CHAPTER 1

7 1 0
                                    


Paa.

Tuhod.

Balikat.

Oppsss!bakit mo kinanta?ha?
Hakdog!

Kasalukuyan ako ngayong nakikipag-laro sa mga anak ni tito A. Hanggang ngayon kasi ay inaabangan ko pa rin ang pagbalik ni Justin. Madalas akong nandito. Mula umaga hanggang mag-hapon.

Nagbabakasakali na baka bumalik na siya. Gusto ko kasi na ako mismo ang unang makakita sa kaniya. Gusto ko na ako ang unang sasalubong sa kaniya.

Gusto ko,pero di ako gusto.

Parang ikaw!di ka din gusto ng crush mo. Bleehhh!

"Ate Isha, laro na tayo. Pweaseeeee!!"pag-aaya ni Eya-isa sa mga kalaro ko.

Sa totoo lang,maraming nagsasabi na isip-bata raw ako dahil sa nakikipag-laro ako sa mas bata pa sakin. Para sakin wala namang masama kung makikipag-laro ka sa mas bata sayo. Pag nakikipaglaro ba dapat may basehan ang edad?

Hindi ako mahilig makipag-laro sa mga ka edad ko. Ewan ko ba. Ayoko lang talaga sa plastik ang ugali. Kunwari makikipag-kaibigan. Tapos ano?lalapitan ka lang pag may kailangan?

Oh,bitch don't me!

Chour!

"Taympers muna. Pagod na pagod pa ko."aniya ko. Pawis na pawis na ang likod ko at kanina pa ko hinihingal. Kanina pa kasi ako mukhang tanga na nakikipaghabulan sa kanila.

"Asus. Hindi ka nga napapagod umasa na babalik pa si Justin,eh."singit naman ni Sha-sha. Tiningnan ko siya ng masama. Lintik!

Tiningnan ko sila eya. At nakatingin sila sakin ng may nanunuksong mga ngiti. Amputek! Maya-maya lang ay nag-kantiyawan na sila.

"Uyyyy!crush mo pala si kuya Justin,ha."-eya

"Yiieeeeee!!!!"-jeje

"Uy!si ate nagba-blush."lily

Agad akong napa-iwas ng tingin. Tiningnan ko ng masama ulit si Sha-sha. Sa isip ko,paktay ka saking bruha ka mamaya. Sasabunutan ko talaga siya ng bonggang-bongga.

"Sabihin kaya natin kay kuya Justin?"

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig.

Haluhhhh??

Wag ganun mars!

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita."Hoy!anong sasabihin? Lily, hindi ko crush ang kuya justin niyo,nu!"

"Sinungaling."aniya ng isang bahagi ng aking isip.

"Pero,sumesenyas po si ate sha-sha. Sabi niya crush niyo raw po talaga si kuya Justin. Yieeeee!!!"

Napapikit ako ng mariin. Ipakidnap ko nalang kaya si sha-sha. Tsk!pahamak talaga kahit kailan.

Kailangan ko maka-isip ng pwedeng idahilan. Lintil na sha-sha!

Umiwas ako ng tingin bago nagsalita."Ahm..yung kaklase ko,justin din ang pangalan non. Yun yung crush ko hindi ang kuya Justin niyo.Gets?"pagsisinungaling ko ulit huhu.

Napatango-tango naman sila na siyang ikinangiti ko. Nice one selp.Napaka-sinungaling mo.

Sa totoo lang,wala talaga akong kaklase na Justin ang pangalan. Charot-charot lang yun.

Maya-maya ay bigla na lamang akong nagtaka ng bigla silang tumayo at tumakbo. Nakangiti pa sila at tila nagagalak sa kanilang nakita.

It hurts. Iniwan nila ako.

Hindi pa ko nakakalingon ng bigla kong narinig ang sigaw nila.

"Kuyaaa Justinnnnn!!!!"

Hanggang Kailan Aasa?Where stories live. Discover now