CHAPTER 4

3 0 0
                                    


"Justin?"

Nagtataka kong tiningnan si Jave.

"Si Justin? Asan?"

Dali-dali akong lumingon sa aking likuran. Gayon na lamang ang aking pagkagulat sa aking nakita. Hindi ko maiwasang mapatingala sa lalaking nasa aking harapan.

"J-justin..bumalik ka nga."naibulalas ko. Ilang beses pa akong kumurap kurap upang mapagtanto na siya nga iyong nasa harapan ko. Kung pwede lang sampalin ko siya este hawakan ang mukha niya. Kaso lang baka masapak niya pa ako kaya wag nalang.

Nararamdaman kong namumula ang aking pisnge. Shocks! Blush pa nga!

Ngunit gayon na lamang ang aking panlulumo ng bigla nalang itong tumalikod at umalis. Hindi niya man lang nagawang tingnan ako.

Dinig kong biglang napabulalas ng tawa ang kasama ko kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.

"Anong nakakatuwa don,jave?"tanong ko sabay irap sa kaniya.

Ngunit hindi niya pinansin ang aking tanong at patuloy pa din ito sa pagtawa. Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko kung kaya't hinampas ko ng malakas ang kaniyang braso.

Napangiwi naman ito saka napatigil na sa pagtawa. Tinaasan niya ko ng kilay." Ano bang problema mo at nanghahampas ka?"

"Eh kasi ikaw eh!"pagmamaktol ko.

Nagtatakang napatingin naman siya sakin. "Anong ako?"tinuro pa nito ang kaniyang sarili.

Namewywang ako at saka hinarap siya. "Anong ikaw? Tinatanong kita kung anong nakakatuwa. Pero di mo pinansin at patuloy ka lamang sa pagtawa."

"Hay naku, Isha."nasapo nito ang kaniyang noo at napailing-iling. "papaanong hindi ako matatawa?eh para kang binagsakan ng langit at lupa kung makabusangot."

Bumalik ako sa aking kinauupuan kanina. "Bakit ba kasi hindi niya ko pinansin?"

"Hay naku, Isha. Bakit?kahit noong dati pa'y hindi ka naman talaga niyan pinapansin? Huwag ka ng umasa riyan."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sabagay, tama nga naman si Jave. Kahit noon ay hindi naman ako pinapansin ni Justin bb ko huhu. Pashneaaaaa! Kung itapon ko nalang kaya siya sa encantadia? Magsama nalang sila ni Imao. Hmpk!

"Hoy! Anyare sayo?ansama ng tingin mo ah. Galet na galet?

Napatango naman ako. It really hurts. Super duper ultra mega hurts ng aking heart. Choss!

"Ateeeee Ishaaaaaaaaaaa!!!!!"

Muntik na kong mabulunan ng biglang nagsilapitan ang mga pamangkin ni Justin sakin. Lupet pa kung makasigaw. Nakalunok yata ng microphone ang mga ito. At tila kakatapos lang ng kanilang klase dahil sa suot pa nila ang kanilang uniporme.

"Ginagawa niyo dito?"pagtataray ko sa kanila. Pashneaaaaa!! It really hurts talaga ng di pagpansin sakin ng kuya Justin nila.

"Taray ni, ate Isha."dinig kong bulong ni Eya kay Lily.

"Oo nga, ansunget niya ngayon."

"Kaya lalo siyang pumapangit eh."

Abat-

Walang hiya! Ansakit non ah!

"Pigilan mo ko, Jave. Nandidilim paningin ko. Pigilan mo ko!"Tiningnan ko si jave na parang nagsasabi na "uy dree pigilan mo ko uy!"

Napatampal naman ito sa kaniyang noo bago niya ko pigilan. "Kalma. Pati ba naman bata papatulan mo?"

"Eh sa sinabihan akong panget eh! It really hurts kaya."

"Ansunget mo kasi ,Ate Isha. Dapat wag ka magsunget para maganda ka." Aniya naman ni Jeje.

"Oo nga, Ate Isha. Ang ganda mo pa naman sana kaso sinusungitan mo kami. Aba mali iyon!"

Amputs!ang babata pa pero andaming alam. Hay ewan nalang! Kastress sa bangs. Kunwari may bangs ako hihi.

" Oo na. Hindi na ako magsusungit. Umuwi na kayo't malapit ng dumilim."

"Sige po. Bye Ate Isha."anito saka humalik sa pisnge ko. "Nga pala ate, punta ka daw bukas sa bahay. May handaan para kay Kuya Justin. Yieeeeee!!!!"

Matapos nilang sabihin iyon ay kaagad na silang napatakbo. Naghahagikgikan pa silang tatlo.

Pero tama ba ang narinig ko? May handaan para kay Justin? At saka imbitado ako? Waaahhhhhhhhh!!!!!!!

"KYAAAHHHHHHHHHHHH!!"ansaya ko. Makikita ko si Justin bukas. Dali-dali akong tumakbo pauwi ng bahay. Kailangan ko mamili ng damit na susuotin. Kailangan maganda aki bukas. Mahgas!

Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko ng makarating ako sa bahay. Agad akong naghalungkat ng mga damit sa cabinet ko. Hindi matanggal ang mga ngiti sa aking labi. Ngunit agad din itong napawi ng may naalala ako.

Shocks!

Napahawak ako sa aking mga labi. Bakit parang may nakalimutan ata ako?

Halaaaaaaaaaa!!!!

Si Jave naiwan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang Kailan Aasa?Where stories live. Discover now