"Tahimik"

60 3 0
                                    

||𝐋𝐢𝐬𝐫𝐞𝐧𝐞|| 𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭
"𝕿𝖆𝖍𝖎𝖒𝖎𝖐"



"BABE! BA'T ANG TAHIMIK MO?" tanong ko kay Irene, my girlfriend.

First anniversary namin ngayon at hindi ko alam kung bakit siya tahimik sa importanteng araw na ito.

Nakakapanibago lang kasi sa tuwing nagcecelebrate kami ng aming monthsary, palagi siyang hyper at clingy sa akin. Ngayong nag 1 year na relasyon namin parang hindi na siya masayang kasama ako.

Kinakabahan ako na ewan.

"Babe, pansinin mo naman ako," pagmamakaawa ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

Andito kami ngayon sa mall at pumipili ng sapatos na magugustuhan niya. Regalo ko sana sa kan'ya pero kanina pa siya walang kibo. Kapag tinatanong ko kung ano ang gusto niya, hindi sumasagot.

"May problema ba?" umiwas lamang siya ng tingin at ayan na naman ang mukha niyang 'di mapakali.

"Gusto ko nang umuwi," sambit niya. Sa wakas, nagsalita rin.

"Bakit? Ayaw mo na bang kasama ako?" kinakabahan kong tanong.

"Gusto ko na ngang umuwi!" may kalakasang sigaw niya sa'kin. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Babe. Anniversary natin ngayon, bakit gan'yan ka? Kanina ka pa walang kibo. May nagawa ba akong mali? Kung ano man 'yon, sorry na. Please, let me spend this whole day with you na masaya," hinawakan ko ang kamay niya't pinisil-pisil iyon pero pilit niyang tinatanggal.

"Hindi mo na ba ako mahal? Nagsawa ka na ba sa'kin? Ba't 'di mo ako pinapansin?!" naprapraning kong saad. 'Wag naman sana. Napatingin sa direksyon namin 'yong ibang tao dahil sa sigaw ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo d'yan Lisa?" tagpo-kilay niyang tanong.

"Sagutin mo ako–"

"NATATAE AKO, OKAY?! KAYA UMUWI NA TAYO!" sigaw niya. Naramdaman ko namang napatingin ang lahat ng tao sa'min. May narinig pa akong tumawa mula sa 'di kalayuan.

"Akala ko kasi– 'Di ka naman kasi nagsasabi agad e!" napahiya tuloy ako. Damn.

✈︎



⋅•⋅⋅•⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅∙∘☽༓☾∘∙•⋅⋅⋅•⋅⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅
HAHAHAHAHA Ooff

𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon