"Lutang"

100 2 0
                                    









"Dalian mo, Irene! Late na tayo sa next class natin," panghihila ko sa kaibigan ko na ayaw tumayo sa pagkaka-upo.

"Anong late? Duh, may 5 minutes pa tayo oh tsaka may binigay si Prof Manoban na 10 minutes na maghintay bago start ng klase niya."

Hindi ko pinansin ang rason niya. Tinuloy ko ang panghihila sa kaniya hanggang sa makarating kami sa sunod na room namin.

Umupo ako sa magandang pwesto para matitigan siya ng maayos. Maya't maya pa ay pumasok na ang taong lagi kong inaabangan.

"Oh, napakaaga niyo talaga. Good Morning!" Sinundan ko siya ng tingin papunta sa harapan.

"Good Morning, Prof Manoban!" masigla kong bati.

Naupo na siya at inilabas ang dala niyang laptop. Inayos ko ang upo ko at sinimulan na siyang titigan.

Magandang pangangatawan...

Makapal na kilay...

Nagsisidatinginan na ang iba kong mga kaklase. Malapit na mag-start ang klase.

"Okay, nandito na ba lahat? I will check your attendance before we start," sabay tayo at hawak ng attendance sheet.

"Ms. Jung?"
"Present!"

Mapupungay na mata...

"Mr. Jeon?"
"Present."

Matangos na ilong...

"Ms. Kim?"
"Present, Prof!"

Mapulang labi...

"Ms. Park?"
"Present, Prof!"

"Perfect, baby!" bulong ko sa sarili ko.

"Ms. Bae?"

...

"Ms. Bae?" pang-uulit niya. Hala, ako 'yun!
Teka, ano sinasabi ni Sir? Ah tama, attendance!

"PRESENT, BABY!"

Halos lahat sila ay tumingin sa akin at gusto ko nalang magpakain sa lupa nang marealized ko kung anong sinabi ko.

✞︎~✞︎~✞︎






Napapangiti nalang ako sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon.

"Baby?" I felt the warmth of his arms when she hugged me from the back. Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga at sabay bulong, "naalala mo na naman ba?"

Kasabay nang aking paglingon ay ang pagnakaw niya naman ng halik sa akin na dahilan ng pamumula ng aking pisngi.

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala," wika ko.

"Alin? That you're my wife now? 'Yun ba, Mrs. Manoban?"

Tumango ako bilang sagot.

Minsan, hindi rin masama ang pagiging lutang sa klase.

✈︎



⋅•⋅⋅•⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅∙∘☽༓☾∘∙•⋅⋅⋅•⋅⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅
TANGINA SANA OL HAHAHA

𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon