Kabanata 2

6 4 0
                                    

NANG makapasok na siya sa opisina ni Archer nilibot niya ang paningin sa kabuuan nito.

"YOU MAY sit down, Atty Costales," anyaya ni Archer sa kanya, kaya natigil siya sa pag libot ng mata sa kabuuan at mabilis dumako ang mata niya sa nag salita.

"Thank you," sagot niya at naupo sa visitor's chair sa harapan nang desk nito. She looked again around the office and was impressed. Archer Lucas Cabrera was a neat man with an organized desk and a clean room.

Tinapos muna nito ang binabasang article sa newspaper bago muling bumaling sa kanya.

"So, you are Mr. Costale's only daughter?" tanong niya ng maibaba ang hawak niyang newspaper.
"Can I see your resumé?"

"Come again?" tanong ni Serenity kahit malinaw naman ang pandinig niya ng sinabi iyon ni Archer.

"Resume," tipid na ulit nito.

"Do I have to show one?" kunot-noong tanong niya.

"Your father is my dad's friend, remember? At hindi naman pormal na trabaho ang papasukan ko. I just want to gain experience from you."
And she smile in sarcastic way.

"The only thing I learned about you is that.... you're an easygoing woman na hindi alam kung ano ang gustong gawin
sa buhay," Archer said.

"Really?" Sarkastikong saad niya habang naka taas ang isang kalay. "You talk to much. I'm thr daughter of your dad's friend, offering my time to help you in your job, free of charges. Ngayon, just tell me if you want my services or not. 'Pag sinabi mong hindi, ngayon din ay aalis ako at hindi na muling babalik dito." taas-noong sabi niya kay Archer.

Nakita niya ang pag kunot-noo ni Archer at taimtim na nakatitig sa kanya halatang hindi nito nagustuhan ang mga narinig.

"All right, It's waste of time if I go back home just to get some credentials.Would you mind if I would just tell you something about myself?" She did not
wait for him to answer.
" I had finished my Law degree at the University of the Philippines last October----"

"And where have you been for the past nine months, Atty. Costales?" putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

"Of course, at home," mataray na sagot niya. "Cramming for the bar exam.... working ninety hours a week, sleeping on my desk, eating in the library."

"Nonsense." He gently ran his fingers though his thick hair.

God, he was really very hondsome. At hindi maikakaila ni Serenity sa kanyang sarili na agad siyang napahanga sa lalaki.

"Have you tried observing real courtroom setting during your free time?" pagkuwa' na tanong nito.

"I did several times," marring sagot niya, sabay irap.

"In a real courtroom?"

"Yes,"

"Before a real judge?"

"Of course, Siguro naman alam mong may practicul classes ang mga law students?"

Napangisi nalang si Archer sa paraan ng pag sagot ni Serenity sa kanya. " Masyado kang iritable. I'm afraid hanggang sa courtroom ay dadalhin mo ang ugali mong ' yan. Ngayon palang binabalaan na kita, Atty. Costales, na hindi isang laro ang papasukin mong ito. You are going to work with me as a real lawyer. Ang trabaho ko ay magiging trabaho mo at magiging katuwang kita sa mga kasong hahawakan ko." Makahulugang tingin ang pinukol niya kay Serenity na naka kunot-noo naring nakikinig sa kanya. " To be a lawyer is
a dangerous profession,
Atty. Costales. Are you ready to take the risk?"

Hindi siya nakasagot sa tanong nito.

"Back in the States, maraming namatay na abogado bago pa man natapos ang mga kasong hinawakan nila," mariing pag papatuloy nito.

"Are you discourging me?" inis na tanong niya. "Kung ayaw mo akong makasama , just tell me, okay? Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa 'yo, eh. As a matter of fact, ang daddy ko lang ang may gustong pumunta ako rito."

"I'm not saying anything like that." Ngumiti ito ng nakakaloko. "And before I forget, Ms. Costales, if you're really willing to work with me, be sure na available ka all the time. During our free timr, we will do some research. Do you hav a car?"

"Yes."

"Fine. I need you tomorrow. May pupuntahan tayo."

"Tomorrow?" napamulagat na ulit niya.

"Yeah, tomorrow," nakangiting sagot nito. "Be here at seven o' clock in the morning,"

Marami pang sinasabi si Archer na hindi sigurado ni Serenity kung natandaan niyang lahat. Tulala siyang umuwi ng bahay dahil mukhang mapapasubi yata siya. Agad niyang tinawagan si Rolando Costales, ang kanyang daddy, nang makarating siya sa kwarto.

"Hello,Dad," aniya nang sumagot ang kanyang ama sa cellphone nito.

"Oh,Hija," excited nitong sabi. "So, kamusta ang lakad mo?"

"Dad,mukhang ayoko na yata,"sagot niya.

"O, bakit na naman?"

"Aside from mukhang suplado at strikto ang Archer Lucas Cabrera na 'yon, parang napipilitan lang naman siyang tanggapin ako dahil kaibigan mo ang paoa niya. And, Dad, tinatakot pa niya ako na delikado raw ang trabaho ng lawyer," mahabang salaysay niya sa kanyang ama.

"At natakot ka naman?" nakangising tanong ni Rolando Costales sa kanyang anak. "You know, Hija, nakita kasi ni Archer na you're taking everything easily. Parang wala kang planong seryosohin ang profession mo kaya ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang loob mo."

"But I really don't like working with him," sabi niya na parang bata sa kanyang ama. "Ngayon pa lang ay alam ko nang hindi kami magiging komportable sa isa't isa. Imagine, he called me easygoing. I'm sure na ikaw ang nagsabi niyon sa kanya."

"Serenity, you've just met a serious and dedicated man," ani ng kanyang ama na si Rolando. "And because you learned that you developed an opposite attitude; natatakot ka na posibleng palagi niyang mapupuma ang mga hindi kanais-nais na ugali mo."

"Eh,Dad, can you give me another one year to prepare myself?" mahinang tanong niya.

"Sweetie, this is a big apportunity for you," kumbinse ng kanyang ama. "Why not try working with Archer Lucas Cabrera? I'm sure naman na makakasundo mo siya dahil mabait din siyang katulad ng papa niya. Akala mo lang ay suplado siya dahil hindi mo pa siya nakikilala ng lubusan. Ang mabuti pa ay pag aralan mong muli ang mga bagay tungkol sa profession mo para kapag kailangan ka na niya, eh, nakahanda ka."

"But he needs me tomorrow," seryosong sagot niya.

"Then fine," sagot nito habang napangiti ng malawak. "Mas maaga, mas maganda. I heard from his father na may bubuksan siyang kaso. Isang controversial case. Isang kasong kapag naipanalo ni Archer ay magpapatanyag sa kanya bilang mahusay na abogado. And I'm sure na malaki rin ang maitutulong nito sa'yo dahil marami kang matututunan sa kanya."

Napalunok si Serenity habang pinag-aaralang mabuti kung itutuloy niya ang pagtratrabaho kay Archer o itutuloy niya ang pamamahinga sa bahay habang inihahanda ang sarili sa kanyang profession bilang abogado.

"So, when are you going to come here?" Biglang tanong ng daddy niya sa kabilang linya na nag pabalik sa kanyang katinuan habang nag iisio ng malalim.

"Dalawang araw pa lang po ako rito sa bahay ni Mommy," pagkuwa'y na sagot niya.
"Sa Wednesday pa ako uuwi d'yan."

Ganoon kasi ang napag kasunduan ng kanyang mga magulang. Sa isang linggo ay apat na araw siyang mananatili sa bahay ng kanyang mommy at tatlong araw naman sa bahay ng kanyang daddy. Magmula nang maghiwalay ang mga ito ay palipat-lipat na siya ng titirahan. God knew how she wished na muli silang magkasama-sama sa iisang bubong.

Law The Way To Love(On Going)Where stories live. Discover now