Kabanata 4

4 3 0
                                    

NAKARATING ng maaga si
Atty.  Archer Lucas Cabresa sa opisina nito.

"WALA pa ba si Atty. Costales?" kunot-noong tanong ni Archer sa kanyang sekretarya.  Mag-aala-otso na ng umaga at late na nang isang oras si Serenity sa usapan nila.

Umiling si Alysa. "Sa unang tingin ko pa lang ay paimportante na ang babaeng 'yon, Boss," sabi nito.
"Look, seven o'clock ang usapan n'yo, but it's already eight o'clock at hindi pa siya dumarating."

"Baka na-traffic," hula ni Archer.

"Well, dapat gumising siya ng maaga para hindi siya inabutan ng traffic," paingos na sabi ni Alysa. "Eh, mukhang siya pa ang boss niyan, eh. Hay naku, Boss, I'm sure, sakit ng ulo lang ang ibibigay sa'yo ng babaeng 'yon kaya habang maaga pa ay sabihin n'yo na sa kanyan na hindi n'yo kailangan ng taong walang disiplina sa sarili." mahabang dagdag ng kanyang sekretarya.

"Thanks for the suggestion, Alysa," muling napakunot-noong  sabi ni
Archer sa sekretarya at naupo sa
swivel chair.  "But I can't do that. Kaibigan ni Papa ang Daddy niya kaya wala akong magagawa kundi ang tanggapin siya."

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at nag mamadaling pumasok si Serenity at naka suot ng denim na jeans at loose plo shirt. Nakasukbit sa likod niya ang malaking backpack.

"Good morning," walang bahid ng ngiti ang mukha ng bumati siya.

"What time is it?" Yamot na tanong ni Archer at sumulyap na kay Serenity na naka kunot ang nuo.

Sumulyap siya sa wristwatch. "It's eight," sagot niya. "Wala ka bang relo?" takang tanong niya kay Archer.

"And don't tell me na nakalimutan mong  ala-siete ang usapan natin?" Sumandal ito sa backrest ng upuan habang nanatiling nakatingin kay Serenity.

Tinampal ni Serenity ang noo kasabay ang isang sarkastikong ngiti. "Oo nga pala, matagal kang nag stay sa States kaya hindi ka na update sa traffic dito.
For your information, grabe ang traffic! Nag taxi ako dahil hindi ako sanay mag drive nang malayo ang pupuntahan. Ipauubaya k o na sa'yo ang pagmamaneho."

"Serenity, I don't want this to happen again." Tumayo si Archer at binitbit ang mga gamit nito saka walang sabing tinungo ang pinto palabas ng opisina.

"You're an hour late," komento ni Alysa nang wala na si Archer.

"So?" nakataas ang isang kilay na sagot niya.

"Hindi mo alam kung paano magalit si Boss Archer," saad nito.  "Hindi ka magtatagal dito kung ganyan ang ang attitude mo," dagdag niya.

"And so what?" Tinalikuran niya ang Sekretarya at inikutan ng mata bago tinungo ang pintuan palabas.

Law The Way To Love(On Going)Where stories live. Discover now