CHAPTER 3

1 0 0
                                    


"ISHAAAA!ANONG ORAS NA?GUMISING KA NA NGA DIYAN!"

Napabusangot na lamang ako ng narinig ko ang nakakabinging sigaw ni mama. Ang aga-aga pa eh. Nakakatamad bumangon. Haysttt!bakit ba kasi inakit na naman ako Ng Wattpad kagabi. Huhu!

"Opo. Babangon na."

Tamad akong bumangon sa aking higaan. Hinanap ko muna ang tsinelas ko at pagkatapos ay isinuot ito. Pinagmasdan ko ang alarm clock na nasa gilid ng aking kama.

"6:30 palang pala ng umaga." mahinang sambit ko.

Paalis na sana ako ng bigla akong natigilan.

Potekk??

Male-late na koooo!!!!!

Dali-dali kong kinuha ang aking tuwalya at pagkatapos ay mabilis akong naligo. Hindi nako kumain ng agahan. Hinalikan ko sa pisnge ang aking mga magulang at pagkatapos ay nagpaalam na ko.

"Hindi ka man lang ba kakain?"

Umiling ako kay mama." Hindi na, ma. Male-late na kasi ako. Saka medyo busog pa rin naman ako hehe."

NANG makarating ako sa school ay sakto at wala pa ang adviser namin. Hindi pa ako nakakaupo ng biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Isha!"

Napairap na lamang ako ng paglingon ko ay si jave ang aking nakita. Tinalikuran ko siya at saka pumunta sa aking upuan.

"Hoy!"anito.

Inilagay ko muna ang aking bag bago siya muling hinarap.

Nameywang ako't pinakatitigan siya "Ano na naman ba?"pagtataray ko rito.

"Galit ka?"tanong nito.

Huminga muna ako ng malalim. Sa katunayan ay hindi ako galit. Sadyang wala lang talaga ako sa mood para makipag-usap sa ngayon. At saka isa pa gutom ako. Mahirap awayin ang taong gutom, mahirap na't baka makain ka este masampal ka.

Umiling ako."Hindi ako galit."aniya ko saka ngumiti ng peke." May kailangan ka ba?"

" Ah..kasi..."napakamot ito sa kaniyang batok na siyang ikina-irap ko. Mukhang nahihiya pa ang loko!" Haysst pano ko ba sasabihin sa kaniya."mahinang bulong nito sa sarili.

"May sinasabi ka ba?"nagtataka kong tanong rito.

"Ahmm..yayain sana kitang magmeryenda mamaya kila aleng daday."

Sa isip ko" Anong nakain kaya nito?" Himala at nagyaya.

"Libre mo?"

Mahina siyang natawa." Oo naman. Basta ikaw."anito sabay kindat. Ginulo pa nito ang buhok ko kaya naman kaagad kong tinampal ang kamay niya.

"Ayiieeee."

"Nubayan!andaming langgam."

Kaagad kong sinamaan ng tingin ang mga kaklase ko. Mga pashneaaaaa!

"Alis nako. Meryenda tayo maya ah! Wag mong kalimutan."Ani jave bago tuluyang umalis.

MATAPOS ang klase ay umuwi nako't nagbihis ng pambahay. Maya-maya lang ay dumating na rin si jave para sunduin ako. Habang naglalakad ay tahimik lamang kaming dalawa.

Malapit lang ang bahay nila Tito A sa tindahan. Nang mapadaan kami kanina ay kaagad akong nilapitan at niyakap nila eya at Lily. Nais pa sana nila akong makalaro ngunit sabi ko ay sa susunod nalang.

"Aleng daday, dalawang soft drinks nga po saka apat na chichirya para sa magandang dilag na aking kasama."

Yikesss!

"Corny."aniya ni aleng daday na siyang ikinabulalas ko ng tawa. Maya-maya lang ay iniabot na nito samin ang dalawang soft drinks saka apat na chichirya.

"Sayo na to lahat."aniya ni jave at saka ibinigay sakin lahat ng chichirya.

Seryoso? May plano yata siyang sirain yung diet ko.

Ibinalik ko sa kaniya lahat." Ayoko. Sayo nalang."

"Anong sakin?"muli nitong ibinigay sakin Ang chichirya." Sayo na lang kasi."pagpupumilit nito.

Ilang beses pa namin itong pinagpapasahan. Hanggang sa...

"Aleng daday, pabili nga po."

Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Hindi kaya....

"Justin?"

Hanggang Kailan Aasa?Where stories live. Discover now