ODN-25

28 0 0
                                    

Nagpaalam kami kila Teacher Fe at Teacher Agatha na takang takang kung bakit namin kailangang mag usap. Kabang kaba ako habang naglalakad kami paalis dahil ramdam ko ang titig ng dalawa. Sigurado akong kukulitin nila ako pagkapasok namin sa Monday. Mabuti nalang at weekend bukas kaya may oras pa akong mag isip ng excuse.





Nakita kong palapit kami sa kotse niya kaya naman medyo napahinto ako. Napansin niya naman ito kaya humarap siya saakin.


"Get in. Ayokong dito tayo mag uusap."


Napalunok nalang ako at tumango. Unti unti akong naglakad palapit sa front seat. Napatitig ako sa pintuan nito. Ngayon ang unang beses na ako ang magbubukas nito dahil noon ay lagi niya akong pinagbubuksan. Naalala ko ang paborito kong move niya, aalalayan niya akong pumasok habang nasa ulo ko ang kamay niya para hindi ako mauntog. I miss that.





"I said get in, not stare at the door."


Masungit na sabi niya kaya nagmamadali kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Dahil sa pagmamadali ay nauntog ako.


"Ow!"


"Hey. Are you okay?"


Agad niya akong dinaluhan at tinignan ang noo ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Titig na titig siya sa noo ko habang ako ay nakatingin sakanya, gulat dahil sa lapit ng mukha niya saakin. Kita ko ang pag aalala sa mga mata niya habang sinusuri ang noo kong nauntog.


"There's a slight bump. Does it hurt?"


Bumaba ang tingin niya sa mga mata ko at agad siyang lumayo nang marealize ang lapit namin. Napaayos ako ng upo habang inaayos niya naman ang seatbelt niya at ini-start ang kotse.


"O-okay lang ako. Hindi naman masakit."


Tumango siya at nagsimulang magdrive. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi na ako nangahas na magtanong. Walang nagsasalita saamin kaya naman sobrang tahimik sa loob ng kotse. Tanging tunog lamang ng aircon at ang paghinga lang namin ang naririnig.


Hindi rin siguro niya natagalan ang katahimikan kaya in-on niya ang radio ng sasakyan. Sakto namang may kantang tumutugtog.


"You are the one girl
And you know that it's true
I'm feeling younger
Every time that I'm alone with you
We were sitting in a parked car
Stealing kisses in the front yard
We got questions we should not ask but
How would you feel, if I told you I loved you?
It's just something that I want to do
I'll be taking my time, spending my life
Falling deeper in love with you
So tell me that you love me too"



Napataas ang kilay ko sa message ng kanta. Hindi na ako mapakali sa pwesto ko. Mukhang napansin din ito ni Jake kaya naman nilipat niya ang station. Ramdam ko ang pagiging uneasy niya dahil hindi siya mapirmi sa driver's seat. Hindi ko nalang din siya nilingon at tinoon nalang ang atensyon sa mga nakikitang mga kotse sa labas.



Hindi nagtagal ay nakarating narin kami sa destinasyon namin. Dinala niya ako sa isang restaurant. Sabay kaming bumaba ng kotse at agad siyang pumasok sa loob. Sumunod ako sakanya sa pag upo sa isang pandalawahang lamesa sa may gilid.



Pagkaupo ko ay halos lumabas ang puso ko mula sa loob ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Agad na nagtawag ng waiter si Jake at umorder ng makakain. Hinayaan ko siyang umorder para saakin dahil walang pumapasok sa utak ko habang binabasa ang menu dahil sa sobrang kaba. Pagkaalis ng waiter ay agad na nalipat ang tingin ni Jake saakin.


"Was that okay with you?"

"Oo. Okay lang."

Siya kasi ang umorder ng kakainin ko kaya tinatanong niya ako kung okay lang yun. Okay lang naman talaga dahil baka hindi rin ako halos makakain dahil mas gusto kong ilabas na lahat ng gusto kong sabihin sakanya.




One Drunk NightWhere stories live. Discover now