SIMULA

11 2 1
                                    


ISHA

Mag-isa ako ngayon tumatambay sa likod ng bahay namin. Mahilig kasing magtanim ng mga bulaklal si Mama. Kaya naman naisipan niyang gumawa ng mini-garden rito.

Umaga pa lang at talamak na naman ang chismis sa aming baranggay. Dumating daw galing Maynila ang pamangkin ni tito alex.

Maraming chismosa sa baranggay namin. At masasabi kong isa na roon si Shanelle Alcazar-isa sa mga bestfriend. Araw-araw palagi kasi itong may dalang chicka sakin.

Naalala ko pa yung kin-wento niya sakin kahapon. Tungkol sa pamangkin ni Tito A.

"Alam mo ba ang pogi raw nong pamangkin ni Tito A. Hindi lang pogi,matangkad pa. Kaya maraming nagkagusto kaagad sa kaniya magmula ng makita siya."aniya nito. Tila kinikilig pa ang loka.

"Tss. Pano mo nasabing pogi?bakit nakita mo na ba?May picture ka ba niya?"sunod-sunod na tanong ko rito. Baka kamo chismis na naman."At isa pa, sabi mo "raw" so,it means di ka sigurado."pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na ko.

ISANG ARAW,habang naglalakad ako papuntang tindahan ,ay may nakita akong nagrarambulan hindi kalayuan. Umagang-umaga pa lang nagrarambulan na kaagad sila. Haystt!mga basagulero nga naman.

Namataan ko pa ying isang pinsan ko na nakikirambol din. Kaloka!

"Yow,cousin!"anito saka kumaway sa direksiyon ko. Maging ang kasuntukan nito ay napalingon din sa gawi ko."Hi,Isha bb. This is por u and por me. YIEEE KILIG BEKLOG KO."

Pootttttttt-----

-,-

Pano yung kilig beklog?tingennnnn nga!!!

Ay bad.

Hindi na nagdalawang-isip ang pinsan ko at sinuntok ito. Edi,ayon. Boom tulog! May pa kilig beklog pa kasi siyang nalalaman. Ampupu!

Nawili ako sa kakapanood sa kanila. Minsn nakiki-cheer din ako. Nakalimutan ko na nga na may pinapabili pala sakin si Mama.

"Go pinsan! Go pinsan!"pagchi-cheer ko habang nagpapalakpak with matching patalon-talon pa." Kaloka! Suntokin mo pa kasi. Umayos ka nga." Nakita kong nagising si kilig beklog."Pinsannnn! Si kilig beklog nagising. Suntukin mo ulit. Boom pak!"

Muntik na kong masubsob ng biglang may tumulak sakin. Naikuyom ko ang aking kamao. Walanjo.

Lumingon ako at akmang sasapukin na sana ang kung sino mang-tumulak sakin ng bigla akong matigilan.

"Sila po yung nagrarambulan."

Luhmehhhhhh!!!

Ang sexy ng boses.

Ackkkkk mah heart!

Hindi lang siya pogi. Matangkad pa. Hindi kaya siya ang tinutukoy ni sha-sha?

Napatingin siya sa gawi ko. Hindi ko inasahan ang sunod na ginawa niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan ng biglang maglapat ang aming mga palad. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

Pero sa kasamaaang palad.

"Kasali din po ito."aniya saka ako tinuro.

Nanlaki ang mga mata ko.

Watdapak?

"Naku! Isha, bakit ka nandito?kababae mong tao nakikipagsuntukan ka. Tiyak na lagot ka sa mga magulang mo."saad ni tito zen. Isa siya sa mga tanod ng barrangay namin.

Napabuntong-hininga ako."Tito naman. Layk dzuh! Wala po akong kasala-"

"Seriously?Miss, wag ka ng magsinunga-"

Ibinaling ko ang aking tingin sa poging lalaki. Sinubukan kong pumiglas dahil hawak-hawak niya la rin ang kamay ko. Pero potek!anlakas niya men!!" Bb, wag kang ganiyan. Hindi ako nagsisinungaling. Cheerer lang ako ng pinsan ko."tinuro ko si xeno.

"Tsk!"sinamaan niya ko ng tingin at pagkatapos ay binitawan ang kamay ko.

Gagalet ka beh?

Magmula ng araw na iyon ay hindi na mabura sa aking isipan si Justin. Yes,Justin Villacorta ang full name niya. Siya pala ang tinutukoy ng mga chismosa na pamangkin ni Tito A.

Araw-araw palagi ko siyang hinahanap. Minsan nga ay pumupunta ako kila tito A para makipag-laro sa mga anak nito. Pero ang totoo, ay nais ko lamang makita si justin. At sa tuwing nakikita niya ko ay sinasamaan niya ko ng tingin pagkatapos ay umaalis rin agad.

Pagkalipas ng ilang buwan ay wala na siya. Nalungkot ako ng bonggang-bongga. Pati yung bangs ko na -stress dahil sa pag-alis niya.

Bumalik na siya ng Maynila. Hindi ko man lang siya nakita bago siya umalis. Hindi man lang siya nagpaalam.

Pero bakit naman siya magpapa-alam sakin?

Wala lang naman ako sa kaniya.

Hanggang Kailan Aasa?Where stories live. Discover now