloy akong natingin sa panlabas na itsura. HAHA

Pero, wala eh nahulog na talaga ako kaya ayon. Nilapitan ko, naging bestfriend ko pa.

Nakakatakot lang umamin baka kase masira ang pagkakaibigan namin. Kaya I better keep it to myself nalang kesa masira ang relasyon naming dalawa bilang magkaibigan

Masaya na rin ako.
-kahit hindi

May halong sakit na nararamdaman pero oks lang! Strong tayo diba?

Lahat naman kakayanin basta wag kang susuko.

"Uyy Clarr! Sana naman tulungan mo ako sa crush ko. Yung may pag kanerd pero I found him hot. Kaklase kaya natin sya! Si ano.. Si Zhac(Bogum)" Masayang sambit nya at napatalon pa sa sobrang kilig.

Tinawanan ko nalang sya at binigyan ng pekeng ngiti kahit sobrang sakit na marinig iyon galing sa kanya.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Pero maya-maya ay binalewala ko lang ito.

Lilipas din toh. Makakalimutan kita.

Masaya na sana ako nung pinagtagpo tayo, dalawang taon na nakalipas. Pero bat ganon? Di tayo itinadhana.

𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon