Kabanata 1

12 5 13
                                    


[Kabanata 1 : Serenity Costales]

NAKAKABINGI ang lakas ng music mula sa car stereo ni Serenity Costales. She was driving fast na tila hinahabol ng kung sino.

Nakasanayan niya na ang  ganoong pagmamaneho.
At twenty-four , maraming beses na siyang nahuli ng traffic police.
May time na nakakalusot siya dahil sa suhol;
ngunit kapag nakakatagpo siya ng dedicated sa trabaho na pulis ay wala siyang magawa kundi ang magmulta. But she took everything easily.

She had just finished studying Law at naipasa niya ang bar exam nang walang
kahirap-hirap. Palibhasa'y matalino naman siya. Pero sa kasalukuyan ay hindi pa niya ibig seryosohin ang kanyang napiling profession.

For sometimes ay gusto muna niyang ipahinga ang sarili  dahil masyado siyang na-pressure sa walong taong pag-aaral ng abogasya.

"Ano ba, my ears are irritated!" hindi nakatiis na reklamo ng kanyang kaibigan na nakaupo sa tabi niya.

"Mapilit kang sumama sa akin, magdusa ka," nakangisi niyang sabi sa kaibigang si Corrine.

Kaklase niya ito sa law school na sinamaaang palad na bumagsak sa bar exam kaya imbis na magtrabaho  na ay bumalik ito sa review class para sa susunod na bar exam.

"Kung hindi lang ako excited na makilala ang anak ng kaibigan ng  papa mo ay hindi na ako mag-aaksaya ng panahong sumama sa'yo," paismid na sabi ni Corrine.

"God, Serenity, kung may sakit lang ako sa puso ay baka  matagal na akong inatake dahil sa bilis mong magpatakbo ng sasakyan. I don't want to die, please lang. Hindi ko pa naipapasa ang bar exam!"

Natawa naman ito sa kaibigan habang nag mamaneho siya. "Ang dami mong reklamo," aniya sabay mahinang halakhak at lumingon sa kaibigan.

She was beautiful with Hazel eyes, perfectly pointed nose, red and sexy lips, and rosy cheeks.
Her long hair was black and brown natural color and shiny.
She stood five feet seven.
Lubos na sana ang kanyang kagandahan... if not because of her slightly fat figure. She believed that it lessend her sex appeal and she considered it as one reason kung bakit hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

" Ikaw naman ang mapilit na sumama sa akin, eh," patuloy niyang sabi sa kaibigan.
"Palibhasa gusto mo na namang makakita ng gwapo." dugtong pa niya.

"Guwapo ba talaga ang Archer Lucas Cabrera na 'yon?" curious na tanong ng kaibigan niya.

Archer Lucas Cabrera was her dad friend's youngest son na isa ring abogado.

Nagkibitbalikat siya at saglit na lumingon sa kaibigan. "According to Dad. But I won't believe him till I see the guy. Alam mo naman si Daddy, gumawa ng kwento. Baka sinabi  lang niya na gwapo ang Archer Lucas na 'yon para magkaroon ako ng interes sa proposal niyang pumasok akong assistant ni Archer. Isang paraan daw 'yon
to practice my profession para magkaroon kaagad ako ng experience." napailing nalang siya habang nag sasalita.

"Siya na nga may gustong mag abogasya ang kunin kong kurso, siya pa 'tong mapilit na pumasok akong assistant ni Archer Lucas Cabrera. Isang lalaking wala akong idea kung ano ang ugali."

"At pumayag ka naman?" tumaas ang isang kilay ni Corrine.
"Akala ko ba nakakaya-kaya mo ang daddy mo?" dagdag niya.

"It's because Dad made a promise na makikipag sundo uliy siya kay Mommy kapag naging obedient daughter ako." Her eyes gleamed with happines.

"A year ago, naghiwalay sila ni Mommy nang walang malaking dahilan. Mom used to think that Dad had a mistress. Dad hated Mom naman for being a nagger and a jealous wife, plus ang pagiging madyongera niya.
'Yon lang at nag-decide na silang  magkanya-kanya. My mission is to bring them back to each other's arms again at mangyayari lamang iyon kung magsusunud-sunuran ako kay Daddy. Nangako  siyang makikipag-reconcile kay Mommy." mahabang kwento at paliwanag ni Serenity sa kaibigan.

"Anak pala ng kaibigan ng daddy mo ang Archer Lucas na 'yon?"tanong ni Corrine.
"Eh, bakit hindi mo pa siya nakikita?"

"Kasi po, kailan lang naman naging kaibigan ni Daddy ang ama ni Archer. That time, nasa States pa ang lalaking 'yon. Fourteen pa lang daw ito nang magpunta sa States para
mag-aral. He lived with her rich grandmother in the States. And take note, he studied Law in Boston. He is the youngest of three sons at siya raw ang
pinakamatalino."

"So after eighteen years, he finally returned to the country of his birth!" excited na bulalas ni Corrine.

"Dapat lang talaga na ipakilala mo siya sa akin. Baka siya na ang pinakahihintay kong lalaki." kinikilig na sabi ni Corrine.

"Flirt!" napailing nalang na sabi niya sa kaibigan.

"So, ano naman ang magiging trabaho mo sa kanya?" muling tanong ni Corrine.

"You're really makulit. Hindi ba't sinabi ko nang assistant?"

"Assistant? Which means someone who brings his things?" nanlalaki ang mga matang tanong nito.
"Someone who answers his phone call? In short Alalay?"

"Excuse me, hindi, 'no!" paingos na sagot niya.

"He has a secretary to do those stuff. I'm going to go with him to his courtroom hearings at mamamatay ka sa inngit 'pag nakita mo akong actual nang humahawak ng sarili kong kaso."

"Exciting!" natatawa at pumapalakpak pa si Corrine.
"I wish I had passed the bar exam."

"Kaya ngayon palang ay
mag-review ka nang mabuti," biro niya dito. "If you don't pass the next bar examinations, you will the law student forever!"

.................................

Hindi naman kalakihan ang opisina ni Atty. Archer Lucas Cabrera sa twenty-six floor ng Abad's Law Firm sa Ortigas, subalit malinis iyon at maayos.

Magkatabing nakaupo sina Serenity at Corine habang hinihintay ang pagdating ng binatang abogado, na ayon sa sekretarya ay may kinausap lamang na kliyente sa executive lounge ng building.

"Coffee?" alok ng sekretarya mula sa desk nito.

"No, thanks," salubong ang mga kilay na tanggi niya at naiinip na sumulyapn sa writstwatch. "Anong oras ba darating ang boss mo?" tanong niya. "Baka naman abutin kami ng gabi dito, eh, wala pa siya? For your information, namumuti na ang mga mata namin dito sa kakahintay sa kanya."

Siniko siya ni Corrine. "Ano ka ba?" pabulong nitong sabi sa kaibigan. "Kaunting pasensya, pwede?" dagdag niya.

"My goodness, Corrine; we've been here for an hour now," naiinis na sagot niya. "Ni wala tayong idea kung darating ang hinihintay natin o hindi na."

"He's coming," mariing sabat ng sekretarya na narinig ang sinabi niyang iyon.Pormal na sumulyap ito sa kanila."Gaya ng sinabi ko,may kinausap lang siyang isang mahalagang tao. Kung hindi  n'yo na kayang maghintay, eh, de pwede na kayong umalis." Paingos na ibinalik nito ang mga mata sa ginagawa.

"Tsk! Sungit!" nakataas-kilay na bulong ni Serenity.

Ilang sandali lamang ay iniluwa ng pinto si Atty. Acher Lucas Cabrera. Sa tingin ay may six feet and seven inches ang height nito, maganda ang tindig na nababagayan ng suot nitong amerikana. may mapungay na mga mata at maputi ito. He was twenty-six years old... a handsome bachelor.

"Alysa, coffee, please," utos nito pagdaan sa desk ng sekretarya. He caught a glimpse of Serenity and Corrine bago ito dumiretso sa sariling opisina na ang paligid ay salamin. Agad itong nag basa ng newspaper.

Sumunod si Alysa sa opisina nito dala ang ang kape na inutos sa kanya. At nang lumabas na siya ay inanyayahan na sila Serenity at Corrine na tumuloy sa silid nito.

"Let's go, Corrine," anyaya niya sa kaibigan.

"Ikaw na lang, Serenity," pabulong na sagot ni Corrine.
"Guwapo nga pero suplado , eh. Nakakaasiwa!" dagdag na bulong nito.

"Hey , you promised me na sasamahan mo ako, ha!" paalala niya.

"I changed my mind," sagot ni Corrine at mahinang tinulak si Serenity para pumunta na.
"Sige  na. I'll wait for you here . Tutal , ikaw naman talaga ang may sadya sa kanya, eh." dagdag niya.

"Tsk.  Ok!" Taas-noong tinungo niya ang opisina ni Archer.

Law The Way To Love(On Going)Where stories live. Discover now