Kabanata 3

7 4 0
                                    

[Kabanata 3 : Archer Lucas Cabrera]

PINAG-AARALAN ni Archer sa library ng mansion ang mga lumang diyaryo na naglalaman ng mga balita  tungkol kay
Carlito Bartolome nang biglang pumasok ang  kanyang amang si Atty. Wilson Cabrera.

Si Carlito Bartolome ay isang lalaking nadiin sa kasong murder at kasalukuyang nasa piitan ngayon.

Atty. Wilson Cabrera was in his mid-sixties. Nakakalakad nalamang ito sa pamamagitan ng walker. Maaga itong tumigil sa pagtratrabaho  dahil sa pasumpong-sumpong  na heart failures at sa pangako nito sa nasirang asawa na sa edad na ito ay titigilan na nito ang pagtratrabaho.
Pumirme na lamang  ito sa mansion matapos mag-retire. Gayunpaman, nakahanda pa rin itong tumulong kay Archer kung hinihingi ng anak ang mga opinyon nito. Bumukod na ang iba pang mga anak nito nang makapag-asawa na.

"Kamusta na ang anak ni Roberto?" Nakangiting tanong ng kanyang Ama habang pumapasok sa library na ang tinutukoy ay si Serenity. Isinandal nito ang walker sa dingding bago naupo sa harap ng desk ni Archer.

"Well, sa tingin ko ay hindi pa seryoso si Serenity Costales sa Profession niya, Papa," Napapa iling na sagot nito sa kanyang Ama. "Hindi ko sigurado kung magkakasundo kami ng babaeng 'yon, pero susubukan ko siya. mukha namang matalino, eh. But I guess, she's not yet ready."

"Talaga bang hindi kana mapipigilan sa gagawin mo, Hijo?" sumunod na tanong ng kanyang Ama.

"I need this case, Papa." He took the scissors from the desk's drawer at ginupit ang mga old article tungkol kay Carlito Bartolome. "Kailangan ko ito para lalo akong maging tanyag' at magaling sa profession ko na katulad n'yo. Besides, si Carlito ay anak ng dating yaya ko.
Ng makiusap sa inyo si Yaya Cora na hawakan n'yo ang kaso ni Carlito ay hindi n'yo ito pinagbigyan."

"But I understand you for doing that. Nangako kayo kay Mama na titigil na sa trabaho ninyo. Pero ngayon ay sa akin humihingi ng tulong si Yaya Cora at hindi ko siya matatanggihan, Papa." Dagdag niya sa mahabang explenation sa kanyang Ama.

"Dahil alam mong makakatulong ang kaso sa profession mo," napabuntong hininga nalang ang matanda pag-ka sabi nito.

"Tinatalo ka ng ambisyon mo, pero hindi mo kilala kung sino ang makakalaban mo, Hijo.
Si Carlito ay dating
body guard-driver ng isang makapangyarihang senador."

" 'Pa, you don't have to tell me everything about the case," sabi niya. "Marami na akong nalalaman tungkol sa kaso ni Carlito kahit nasa Amerika ako nang mangyari iyon. Biktima siya ng maling katarungan. Idiniin siya sa kasong walang sapat na katibayan. For four years ay nagawa niyang magtiis sa kulungan sa krimeng  hindi naman siya ang may kagagawan."

Dinampot niya ang isang newspaper at binasa ang headline nito. "Is Carlito Bartolome guilty or not?"
Matapos basahin ay sumulyap ito sa kanyang ama.

" 'Pa, wala silang sapat na katibayan na si Carlito nga ang may kagagawan ng lahat maliban sa dalawang witnesses na, I'm very sure, binayaran lang ni Senator Eugenio."

"There's no reason for him to do that," seyosong dagdag nito.

" C'mon, Dad, I  know  you're smarter  than  I am,"
nakangisi niyang sabi
sa ama.  "Higit pa sa nalalaman ko ngayon ang nalalaman niyo sa Beltran murder case. Walang dahilan para patayin siya ng isang baguhang bodyguard na natatakot pa ngang humawak ng baril. Pinatay siya ng professional assasin na tauhan ni Senator Eugenio dahil mahigpit na kalaban niya ito sa politika at idiniin nila ang pobreng si Carlito. Palibhasa madaling takutin ito."

"Natapos ang kaso na nakatiklop ang mga labi ni Carlito. Hindi siya nagsalita, hindi siya lumaban at ang masakit sa lahat ay inamin niyang siya ang pumatay kay Senator Beltran. Walang kalaban-laban si Carlito, Papa. Tinalo siya ng takot."
  

Napabuntunghininga  nang malalim  si  Atty. Wilson
Cabrera. "Matagal nang sarado ang kaso, Hijo,"  sabi nito habang umiiling.  "Huwag mo nang piliting buksan at baka ikapahamak mo pa."

"Papa, kung ako ang nasa katayuan ni Carlito, hahayaan n'yo ba akong makulong  sa isang kasalanang  wala naman akong kinalaman?" makahulugang tanong niya sa ama.

"Of course, hindi," sagot ng matanda. "Hindi ko matatanggap 'yon,Hijo." dagdag pa nito habang seryoso.

"That's exactly how Yaya Cora feels for her son," aniya. "Walang abogadong nag tangkang tumulong sa kanila dahil wala silang pera. Lawyers from pro bono section of several law firm rejected the case dahil ayaw makipag-cooperate ni Rogelio. But I will try to covince him, Papa. Pipilitin ko siyang magsalita at sabihin ang totoo. Aalisin ko ang takot na nakatatak sa kanyang dibdib." seryoso at naka salubong ang mga kilay nito habang binibitawan ang bawat salita.

"Don't blame me if something happens, Archer,"  Mahinang saad ng matanda.  "It's dangerous" dagdag nito.

"I have prepared myself for the case, 'Pa. Don't worry about me. I know what I am doing."

"Huwag sanang mangyari ang kinataktakutan ko Hijo," seryosong  pahayag  ng matandang abogado sa
anak.  "Huwag sana..." Marahang tumayo ito at kinuha ang walker, pagkuwa'y mabagal na humakbang patungo sa pinto.

Kahit papaano ay may ilang sandaling napa-isip si Archer Lucas sa mga sinabi ng kanyang ama, ngunit hindi sapat iyon upang magbago ang kanyang pasya. Ilang araw niya na itong pinagplanuhan, Ilang linggo niya nang pinag-aralan at pinag puyatan ang kaso si Carlito Bartolome at wala nang makapipigil pa sa gagawin niyang hakbang.

He was going to open the Cabrera murder case and nobody could stop him.

Law The Way To Love(On Going)Where stories live. Discover now