CHAPTER 2

5 0 0
                                    


Teka?

Wait.

Loading.....

Si Justin?nandito?bumalik na siya?

Ackkkkk mah heart!!

Waaahhhhh!!!!

Isang taon ko siyang hindi nakita. Isang taon ko siyang hinintay. Siguro ito na nga ang araw na makikita ko siyang muli. Labis-labis ang sayang aking nararamdaman sa ngayon.

Nakangiti ako habang dahan-dahang lumingon sa aking likuran. Subalit hindi rin nagtagal ay nawala rin ang aking ngiti.

Nasaannnn????

Nasaan si Justinnnnn???

Pagkalingon ko ay wala akong nakita ni isa. Wala si justin bb ko. Nakaramdam ako ng kilabot. Charot-charot lang ba yung narinig ko? Subalit mas nanaig ang aking pagka-dismaya. Akala ko pa naman bumalik na siya.

Muli akong nagpalinga-linga sa paligid.

"Sinong hinahanap mo?"

Napatalon ako dala ng pagka-gulat. Napahawak ako sa aking dibdib. Potek! Ayoko sa lahat iyong ginugulat ako.

Sa isip ko, pano kung inatake ako sa puso?edi,paktay!ganun? Kawawa naman si Justin. Pag nawala ako edi wala na siyang bb pag nagkataon.

#sadlayp

"Anong ginagawa mo rito?"aburido kong tanong kay jave.

"Kalma."anito at napakamot sa kaniyang batok." Pinapatawag ka sakin ni Mama. Umuwi ka na raw."

"Mama mo o mama ko?"nakakunot-noong tanong ko sa kaniya.

Napangiti naman siya."Mama natin."anito sabay kindat.

Sinamaan ko siya ng tingin. 'Pag to sinumbong ko sa pinsan ko,tulog ulit to.

"Bakit ba niya ko pinapatawag?"

"Mag-hugas ka na raw ng mga pinggan sa inyo."

Maghugas ng pinggan?

Hanudawwww??

Teka.

Wala yata akong narinig.

Napangiwi ako." Tsk! Mauna ka na. May pupuntahan pa ko saglit. Pakisabi nalang."

"At sa'n ka naman pupunta?"nagtatakang tanong nito.

Tinaasan ko siya ng kilay." Kila tito A. Ichicheck ko lang kung nandon si justin."

"Justin?yung crush mo?pft!"

Kinwento ko sa kaniya yung tungkol sa narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Tama talaga ang narinig ko kanina. Nandito si justin.

Iiwan ko na siya. Kaso hindi pa ko nakaka-hakbang ng bigla na lamang niya kong hinatak pabalik." Tss! Halika na. Ihahatid na kita sa inyo. Gutom lang yan. Hindi na babalik yung justin mo."

Inirapan ko siya. Padabog akong naglakad paalis. Nakakainis! Panira ang loko. Palibhasa walang lablayp! Haysst!hindi pwedeng hindi na bumalik si Justin. Pano ako?pano yung nararamdaman ko? Lintik na kilig beklog este Jave. Bitter ang loko!

Sana naman bumalik na Justin. Miss na miss ko na talaga siya ng sobra.

Hanggang Kailan Aasa?Where stories live. Discover now