ODN-26

25 0 0
                                    

Nakatitig lang ako sa message na yun ni Jake. Hindi na siya nakaonline kaya hindi ko sigurado kung sasagot ba ako ngayon. Ano naman ang sasabihin ko? Na dapat niyang paniwalaan yun dahil yun naman ang totoo? Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi siya naniniwala, dahil ibang rason ang sinabi ko noon.



Ayoko rin namang ipilit sakanya na tanggapin ang sorry ko agad. I'll give him the time and space he needs. Hindi naman ako nagmamadali na mapatawad niya ako. Okay na saakin na pinakinggan niya ako ngayon.



Hindi ko na nagawang makasagot sa message na yun ni Jake dahil nakatulog na ako. Nagising akong hawak ko parin ang cellphone ko. Nakatulugan ko na ang pag iisip ng isasagot ko sakanya. Hindi narin naman niya dinugtungan kaya hinayaan ko nalang muna.


"Good morning Ate."

Si Amy lang ang naabutan ko sa lamesa dahil mukhang nasa labas na si mama at nagbabantay ng karinderya. May pagkain naman na sa lamesa kaya naupo narin ako para kumain.


"Saan ka kumain kagabi, Ate?"

Nakuha ni Amy ang atensyon ko dahil sa naging tanong niya.

"Sa labas."



"Sinong kasama mo?"

May ngiti sa mukha niya kaya alam ko agad ang iniisip niya.




Hindi alam ni Amy kung anong naging dahilan ng paghihiwalay namin ni Jake. Hindi niya na nagawang magtanong pa dahil sa nangyari kay papa. Naging malungkot kasi si Amy nang mawala si papa at gaya namin ni mama ay natutulala siya. Naging maayos lang siya nang napansin niyang hindi na kami maayos ni mama kaya sinusubukan niya kaming pakitunguhan ng maayos.



Hindi ko na rin sinubukang sabihin sakanya ang dahilan dahil ayoko nang masyadong isipin noon. Sinabihan ko lanh siya na wala na kami makalipas ang ilang linggo dahil napapansin niya na noon na may kakaiba saakin. Hindi nalang siya nagtanong dahil alam niyang masyadong masakit para saakin kaya na pag usapan pa yun. Nagpapasalamat ako at ganoon si Amy, naiintindihan niya ako at lagi siyang nandyan para saakin.



Ngayong nagbalik si Jake, tingin siguro ni Amy ay babalik ang lahat sa dati. Yun din ang gusto ko pero ayokong madaliin.




"Oo, kasama ko si Jake. Nag usap lang kami."

"Okay na kayo, Ate?"

"Hindi ko alam." iling ko.


Totoo namang hindi ko alam. Oo at nakapag usap na kami, nakapagexplain na ako at nakapagsorry na. Pero wala namang naging sagot si Jake. Ang sabi niya wala pa siyang maisasagot saakin at sinabi kong maghihintay ako. Yun lang ang magagawa ko ngayon, ang maghintay. At ang subukan na magreach out sakanya para mapatawad niya ako. Ako naman ang dapat na hindi sumuko ngayon. Ako naman ang maghihirap para sa kapatawaran niya.



Natapos kaming kumain at naisipan ko nalang munang umakyat para tignan ang mga kailangan ko pang gawin. Papasok pa kami sa Monday para sa iilang trabaho kaya ioorganize ko na ang mga kailangan kong gawin.



Kapasok ko sa kwarto ay napansin ko ang sunod sunod na pagpasok ng notifications sa cellphone ko. Sinubukan kong tignan isa-isa. Iilan doon ay galing kila Sammy at Carla na mukhang naghahanap ng balita tungkol saakin. May isang message naman doon na nakakuha ng atensyon ko. Galing ito kay Jake.



Jake: Hey. Are you up?

It was sent 30 minutes ago. Hindi siya online pero sinubukan kong sumagot.

Aya: Oo. Gising na ako.

Hindi na ako nagulat nang makita niya agad ito. Agad namang nagring ang phone ko para sa isang call galing sakanya.

One Drunk NightKde žijí příběhy. Začni objevovat