Kabanata 5

3 1 0
                                    

WALANG kibuan sina Serenity at Archer habang tinutungo ang basement ng building.  Nang makasakay na sa kotse si Archer saka lamang niya napansin ang backpack ni Serenity.

"Mukang marami kang dala, ah?" tanong nito.   "Ano naman ang mga 'yan, energy food? Hindi tayo magma-mountain climbing, Serenity," natatawang patuloy nito.  "May dadalawin lang tayong bilanggo sa Muntinlupa." naiiling na sabi nito saka in-start ang sasakyan.

Nainis na binuksan ni Serenity ang backpack at ipinakita sa kasama ang nakaibabaw na libro.

"Libro ang dala ko at hindi energy foods," mataray na pag wawasto niya.

"Oh, I'm sorry kung gano'n,"
naka ngising sagot nito saka walang paalam na kinuha ang librong ipinakita ni Serenity.  "What book is---" naputol ang sasabihin nito ng makita ang iba't ibang chocolates at kung anu-ano pang pagkain sa ilalim ng libro. "So, there are not energy foods," napailing na sabi nito.

Yamot na inagaw ni Serenity ang libro sa kamay ni Archer at ibalik sa bag saka isinara iyon.  "Natural mag babaon ako ng pagkain dahil malayo ang pupuntahan natin," paingos niyang sabi, pagkuwa'y niya bigla nalang siya natigilan.  "Oh no, I forgot something!" Napakagat-labi siya.

"What is it?" tanong ni Archer, sabay sulyap sa kanya.  "Pwede tayong mag-drop by sa bahay n'yo kung importante ang naiwan mo."

"Ang mga orange ko," wala sa loob na sagot niya.

"What?" Parang na bibingi na tanong ni Archer kay Serenity dahil hindi maka paniwala dito.

"My orange----" Natigilan  siyang muli nang nasulyapan niya si Archer na nakatitig sa kanya sa reaksyong hindi maintindihan.

"Forget about what I've said," mabilis niyang sabi, sabay bawi ng tingin. She was blushing.

"Orange,huh?"  natatawang sabi  nito.  "Marami ka namang mabibilhan dito kung talagang gusto mo pa ng
orange." Umiiling ito habang nakatutuk ang mga mata sa daan.

"I said forget about what I've said," kunot-noong ulit niya.

"Terrific."  Naiiling-iling pa rin
ito.  "Ngayon lang ako naka-encounter ng isang taong katulad mo. So, Serenity aside from foods, what other things make you very healthy?" mayamaya'ng tanong nito na naka ngisi.

"Exercise," nakahalukipkip na sagot niya.

"You exercise?" hindi makapaniwalang tanong nito.   "What kind of exercise? How often? Two minutes a day? Three? Baka hindi magaling ang aerobics instructress mo kaya masyado ka pa rring malusog." Nag pipigil itong matawa.  " May kilala akong mahusay na aerobics instructress na siguradong makakatulong sa problema mo." dag dag pa nito na hindi na napigilang matawa ng bahagya.

"Anong problem?" naiuritang tanong niya.  "Wala akong problema,  'no!"

"You have." Ngumiti ito.  "Just look at yourself in the mirror."

"Look, Atty. Cabrera, we're here hindi para pag-usapan ang kung anumang exercise na ginagawa ko, okay?" napipikon na sabi niya.  "Lalong hindi mo na dapat pinakikilaman ang kung anumang mga dadalhin ko sa pupuntahan natin."

"All right, wala na akong sasabihin." natatawa na parang sumusuko kay Serenity.

'Gusto mo lang ipamukha sa akin na mataba ako, inis na sabi niya sa isip.
As if naman na wala kang kapintasan!

Hindi niya napigilan ang sariling pasimpleng sulyapan si Archer at mapahiya sa kaniyang sarili.  Maskulado si Archer Cabrera at kitang kita dito ang napaka kisig niyang katawan na naka kubli sa kanyang suot.  This man possessed qualities na siguradong
kababaliwan ng kahit sinong babae...
and his was not immuned to his charms.

"May dumi ba ako sa mukha?" biglang tanong ni Archer ng napansin niyang nakatitig sa kanyang si Serenity.

Their eyes met briefly, then she looked away.   "Wala," mariing sagot niya.
Pinigilan niya muling sulyapan muli si Archer kahit na parang may bumubulong sa kanya na gawin ito.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 16, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Law The Way To Love(On Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora